How To Use Moving Average Indicator (Tagalog)

how to use moving average indicator

In this article, let’s check on how to use Moving Average Indicator, isa sa pinaka popular na trading indicator sa market.

Dito sa altcoinpinoy ang kinocover natin ay kadalasan ay yung mga basic lang. Hindi tayo tatalakay dito ng masyadong teknikal na hindi na maiintindihan ng ordinaryong tao tulad mo at tulad ko.

At hindi rin naman ako professional trader, isa lang akong hamak na crypto enthusiast na nag babahagi ng kaalaman ko about trading and investing.

Alright, let’s talk about Moving Average.

Ito ay isa sa mga basic na ginagamit ng mga traders mapa day traders, swing traders etc. Sa trading hindi ka naman pwede mag base lang sa isang indicator—syempre kailangan mo ito samahan nang iba pang mga indicators tulad ng mga RSI, MACD, Support and resistance at iba pa.

Ano ba ang Moving average?

Ayon kay google ang moving average ay ang linya na nag rerepresent sa closing price ng isang asset.
Ito yung average out over a period of time.

May dalawang uri nang moving averages, ang Simple Moving Average(SMA) at Exponential Moving Average(EMA).

Simple Moving Average

Ito yung linya na nakikita natin madalas na sumusunod sa price action.
Pero paano at saan ito nag babase?

Halimbawa, nasa  1 hour chart tayo. Kapag nag lagay ka ng 5 period set up  sa simple moving average, iaadd mo ang closing price ng huling limang oras na lumipas at hahatiin mo ito sa lima.

Gets ba?

Let’s do the math

Kunyari ito ang closing price ng isang coin

25+30+21+32+33 = 141

5-day SMA = 141/5 = 28.2

Ang 5 day SMA na set up mo nalinya na makikita mo sa chart ay nasa 28.2 price range.

Medyo nakakalito kasi mathematics, at hindi ito ang paborito nating subject noong nag aaral pa tayo..
Pero lahat ng indicator ay based on math.

Importanteng maintidihan mo kung paano ito kinukuha para hindi ka nang huhula kung anong number lang ang mailagay mo sa moving average.

Ang pinaka common na simple moving average na ginagamit ay ang 50,100 at 200 day moving avegage.
Ang bawat isa sa kanila ay nagpapakita ng momentum na nakadepende sa time period. 50 days, 100 days at 200 days.

50 day moving average

moving average

Ang 50 day moving average ay karaniwang ginagamit ng mga swing traders dahil na rin sa accurate representation nito sa 24 hour period.

Kapag ang price action ay nasa itaas ng 50 day moving average(yung yellow line sa image), ito ay bullish short term signal. On the other hand, kapag ang 50 day moving average ay nasa ilalim ng price action it would indicate bearish short term signal.

Kapag naman napansin mo na ang 50 day moving average ay gumagalaw sa pagitan ng bullish and bearish side. Indication ito ng ranging period, ibig sabihin undecided ang market at hindi alam kung saan pupunta.

Hindi advisable mag trade kapag nasa ranging period tayo mas mahirap kasi basahin ang takbo ng market pwedeng mag uptrend and downtrend anytime.

100-day moving average

moving average

Ito naman ay considered as medium term momentom indicator. Para masabi mo ng nasa long term bullish trend pa rin tayo. Kailangan nasa itaas ng 100 day MA ang 50 day MA. At kung bumaliktad naman at nasa ilalim na nang 100 MA ang 50 MA, it means na nasa bear market na tayo.

200 day moving average

moving average

Ito na yung tinitingnan ng mga long term investor kung saan makikita  ang big picture kung ano na ang nangyayari sa market.

Kung isa kang day trader at swing trader, hindi ito ang tamang tingnan kung saan ka bibili at magbebenta ng asset.
Pero ito ang magbibigay sayo ng palatandaan kung ihohold mo ba ng matagal ang isang coin or kailangan mo nang umexit sa market.

