Ano Ang Ethereum? (Tagalog)

ethereum

Siguro alam mo na ang bitcoin at ngayon gusto mo iexplore ang iba’t ibang uri ng cryptocurrencies at ang purpose nito. Ngayon pag usapan natin ang pumapangalawa sa bitcoin pag dating sa overall market cap. Ang Ethereum.

But before that, importanteng maintindihan din natin ang Blockchain technology. Kasi ang ethereum ay nangaling din mismo sa idea ng bitcoin. Ito ay decentralized platfrom na may pagkakaiba sa bitcoin blockchain.

What is Ethereum?

Ang Ethereum ay inilabas noong taong 2014 sa tulong ni Vitalik Buterin, ang creator ng Ethereum.

Ang ethereum ay isang platform na nag pasimula sa decentralized applications also known as Dapps.
Karaniwan sa mga application or games na ginagamit natin ngayon ay centralized or may namamagitan. Sa dapps dahil ito ay decentralized, walang namamagitan or may control sa mga ito.

Kung gusto mo gumawa ng application under dapps, kailangan mo lang pag aralan ang programming language nito na solidity. And you can create your on apps.

Ang platfrom ng ethereum ay nakakalat sa thousands of computers na nag papatakbo dito. Ito ay fully decentralized, kaya naman kapag ang isang program ay nadeployed na sa ethereum network—ito ay gagana nang walang problema sa tulong ng mga miners.

Ang goal ng ethereum ay magkaroon nang totoong decentralized internet.

Hindi pa ba decentralized ang internet natin ngayon?

Kahit sino pwedeng gumawa ng website kung gugustuhin nila. Pero kung iisipin mo ang mga malalaking kompanya sa internet tulad ng Youtube, Google at Facebook etc, sila halos ang komokontrol sa kabuuan ng world wide web. It means, halos lahat ng interaction natin sa internet dumadaan pa din sa third party.
At ito ang gustong masolusyunan ng ethereum. Not only ethereum, pati na rin ng ibang cryptocurrency project.

ethereum

Smart Contracts

Nabangit ko kanina ang programming language ng ethereum ang solidity. Ito ang nagpapagana sa smart contract.

In layman’s term ito yung tinatawag na kontrata, kung titingnan natin sa traditional perspective.
Ito yung kasunduan or agreement na pinipirmahan ng dalawang individual or higit pa.
Halimbawa, kung nag rerent ka ng apartment, may pipirmahan ka na kasunduan na mag babayad ka ng 7k monthly para magamit mo ang apartment.

Ito din ang konsepto na ginagamit ng smart contracts sa Ethereum. Ang mga developers ng ethereum ay may inilagay na conditions sa program nito na mag eexecute sa ethereum network. At ito yung  tinatawag na smart contract— na pwedeng gamitin sa kahit anong kontrata mapa management, enforcement, performance at payment.

Kapag na deployed na ang smart contract sa ethereum network, hindi na ito pwede ma edit or macorrect,  kahit na ang original na may gawa nito.
Ang natatanging paraan para ito ay mabago ay kumbinsihin ang lahat ng participant ng ethereum network na nakalat sa buong mundo. Na sa tingin ko ay napaka impossibleng magawa.

Noong nag uumpisa pa lang ang ethereum nagkaroon ito ng problema ng maisipan nilang irelease and DAO(decentralized autonomous organization) under smart contracts. Dahil bago pa lang ang ethereum may mga pagkukulang pa ito sa security.

Ang konsepto nang dao ay parang business organization na ang decision ay nakasulat as a computer code or sa boto ng bawat miyembro. May certain rule na naka emebedded sa program nito.
Ang DAO ay nakapag raised ng $150 Million in Ethereum currency or ether.

Pero ito ay nahack dahil na rin sa kapabayaan ng mga developers nito at investors. Nakahanap ng loophole ang mga hacker.

At dahil dito nagkaroon nang hindi pagkakasundo ang ethereum community, gusto ng karamihan na baguhin ang rules ng ethereum para ma ibalik ang mga pera ng investors sa DAO.
Syempre hindi lahat nag agree dito, at ang ilan sa mga ito ay nag stay sa orihinal ethereum blockchain bago baguhing ang protocol nito. Kaya nabuo ang ethereum classic. Ang orihinal na ethereum.

Currency

Dahil nga ang ethereum ay tumatakbo sa iba’t ibang computers para maexecute ang code na bumubuhay sa dapps.  Ang kapalit nito ay pera, kailangan may pangastos sa mga machines, or mining rigs, pambayad sa kuryente etc.

At saan kaya nila ito kinukuha?

Sa ethereum currency na nag iincetivized  sa mga taong nagpapatakbo ng protocol ng ethereum sa kanilang mga computers. Katulad din ito ng paraan ng bitcoin, ang mga bitcoin miners ay binabayadan para mamaintain ang bitcoin blockchain.

Noong unang lumabas ang ether nagkakahalaga lang ito ng 40 cents.
At dahil dumami na ang gumagamit ng dapps at ethereum, umabot na ito ng hundreds of dollars sa ngayon.

Ang ethereum ay isang uri ng platform at hindi ito currency katulad ng bitcoin, ang currency na ginagamit ng ethereum ay para maincentivized ang network. At ito ay tinatawag na ether.

Ang pagkakaiba ng bitcoin at ethereum ay ang bitcoin ay ginawa para ma decentralized ang monetary system. Ang ethereum naman ay ginawa para mag run ng smart contract at maidecentralized halos ang lahat, hindi lang ang pera.

Earn Free Bitcoin

Where to buy Ethereum?

Napakadaming options para makabili ng ethereum sa panahon ngayon hindi katulad dati, andiyan ang coins.ph, abra, coinbase etc. Maari din makabili ng ethereum sa mga major exchanges tulad ng Binance, Bitfinex, Kucoin etc. If you want additional information tulad ng circulating supply, market cap valuation punta ka lang sa coinmarketcap.

Is it a good investment?

Ethereum is one of the promising cryptocurrency in the market. And sa tingin ko this coin is still a good investment and should be included to your portfolio. Hindi ito magiging pangalawa sa bitcoin kung wala lang ito. Ito ang unang nag introduce ng smart contracts at nag pasimula ng dapps.
Napaka powerful ng teams nito at developers. And this is one of the best cryptocurrency ever created.
Not a financial advice, just an opinion.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart