Kung nag uumpisa ka pa lang sa trading journey mo. Mahalaga na maintindihan mo ang candlestick pattern at ang fundamental concept ng market.
Katulad ng institutional stock trading, kailangan mong maintindihan ang mga indicators na magiging gabay mo sa iyong trading journey.
At isa ito sa pinaka importanteng “signals” na kailangan mo pag-aralan ang candlestick.
Saan ba ito nag simula?
Balik tayo sa kaunting history. Ang candlestick ay pinasimulan ng mga Japanese.
Ginamit nila ang sinaunang version nito sa pakikipag palitan ng bigas noong 17th century.
Pero ibang-iba ito sa candlestick na ginagamit natin ngayon. Ang charting ng candlestick na kamukha ng ginagamit natin ngayon ay nagsimula noong 1850. At syempre na modified na ito sa katagalan.
Ang time frame ng mga candlestick ay pwedeng daily, 1-hour, 5-minute, 1-minute at iba pa. Kadalasan ang kulay ng candle stick ay Green at Red at ang portion na ito ay yung tinatawag na “Body”.
Tapos, sa ibabaw at ilalim ng body makikita ang thin lines na nag rerepresent sa high/low range na tinatawag na shadows (pero mas kilala sa tawag na “wicks” or “tails”).
High ang tawag sa pinaka ibabaw ng wicks at Low naman ang pinaka ibaba nito.
Kapag ang isang coin ay nag close nang mas mataas sa opening price ( karaniwan yung mga green candlestick), ang pinaka ibaba ng body ng green candle ang mag rerepresent sa opening ng price at ang closing naman ay iyong nasa pinaka itaas.
Sa kabilang banda, kapag ang isang coin ay nag close nang mas mababa sa opening price (ito na yung red candle). Ang pinaka itaas ng body ng red candle ay mag rerepresent sa opening ng price, at closing naman yung nasa pinaka ibaba.
Take note, Green candlestick represents buying pressure and Red candlestick represents selling pressure.
Nahahati sa tatlo ang mga traders, binubuo ito ng buyers, sellers at undecided.
Ang gusto ng buyers ay makabili sila ng mura at ang sellers naman ay makabenta sila nang mahal.
Makikita natin ito sa buy and sell orders sa mga exchanges. Kaya naman ang presyo nang isang coin ay gawa nang mga sandamakmak na mga traders—buyers, sellers at undecided people.
At ang goal mo dito ay balansehin sa pamamagitan nang pag tingin sa chart, kung sinong grupo ang nakalalamang.
Mabuti na lang, ang labanan na ito ay makikita sa candlestick charts, kaya importanteng alam mo kung paano ito basahin.
Buyers are buying kasi nag eexpect sila na tataas ang presyo ng isang coin. At sellers are selling kasi nag eexpect sila na bababa ang presyo ng isang coin.
Itinutulak ng buyers ang price nang market pataas (buyers are in control) habang hinihila naman ng mga serllers ang price ng market pababa( sellers are in control).
At ito ay pinapabilis ng mga undecided traders to create sense of urgeny sa pag bili at pag bebenta.
Kapag natutunan mong basahin ang candlesticks, mag kakaroon ka nang opinyon sa general attitude ng isang currency. At ito yung tinatawag na “price action”.Ang malaman kung sino ang may control nang price ay napaka importanteng skill sa trading.
Spinning tops
Spinning tops candles, ito yung magka parehas ng haba ang high wicks at low wicks—na karaniwan mas mahaba sa body ng candle. They called it indecision.
Ang power ng buyers at sellers ay halos parehas, walang nakalalamang.
Usually, ang volume sa ganitong candle ay mababa. Ang mga traders kasi ay naghihintay kung sino ang mag wawagi sa pag lalaban ng buyers at sellers.
Dojis, simple, shooting star and hammer
May iba’t ibang hugis ang doji candlestick, pero ang characteristic nito ay kadalasan walang body or maliit lang.
Halos parehas ng spinning top indecisive.
Ibig sabihin, pag nakita mo ang doji sa isang chart, sinasabi dito na wala pang nag wawagi sa laban ng bulls and bears.
Kung titingnan mo ang picture nang doji sa taas, halos magkamukha sila nang spinning top. Pero mayroong mga doji na hindi magkapareho ang haba ng wick sa top at bottom.
Katulad ng shooting star doji.
Kapag ang wick nang isang doji candle sa taas ay mas mahaba ibig sabihin hindi nagtagumpay ang mga buyers na ipush ang price pataas. Indecision pa rin sya na candlestick—pero isa itong indication na nawawalan na nang power ang bulls and bears will control the price.
Kung ang ibabang wick naman ang mas mahaba, ito ay tinatawag din na hammer dojis,
ibig sabihin hindi nagwagi na ibaba ng mga sellers ang price nang currency.
At ito ay senyales na lumalakas ang power ng mga buyers and end up with bull reversal.
Bottom reversal strategy |
Lahat nang dojis ay indication nang indecision and possible reversals.
Kapag ang doji ay nabuo sa bullish trend, ibig lang nito sabihin na ang bulls ay naubusan na ng lakas at malapit na ulit ma control ng bears ang price.
Ganoon din, kapag ang doji ay nabuo sa bearish downward trend, it means na napagod na din ang bears at malapit na itong macontrol ng bulls.
Top reversal strategy |
Pagkatapos mong matutunan ang candlestick,
importanteng malaman na hindi ka dapat masyadong ma exite. Kasi Candles are not pefect.
Kung mag tetrade ka everytime na may makita kang Doji formed in a trend. Baka masaktan ka lang.
Paka tandaan na itong mga candles na ito ay indication lamang ng indecision at hindi definite reversal.
Kailangan mo tingnan ang mga confirmation candles at gumamit nang iba pang mga analysis tulad ng support and resistance levels at iba pang mga technical indicators.
Salamat po SA Tagalog na explanation,, Yang Lang po ba ang lahat ng kahulugan sa mga candle stick pattern?
Salamat lods