Wolfe Wave Trading Strategy (Tagalog)

Gusto mo ba matuto ng medyo komplikado na price action trading?

Let me introduce you to Wolfe wave trading.

If this is new to you, hindi ka nag iisa.

Hindi kasi ito madalas ginagamit ng mga traders, lalo na ng mga newbie traders. To be honest hindi ito madaling makita sa chart tulad ng support and resistance, trendlines, etc.

But in this article,

Alamin natin kung ano ang ba ang wolfe wave, at kung paano ito ginagamit sa trade.

Wolfe Wave

Ang Wolfe wave ay isang uri ng price action na binubuo ng limang waves.

Ito ay makikita sa kahit anong time frame, from  1 minute to 1 month.

I consider this as a predictive type of technical analysis, parang Elliot wave.

Kasi ang benefits ng pag gamit sa wolfe wave ay para malaman kung saan posibleng mapunta ang price.

May dalawang uri ng Wolfe wave, bearish Wolfe wave at bullish Wolfe wave.

Ito yung itsura:

wolfe wave

Para lang itong diagonal chart pattern pero mas nahahawig sa falling and rising wedge.

Variation lang naman ito ng falling and rising wedge.

At tulad din ng Elliot waves, may mga rules tayo na kailangan iconsider para masabi na valid ang Wolfe wave na tinitingnan natin.

1. Ang waves 3 and 4 ay kailangan naglalaro lang sa channel 1 and 2.
2. May symmetry dapat ang wave 1-2 sa 3-4
3. Ang wave 4 ay nasa loob ng channel na gawa ng 1-2.
4. Ang wave 5 ay lalagpas sa trendline na nabuo sa wave 1 and 3.

Kung gusto mo talaga mag trade gamit ang wolfe wave, kailangan mo tandaan ang mga bagay na yan.

EPA line and ETA line

Sa Wolfe wave may tinatawag na EPA at ETA.

EPA stands for Estimated Price of Arrival.

Ipinapakita nito ang future price na pwedeng ma abot ng coin.

It’s all about price.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon na aabot nito ang price. Probability pa rin.

Ang ETA naman, siguro alam nyo na ang ibig sabihin nito.

Estimated Time of Arrival.

Sa ETA line, pinepredict nito kung kailan maaring dumating ang price sa tamang expectation price level.

Yun lang naman ang purpose ng EPA line at ETA line, para malaman ang future price at future date.

Pero sabi nga nila hindi masyadong importante ang ETA line, kasi hindi naman ito nangyayari ng ganoon kadalas.

Ang mas importante ay ang EPA line, kaya kailangan natin mas pag tuunan ng pansin ang tamang paraan ng pag guhit ng linya dito.

How to trade Wolfe waves

Ang wolfe wave patterns ay hindi madaling makita sa chart, lalo na kung hindi mo ito hahanapin.

Kailangan mong tingnan ang chart ng mabuti at hanapin ang nabubuong wolfe wave pattern, kung hindi mamimissed mo ito.

Yan ang hirap sa wolfe wave, it’s not easy to find.

Kailangan mo ng kaunting practice sa paghahanap nito sa chart, bago mo matutunan ito gamitin sa trade.

How to trade bearish Wolfe wave

wolfe wave

Hahanap muna tayo ng possible formation ng bearish wolf wave.

Katulad ng nasa example image na nakikita natin sa itaas.

We have to look for the 5 waves formation. Tsaka tayo mag lalagay ng mga linya.

Sa bearish Wolfe wave ang pang lima ang entry point natin for short position.

Sa EPA line naman ang magsisilbing target profit natin.

Things to remember hindi sa lahat ng pagkakataon na aabot ng price ang EPA line. Minsan hindi ito umaabot at minsan naman lumalagpas pa.

Just follow the rules of Wolfe wave para hindi kayo maligaw.

How to trade bullish Wolfe wave

wolfe wave

Kabaliktaran lang ng bearish Wolfe wave. We have to look for the 5 wave patterns.

Look at the example image sa itaas.

Ang entry point natin for long position ay sa wave 5.

Ang EPA line naman ang magsisilbing target profit.

After natin mag enter, we have to monitor our position, depende sa time frame na gagamitin natin.

Kung sa lower time frame tayo nag enter, mas kailangan natin ito imonitor.

Proper risk management pa rin, kasi wala naman perfect strategy.

Anyway, sa una medyo nakakalito ang strategy na ito, kasi kailangan mo pa gamayin. But all in all, okay din naman ang strategy na ito.

To be honest, hindi ko masyadong ginagamit ang wolfe wave, although pamilyar ako dito.

Katulad ng elliot wave. Hindi kasi ako fan ng mga predictive type of technical analysis. Pero may mga ibang traders na magaling dito at akma sa kanilang personalidad.

Kaya ko ginawa ang article na ito para sa kanila.

Sa mga nag hahanap ng iba pang strategy na siguro ay babagay sa kanila.

This is just a quick overview of Wolfe wave chart patterns, kung may bago kayo natutunan, I would appreciate it if you can share this article with your friends and people who want to learn how to trade.

Happy Trading!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart