Search
Close this search box.

Position Trading Explained (Tagalog)

Position trading

Masyado ka bang busy at wala ka ng time para mag trade?

Dahil may trabaho ka or business or isa ka lang studyante na walang time para tumunganga mag hapon sa computer.

Pero kahit ganon gusto mo pa rin kumita ng malaki sa trading.

If that is the case, ito ang strategy na nababagay sayo. Position trading.

What is position trading?

Ang position trading ay isang uri ng trading methodology na may layunin na sumakay sa trend ng market na hindi maaapektuhan ng retracement at ma stopped out.

Ito ay matatawag din na long term trading strategy, at mas naaangkop sa higher time frame.

position trading

Ang kaibahan nito sa mga ibang trading strategy tulad ng day trading at swing trading, hindi ito masyadong stressful. May mga trader kasi na hindi kayang masikmura ang roller coaster ride sa day trading at swing trading, kaya mas pinipili na lang nila mag buy and hold.

Sa position trading, kahit 30 minutes lang ang ilaan mo na oras sa pag tinging sa market okay na. Mas marami ka pang magagawang importanteng bagay. Suitable para sa mga may trabaho.

Applicable ito sa lahat ng market, at magagamit for long position and short position.

Pero katulad din ng ibang strategy na hindi perfect, pwedeng mangyari na ang winning trade mo maging lossing trade pa. Nangyayari yan kahit saan.

How to enter a trade using position trading?

Ito ang gustong marinig ng karamihan, kung saan sila papasok sa trade.

Support and Resistance

Position trading altcoinpinoy

Sa kahit anong trading strategy yata, ito ang pinaka the best na entry point, ang support and resistance.

Dahil sa area na ito nangyayari ang buy low sell high. Buying pressure sa support level at selling pressure sa resistance level. Kaya nagkakaroon ng trading ranges or the market is moving sideways.

Kung nagkaroon ng trading ranges sa uptrend market, it could be temporary bago mag patuloy ulit sa pag angat. Ang pinaka the best na lugar para sa ating entry point ay sa support level.

Breakout

Postion trading altcoinpinoy

Ang takbo ng market ay laging pabago bago from trading ranges to trending market, from trending market to trading ranges. Dahil ang market ay cyclical.

Ngayon, kung makakakita tayo ng market na matagal nang nasa trading ranges level.

Be alert, kasi mataas ang chance nito for a breakout. Nagbabago ang sentiment ng market kapag nag kakaroon ng breakout. It could result to a violent break out.

Sabi nga nila a calm before a storm.

Bakit ito nangyayari?

Let me explain, kapag ang market ay nasa trading ranges, ang mga karaniwang nag paparticipate dito ay yung mga swing traders at day traders, buy low sell high, putting a short position getting small profits etc.

Pero once na magkaroon ng break out sa support or sa resistance level, nag babago ang sentiment ng market dahil dito na papasok ang iba pang mga traders. Nandyan ang mga breakout traders, trend followers at position traders.

Sabihin natin na ang breakout ay uptrend, ang mga naka short position na traders sa resistance level will be stopped out.

Dito na mag kakaroon ng short squeeze na lalong magbibigay lakas sa buying pressure that would result to strong uptrend momentum.

Pullback

Altcoinpinoy

After a breakout normal na yung nakakaroon ng retracement or pull back. Isa sa pinaka the best way to enter a position is to wait for a pull back after a break out.

Bakit?

Kasi dito natin malalaman kung ito ay false breakout or totoong breakout. Kailangan ang pullback ay hindi aabot sa swing low or lalagpas dito, para masabi na valid ang pull back na ito, and we can enter a position.

Ngayon may idea na tayo kung paano pumasok sa trade.

Alamin naman natin kung paano tayo eexit sa trade.

Ano nga ulit ang methodology ng position trading?

We have to capture the trends. Sasakay tayo sa trend hanggat sa  maari.

Pero hindi ibig sabihin hindi na tayo gagamit ng stop loss para iwas stopped out to ride a trend.

No!

Kailangan natin gumamit ng stop loss sa kahit anong trading strategy. Lalo na’t hindi mo naman binabantayan ang market minuminuto.

Stop loss

Sa position trading, hindi tayo gagamit ng tight stop loss, that is a huge mistake.

Ang kailangan natin ay wider stop. Applicable lang ang tight stop loss sa short term trading, pero hindi sa long term trading.