Parehas lang naman ito para malaman kung nasa bullish territory pa rin ang asset, kailangan nasa ibabaw ng 200 MA ang 50 MA. At kapag nasa ilalim ang 50 MA, bear territory.

Ang 50/200 SMA ang madalas kung ginagamit para makita ko ang overall performance ng market, at kung saan direction ito maaring pumunta.

The Golden Cross

Ang golden cross ang pinaka popular na signal na tinitingnan ng mga traders.
Kapag nag cross ang dalawang moving averages mag iindicate ito ng trend reversal
from bullish to bearish and bearish to bullish.

Kung titingnan mo ang image sa itaas nang umilalim ang 50 MA(yellow) sa 200 MA (blue)
ang trend ay na reverse from bullish to bearish at nag papahiwatig ito ng long term bear market kaya ito tinawag na death cross.

At kapag bumaliktad na naman ang trend at umibabaw na ang 50 MA sa 200 MA kinoconsider itong bullish signal sa nalalapit na long term bull market.

Ang nag iisang poblema lang naman ng simple moving average ay hindi ito makasabay agad sa mga biglaan at malaking spikes, na nagdudulot nang false signals.

Kaya nga ito tinawag na simple, kasi napaka simple lang nang ibinibigay nitong signal.
Kung gusto mo nang mas accurate at mabilis na nakakasabay sa mga spikes ng market.
Gamitin  mo ang exponential moving average.

Exponential Moving Average

Ang exponential moving average ay  kayang  mag calculate ng mas complex na equation na nakatutulong na makasabay sa pinaka recent na price movements.

Ito ay mas mabilis sa simple moving averages na mag bibigay sayo ng tamang indication kung mag eenter ka na ba or mag eexit sa market.

Kaya naman mas maraming gumagamit ng EMA na traders kaysa SMA
Pero sabi nga nila there is no perfect indicators, at itong mga indicators na ito ay nagiindicate lamang ng probabilities na pwedeng mangyari.

Pero ano ba ang pinaka the best na settings sa moving averages?

Well, ganito kasi yan, nag wowork ang moving averages because of self-fulfilling prophecy,
Ibig sabihin ang price ay nirerespeto nang mga traders. kailangan mo gamitin ang pinaka popular na settings ng moving averages.

Day traders

Ang madalas na gamitin ng mga short term traders, ay yung mga mabibilis mag react sa price changes immediately, kaya naman angkop sa kanila ang EMA.

Ito ang mga period at length na maari nyong gamiting

9/10 period – Kadalasan naka default na ito sa mga exchanges kahit hindi mo na palitan.
21 period – For medium term use, para malaman ang direction ng trend.
50 period – Guide para makita ang long term direction.

Swing trading

Iba ang approach ng mga swing traders kumpara sa mga day traders, kadalasan ang tinitingnan nila na time frame ay nasa 4h, 24h pataas.

Ang madalas nilang ginagamit ay ang SMA
para sakto lang ang makukuha nila na signals at hindi pre mature.

20/21 period – Ito ay angkop sa mga short term swing traders.
50 period – Ang standard time period na ginagamit ng mga swing traders.
100 period – Tinitingnan ng mga swing traders as a support and resistance.
200 period – Pang long term view ng market, ang gamit katulad din ng sa 100 period.

Conclusion

Ang moving average ay isa lamang sa mga indicator na magagamit mo sa iyong trading journey.
At kagaya nga ng sinabi ko kanina hindi ka pwede mag base sa isang indicator lamang. Kailangan mong tingnan ang iba pang mga ingredients sa technical analysis na tutulong sa iyong mag karoon ng edge sa bawat trade na gagawin mo. Walang perfect na indicator ang purpose nito ay mag bigay lamang ng indication at probabilities na pwedeng mangyari sa market.

Read more:

Support and Resistance
10 Stages of market cycle
Candlestick chart patterns

1 thought on “How To Use Moving Average Indicator (Tagalog)”

  1. Pingback: Traders Action Zone Explained (Tagalog) – Altcoinpinoy

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart