Ang moving average ay makakatulong para malaman ang posible reversal ng isang trend.
Pero may isang advanced indicator na ginawa si Gerald Appel, isang analyst at money manager.
Ito yung tinatawag na Moving Average Convergence- Divergence or mas kilala sa tawag na MACD.
Ito ay binubuo ng tatlong exponential moving average pero ang nakikita lang natin sa chart ay dalawang linya.
Akala ng iba na ang dalawang linya na ito ay ang Exponential moving average (EMA). Pero nagkakamali po sila. Ito ay hango lang sa exponential moving average.
Let me explain kung paano nabubuo ang MACD.
May dalawang linya na bumubuo sa MACD indicator na madalas natin makita sa mga chart. Ang isa yung MACD line (fast line) na gawa sa dalawang Exponential moving average(EMA). Ang isa naman ay yung Signal line(slow line) na kinuha din sa EMA.
Ganito sya kinacalculate manually.
1. Icalculate ang closing price ng 12-day EMA
2. Icalculate ang closing price ng 26-day EMA
Ngayon isubtract natin ang 26-day EMA from the 12-day EMA, ang kakalabasan ay ang fast line na MACD line.
Icalculate naman natin ang 9-day EMA ng Fast line, at dito natin makukuha ang slow signal line.
Alright, hindi natin kailangan magfocus sa computation na ito. Kasi automatic na yan sa mga platform. Good to know lang naman ito kung paano nabubuo ang MACD.
Paano ba ito gamitin sa trade?
Ang tinitingnan dito ng mga traders ay ang crossover ng dalawang linya, ito yung mga may shade na circle sa image sa itaas.
Sa example na yan ang platfrom na ginamit ko ay tradingview—para mas makita natin mabuti yung galaw ng linya, tinangal ko muna yung histogram. Normally sa default settings mag kasama sila.
Kung mapapansin natin yung yellow line, yan yung MACD line. Kapag umibabaw ito sa orange line (signal line) nag bibigay ito ng uptrend signal. Makikita naman natin sa itaas ng indicator ang price action ay pataas din.
Kapag naman pumailalim ang MACD line sa slow signal line, it gives a sell signal.
Pero katulad din nang ibang indicator, ito ay probability lamang, and you should always put a protective stop just in case—na mali ang speculation mo.
MACD Histogram
Bukod sa dalawang linya makikita din natin ang histogram sa gitna nito. Ito yung mga bar na nag bibigay deeper insight sa balanse ng power between bulls and bears.
Ipinapakita ng histogram kung sino ang may control ng market, kung lumalakas ba ito or humihina.
Ang histogram ang sumusukat sa difference between MACD line at signal line.
Kapag ang MACD line ay nasa itaas ng signal line, ito ay positive sign at makikita natin na naka lapat ang histogram sa ibabaw ng zero line.
At kung nasa ilalim naman ang MACD line at nasa ibabaw ang signal line, negative ito at makikita natin ang histogram ay nasa ilalim ng zero line.
And once you noticed na ang MACD line at signal line ay malayo, histogram becomes taller or deeper. Kapag naman nag dikit ang dalawang linya lumiliit din ang bar ng histogram.
Take note, lagi natin titingnan ang previous bar at recent bar. Kapag ang last bar ay mas mataas kaysa sa sinundan na bar, ang ibig sabihin ito ay pataas—and it means bulls are in control it’s time to buy.
Kapag naman ang last bar ay mas mababa sa sinundan na bar, ang slope ng histogram ay pababa applicable ito for short position.
Ang MACD histogram ay magagamit sa lahat ng time frame, lalo na kung sasamahan ito nang iba pang mga indicators.
Para sa akin mas more meaningful ang histogram sa weekly charts.
Ito ang pinagbabasehan ko ng trend ng market overall, tapos tsaka ko titingnan ang daily chart para ilatag ang strategy ko.
Conclusion
There is no such thing as perfect indicator, kung nag hahanap ka ng holy grail na indicator, sad to say pero wala kang makikita. As a good trader, you should know what indicator works for you. Hindi porke sinabi ng iba, na hindi ito working sa kanya, it doesn’t mean na hindi rin ito working sa iyo.
MACD histogram is a good indicator for those who know how to use it.
well said