Simple Scalping Strategy -Tagalog(Updated 2022)

Isa na ata ito sa pinaka requested trading strategy lalo na nang mga newbie ang simple scalping strategy.
Hindi ito recommendable sa mga baguhan kasi dapat may prior knowledge na kayo about trading.

Pero dahil makukulit kayo ituturo ko sa inyo ang pinaka simpleng paraan ng scalping strategy.

Take note ang bawat trader ay may iba’t-ibang strategy sa trading kaya wag kayo magtataka kung iba ang style ko sa ibang trader. Kagaya nga ng lagi kung sinasabi, gamitin nyo ito as a guide tapos makaka pag develop na din kayo ng sarili nyong strategy —sariling style at kung anong technical indicator ang komportable para sa inyo.

Ngayon pag tsagaan nyo muna itong simpleng tutorial. Katulad din naman ito ng my day trading strategy pero mas extreme na version. Kung hindi niyo pa nababasa yun, you may go here.

What is scalping?

Kung ikukumpara natin sa swing trading na normally naghahangad ng malaking profit in one trade, ang simple scalping strategy ay kuntento na sa maliit na profit. Ang method ng trading sa scalping para makapag profit ay high volume of trade na mabibilis.

Yung tipong 70 to 100 trades sa loob ng isang araw, at yung mga maliliit na profit na yun kada trade pag pinagsama-sama mo siguradong malaki at the end of the day.

Pero make sure na kada trade mo kayang icover ang trading fees at may profit na maliit. Kailangan din laser focused ka sa bawat trade mo, hindi ka pwede mag trade habang nanonood ka ng korea nobela.

Kailangan mabilis din ang mga ginagamit mo, tulad ng internet connection, computer at ang daliri mo. Mas mainam kung may calculator ka din na naka bukod para makacalculate mo yung profit mo. Hindi yung trade ka lang ng trade tapos insufficient balance ka na pala.

Okay umpisahan na natin.

Ang gagamitin natin na platform ay binance, pwede din naman kayo gumamit ng ibang exchanges tulad ng kucoin, liquid or bitfinex. Ideal kasi ang binance lalo na sa day trading at scalping kasi madaming altcoin at mataas ang volume.

Mag log in muna tayo sa binance or kung wala ka pang account mag sign up ka muna dito.

simple scalping strategy

Kapag nasa home page ka na nang binance punta ka sa spot options. Follow mo lang iyong nasa picture sa itaas.

Coin picking

simple scalping strategy

Ang style dito ay kaperahas lang ng sa day trading, hahanapin natin yung  may pinaka mataas na volume at 24 hour change. Depende sa iyo kung anong pairing ang gagamitin mo USDT, BTC, ETH etc.

Pero kahit anong trading pair pa yan, ang kailangan natin makita ay yung may mataas na volume at 24 hour change. Ang standard na tinitingnan ko ay may 10% pataas  sa 24 hour change, pwede na yun basta mataas din ang volume.

Kung mapapansin nyo yung image sa itaas ang pairing na pinili ko ay XRP/ETH kahit na 7.81% lang yung 24 hour change—mas priority ko kasi ang may mataas na volume.

It means na sa trading pair na ito mas marami ang nag bebenta at bumibili na magdudulot sa price swing ng market.

Pero it doesn’t mean na  kapag nakapili ka na nang trading pair ay pwede ka na mag trade agad. Kailangan mo muna tingnan yung price action ng coin. At ibang mga indicators para malaman kung upward pa ba ang trend ng asset or downtrend na.

At kapag alanganin ang trade, sorry, kailangan mo mag hanap ng ibang pair at tingnan kung may edge ka ba na makapag profit. At kung wala, huwag mong pilitin mag trade. Baka may mas importante ka pa nagagawin kaysa dito.

Chart Analysis

simple scalping strategy

Dito sa 5 min chart ng XRP/ETH ito yung mga tipo ng price action na pwede pumasok ang mga scalpers, mabilis ang taas baba ng price. Ang ginagamit ko sa simple scalping strategy na ito ay ang mga indicator na nakikita niyo sa itaas ang bolingerbands, stochastic rsi at volume.

Hindi ko na ipapaliwanag kung paano gamitin ang mga indicators na ito, nasabi ko na yan sa my day trading strategy na article, balikan nyo na lang kung sakaling  nakalimutan niyo.  Pwede naman kayo gumamit ng ibang indicator kung saan kayo komportable.

Pero hindi lang yan, mayroon pa akong ibang mga tinitingnan bago ko masabi na pwede ako pumasok sa trade na ito.

Titingnan ko muna ang trend ng coin sa daily chart at 1 hour chart. Aalamin ko ng mabilis kung nasaan ang support and resistance.

Kapag okay naman ang lahat, ipoposition ko na ang entry point at exit point ko. Alam ko na rin kung na saan ang stop loss ko.

Ang standard target profit sa scalping ay 0.25% to 1%. Naka depende na ito sa laki ng account size mo. Minsan naman ang profit ay lumalagpas sa 2 % at umaabot pa ng 7%. Pero dahil nga scalping ito—maliliit na profit lang ang kailangan mo itarget.

Ang risk reward ratio dito ay 1:1. Kunyari may capital ka na $100, ang target profit mo ay $110, at dahil nga ang risk reward ratio mo ay 1:1— ang halaga na iririsk mo ay $10 ng $100—so kailangan mo ibenta sa $90 na price range ang trade kapag hindi ito pumabor sayo.

How to exit a trade

simple scalping strategy

Ito na yung paraan ko ng pag sesell, normally kailangan mo ng stop loss—pero dahil mabilisan ang labanan dito. Hindi ako nag seset up ng automatic stop loss.

Manual ang ginagawa ko na atake dito, kapag na reach na yung level ng stop loss ko ibebenta ko ito agad at wala akong plano ihold ang coin katulad ng ginagawa ng iba.

Kailangan ko tangapin ang pag katalo and look for another better trade.

Ang paraan naman nang pag bebenta ko ay yung makikita nyo sa image sa itaas, kapag na reach na yung exit target ko. Click ko lang yung pinaka mataas sa buy order book then select 100% then sell. Ganon lang.

Katulad nga ng nabangit ko kanina, kailangan mabillis ang execution at focused sa monitor. Kasi anytime, pwedeng bumaba agad ang price, na mas mababa sa target mo.

By the way, yung image na ginamit ko sa itaas, inedit ko lang ang price ng XRP. Wala kasi akong balance ng XRP sa binance, para lang magkaroon kayo ng idea kung ano ang makikita niyo.

Tips

Ang dalawa sa pinaka mabisang chart pattern na ginagamit sa simple scalping strategy at day trading ay ang bull flag momentum at ABCD chart pattern. Madali lang naman ang bull flag momentum, gagawa ako ng seperate article nang bull flag momentum sa susunod.

Pero kung hindi ka pa pamilyar sa ABCD pattern may article na ako na ginawa dito basahin mo na lang din. Maraming mga chart pattern pero mag stick ka muna sa mga basic pero profitable.

Risk management

Ilang beses ko na ito nabangit sa mga blog ko, na ito ang pinaka importante sa lahat pag dating sa trading. Kasi balewala ang lahat ng strategy na alam mo kung wala kang risk management.

Isa na dito yung accept your losses. Ang pinaka kalaban ng mga traders ay ang kanilang emosyon, kaya kahit may plano at strategy hindi nila ito sinusunod.

Kahit alam nilang kailangan mag lagay ng stop loss hindi nila ito gagawin, kasi baka nga naman ma stopped out ang stop loss nila at biglang bumulusok ang price pataas.

Pero nawawala sa isip nila na pwede rin ito bumulusok pababa. At pag nangyari yun ano ang gagawin ng karamihan sa mga traders lalo na ng mga newbie?

Ihohold nila. Maghihintay lang sila na umangat ang price ng coin nang mga ilang araw at buwan. Buti kung aangat pa. Nasunod ba ang plano at strategy? Hindi.
Lalo na sa day trading at scalping na hindi pwede mag tagal na hawakan ang coin ng isang araw.

Ayaw nila matalo ng 5% to 10%. Pero hindi nila alam na matatalo sila ng 90%. Lalong hindi nila maibebenta ang mga hawak nilang coins kasi masyado ng malaki ang talo nila pag binenta nila ito.

Pero kung sinunod lang sana nila ang tamang plan at strategy na tangapin ang pagkakamali at talagang talo sa isang trade. Malamang nakabawi pa sila sa ibang trade and make profits.

Conclusion

Ang trading ay hindi para sa lahat at lalo na ang simple scalping strategy na ito. Kung sa day trading ang 50% win rate ratio ay sapat na para maging profitable. Sa scalping kailangan mas marami kang panalo sa talo.
At hindi ito madaling gawin. Reminder ko lang naman yan, pero kapag na master mo naman ang scalping napaka profitable nito.

Disclaimer: 

I am not an expert, not a financial advisor. This post is provided for informational purposes only. Please do your own due diligence before making any investment decisions.

8 thoughts on “Simple Scalping Strategy -Tagalog(Updated 2022)”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart