Search
Close this search box.

How to use Bollinger bands (Tagalog)

how to use bollinger bands

Let us know how to use Bollinger bands easily.

Isa sa mga basic technical indicator na ginagamit hindi lamang ng mga baguhan sa trading pati na rin ng mga professionals.

Ito ang technical indicator created by John Bollinger noong 1980s. Ginawa ito para madaling ma identify ang trading range ng isang asset, sumasabay ito sa volatility at parang goma na nanag cocontract at expand.

Ang Bollinger bands ay magagamit sa kahit anong time frame. Ito ay dinisenyo para ipakita ang price kung ito ay mataas or mababa on a relative basis sa chart.
Ito ay binubuo ng isang middle band at dalawang outer bands.

Ang middle band ay moving average na kadalasan naka set sa 20 period. Ito ang ginagamit dahil ang moving average ay naka base din sa standard deviation formula. And dalawang bands naman na naka pwesto sa itaas at ibaba ng middle bands ay naka set din sa standard deviations.

Madaling ma identify ang volatility ng isang asset kapag ginagamit ang bollinger bands indicator.
Kapag ang volatility ay mataas, nag eexpand and bands automatically pababa man or pataas, pero kapag ang volatility ay mababa nag kakaroon ng contraction.

Once na nasa upper bands ang price movement ng asset, nag papahiwatig ito ng strength—at kapag naman ang price ay nasa lower bands, it shows weakness. In short, kapag nasa above ng middle bands ang price masasabi natin na nasa uptrend momentum tayo, kabaliktaran naman kung ito ay nasa ilalim ng middle bands, downtrend ang momentum.

Pero kapag na break outside ang bands mapa lower or upper bonds, yung tipong nasa labas na ng bonds ang price—maituturing itong parabolic movements na maaaaring mag patuloy sa direction ng break out.

Although, kung mangyari man ito at lumagpas na sa upper bands ang price action, it does not mean that this is a buy signal, katulad din kapag lumagpas sa ilalim ng lower band ang price, hindi ibig sabihin you can go short.

Nakadepende pa rin ito. Just like other indicators, na hindi mo pwedeng gamitin as a stand-alone tool.
It needs to be confirmed by other technical indicators and chart analysis.

How to use Bollinger bands?

how to use bollinger bands

Maraming gamit ang bollinger bands, pero dalawa lang ang pinaka common dito.

Support and resistance

Ang upper at lower bands yung magkabilang dulo, ay nag sisilbing support and resistance.
Kapag ang price action ay dumikit na sa upper bands, there is a posibility na ito ay mag bounce pababa.

Ganoon din kapag ang price action ay umabot na sa pinaka dulo ng lower bands, there is a posibility na mag bounce ito pa itaas.

Break out

Just like support and resistance, once na ma break ang ceiling or floor na humaharang dito, it could probably go for a breakout.

Kapag lumagpas ang price action sa top ng upper bollinger bands, maari itong mag dulot ng break out pa itaas. At alam ito ng ibang traders, and they could ride on it. Same thing kapag nag karoon ng break out sa ilalim ng lower bands, there could be a possible downturn.

At katulad din ng ibang indicator there is still no certainty. You should always put a protective stop not too far with your entry points.

Conclusion

A simple indicator will help you to become a profitable trader if you know how to play the game, at kung ikaw ay may sapat na kaalaman at experience dito.

1 thought on “How to use Bollinger bands (Tagalog)”

  1. ENRIQUE FERRER

    lupet mo lods mag explain ang linaw. dagdag pa habang binabasa ko parang naririnig ko na boses mo HAHA

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart