Pag usapan natin ang volatility nang bitcoin. In any market, there is always a fluctuation in price, ang kaibahan nga lang masyadong extreme ang volatility sa cryptocurrency market.
Siguro napapansin mo na mabilis tumaas at bumaba ang price ng bitcoin. Kaya nitong tumaas ng $1,000 sa loob ng ilang oras, at kaya din nitong mag nose dive pababa at the same time.
Pero naisip mo ba kung ano ang dahilan nito?
Lack of liquidity
There are several reasons, tulad ng market manipulation, unregulated nature etc. Pero lahat ito babagsak din sa category ng lack of liquidity.
Kahit na ang bitcoin sa ngayon ay umaabot ng $200 billion market cap. Mababa pa rin ito kumpara sa global currency markets. Ginagamit natin ang fiat (ito yung salapi) sa pang araw araw na pamumuhay tulad ng pesos. Pampalit ng ibang currencies, pambili ng pagkain, groceries at iba pang mga pangangailangan.
Ito yung proceso ng liquidation, kahit ilang beses natin iliquidate ang cash hindi nito naaapektuhan ang price. Nagbabago man ang value ng fiat, pero hindi ito ramdam.
This is not a rocket science, bago pa lang ang market na ito, mababa pa ang market cap at mababa ang liquidity kumpara sa fiat currencies.
Pero gumamit tayo ng methapor para mas lalo natin ito maintindihan. Sa isang maliit na swimming pool let’s imagine na may tumalon na matabang lalaki. Ano sa tinging mo ang mangyayari?
Gagawa ito nang malaking alon at lalagpas ang tubig sa swimming pool na magpapa bago sa level ng water nito.
Ngayon kung gagawin ito ng matabang lalaki sa ibang lugar yung mas malaking body of water tulad ng lake at dagat. Wala itong masyadong magiging epekto dahil sa laki ng lawak ng sakop ng tubig.
Sa analogy na ito, ang matabang lalaki ay nag rerepresent sa isang investor na maraming pera( pwedeng whale) at ang water naman ay ang bitcoin. Sa ngayong parang maliit na swimming pool pa lang ang bitcoin at malayo pa ito para maging isang ganap na dagat.
Kaya naman kapag may malalaking investor na pumasok at lumabas sa market. Ito ay nag iiwan ng malaking epekto sa price ng bitcoin. Pero kapag dumating ang panahon na ang bitcoin ay lumaki na parang dagat. Unti-unti na itong mag stabilize, at hindi na maapektauhan ng isang individual or ng isang grupo ang market.
Ang idea hindi lang applicable sa bitcoin kundi sa iba’t ibang uri ng cryptocurrency.
Kung ikukumpara natin sa mga established markets like traditional economies, katulad ng foreign exchange.
Ang kabuuang pera sa buong mundo ay humigit kumulang $90 trillion, habang ang total cryptocurrency market cap ay naglalaro lang sa $250 billion. Napakalayo ng pagkakaiba.
All money
$90.7T
Stockmarket
$73 T
Gold market
$7.6T
USD in circulation
$1.67T
All cryptocurrencies
$250 Billion
Ang daily trading volume ng cryptocurrency ay umaabot ng 50 billion mark habang ang daily forex trades ay nasa $5 trillion.
Kapag ang bitcoin ay nakapag gain na ng enough liquidity, magiging less na lang ang fluctuation ng price nito.
Sa ngayon nasa $250 Billion pa lang ang market cap ng bitcoin, ang mga stable na currencies in the world ay umaabot ng trillions ang market cap.
At kapag naabot na ng bitcoin ang level ng adapation at liquidity na kaparehas ng sa fiat. Magiging mas stable na ang price nito kumpara sa kasalukuyan.