Upang maiwasan ang ma stopped out due to market noise, maaaring tama ang assumption mo sa market pero dahil naglagay ka ng tight stop loss, you are being stopped out bago pa mag trend ang market.

Saan dapat mag lagay ng stop loss?

Inilalagay ito sa lugar kung saan maiinvalidate ang trading set up mo.

Halimbawa, nag enter ka ng position sa support level, at nag eexpect ka na tataas ang price—umangat ito bahagya pero nag retrace din agad at na break ang support level.

Ang stop-loss mo ay nakalagay sa ilalim ng support level, kapag na hit ito at na stopped out ka it means invalidated ang set up mo, ang the market goes against you.

Pero what if na stopped out ka bago mag trend ang market? Ibig sabihin tama ang assumption mo na mag uuptrend ang market kaya nga lang na stopped out ka.

Hindi natin maiiwasan ang ma stopped out sa market, but the best thing to avoid it, is to give more breathing room to your stop loss.

Lalagyan mo ng buffer, hindi mo ito basta basta ilalagay sa ilalim ng support level, bibigyan mo ito ng sapat na distansya to avoid being stopped out pre-maturely.

Trailing stop

Kung gusto mo sumakay sa massive trends at makakuha ng massive profits, then you better used a trailing stop.

Ito ay para maiwasan ang winning position mo ay maging lossing position pa.

Sabihin natin na gumamit ka ng stop loss and you let your profit runs, pinabayaan  mo lang mag trend ang market.

Pero nag bago ang trend ng market nang hindi mo napapansin, ang expectation mo correction lang ito and it will trend again.

Pero bumalik ito sa entry point mo at di nag tagal you are being stopped out.

Ang winning trade na sana ay naging lossing trade pa. But if you used a trailing stopped, ma stopped out ka man, may profit ka pa din kahit papaano.

Sa trailing stop wala tayong target profit, at hahayaan lang nating mag trend ang market.

Maraming mga paraan sa pag gamit ng trailing stop.

If you want to know more how to let your profits run I have a separate article here.

Sa trailing stop pwede tayong gumamit ng moving average.

Ang moving average ay napaka epektibo sa trending market, so magagamit natin ito to trail our stop loss.

Position trading

Katulad nang nakikita nating example image sa itaas, daily chart yan ng bitcoin na ginamitan ng 50 EMA. Kitang kita natin kung gaano ka epektibo ang moving average sa trailing stop strategy.

Pero ano ba ang ideal na length ng moving average para dito?

Is it 50 Moving average?

The answer is it depends. Depende yan sa behaviour ng market at sa strategy mo. Kung gagamitin mo ang trailing stop with moving average sa short term time frame, then you can adjust it to a lower time frame and vice versa.

Ang moving average ay tumatakbo sa ilalim ng price, pwede mo din ilagay ang stop loss sa ilalim ng moving average, kapag na break ng price ang moving average, you can consider exiting your position.

Conclusion:

Alright, that’s it. Sana may natutunan kayong bago sa article na ito. Ang trading strategy na ito ay hindi lang magagamit sa cryptocurrency, applicable po ito sa lahat ng market stocks, commodities, forex etc. Kaya kung may kakilala kayong tao or kaibigan na gusto matuto mag trade for FREE. Go ahead and share this article to them.

10 thoughts on “Position Trading Explained (Tagalog)”

  1. Maraming salamat po sa pag share ng mga ganitong informations and advices. Andami kong natototonan sa mga articles at videos niyo po, kaya sana di kayo tumigil sa paggawa. Happy new year po 😀

  2. Maraming salamat ALTCOINPINOY kung sino ka man c GOD na bahala mag bayad sa iyo dahil sa mga good sharing knowledge mo. Subscriber mo ako since 2021 hanggang ngayun mga videos mo lage ko ina-abangan package na kasi yung content mo andoon na lahat ma technical at lalo na sa fundamental.

  3. Thank you. I got here because I have been watching your videos in youtube. Out of all the videos that I watched, yours is the only one that made sense. Your explanations are very simple. Perfect for beginners like me.

  4. new discover ko po page ninyo , super thankful ako dahil marami akong natutunan looking forward na maiapply ko ito sa live trading, been following your videos sa youtube and I decided to read your blogs. Thank you so much si God na po ang bahalang magbalik saiyo. Sana ma blessed ka pa po lalo para marami ka pang blessing na maishare sa iba. TO GOD BE THE GLORY!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart