My Day Trading Strategy | Tagalog (Updated 2022)

 

day trading tagalog

 

In this article, ituturo ko sa inyo ang pinaka simpleng paraan ng day trading strategy in tagalog.

May kanya kanya tayong paraan ng pag tetrade, kung may roon ka nang experienced sa trading, malamang na magkaiba tayo ng strategies. This strategies works for me. At pwede din naman na hindi mag work sayo.

Bawat tao may kanya kanyang style, when it comes to trading.

Mag kakaiba tayo ng emosyon at mag kakaiba tayo ng risk tolerance. Kaya naman ang strategy na ito ay angkop sa mga nag sisimula pa lang or hindi pa alam kung saan mag sisimula.

Ito ay mag sisilbing gabay lamang at pwede ninyong baguhin in the long run, kapag nasanay na kayo at nakapag develop na nang sarili nyong style.

Trading psychology

May tatlong essential components bago ka maging successful trader.
-Mental toughness
-A series of logical trading strategies
-Risk management.

Karamihan sa mga novice na traders ay masyadong nag fofocus exclusively sa mga indicators and trading strategies. Hindi nila na babalanse ang mental toughness at risk management.

Ang tatlong ito ay napakaimportante, lalo na ang risk management. Maraming nag fafail sa day trading dahil hindi nila alam kung paano gawin ang risk management. Hindi sa lahat ng oras ang mga trade mo ay sucessful, may mga times na matatalo ka at minsan sunod sunod na losing trades pa.

Kahit ang pinaka bihasa na traders ay natatalo, pero ang kaibahan kasi, they know how to handle the situation. Kapag natalo sila they accept it gracefully.

Dahil may certain trading limits lang sila—at once na ma reach na nila yung limit na yun.
Hindi na nila pipilitin ang sarili nila na makabawi, andyan lang ang market at hindi aalis. Tomorrow will be a new trading day.

Ganyan ang mindset ng mga professional.

They follow certain rules. Hindi nila ihohold ng matagal ang isang coin. Hindi nila sasabihin sa sarili na ” Ethereum ito high market cap, nag dip lang ito ng saglit at makakabawi din ako, kailangan ko lang ihold ito ng mga ilang araw.”

Pag ginawa mo yan, hindi ka nag follow sa rules ng day trading. Hindi ka nag follow sa plan at strategies mo(o wala ka talagang strategies), you don’t have any clear goals. At makikita mo na lang na hindi na umangat ang coins mo isang buwan or isang taon na ang lumipas. Nangyayari yan.

Kung madali lang ang trading edi sana lahat nang sumubok nito ay naging successful traders. Pero hindi.

day trading tagalog

Choose an exchange

Bago tayo mag simula kailangan muna natin mag open ng account sa isang cryptocurrency exchange.
Maraming cryptocurrency exchange pero sa ngayon gamitin natin ang binance.

Ang binance ang isa sa pinaka popular at pinaka malaking cryptocurrency exchange sa buong mundo.

May mobile application din ito, pero kung baguhan ka palang mas maganda kung sasanayin mo muna ang sarili mo sa computer, most of the professional traders, use computers not a typical computers. Kung hindi mga high end computers.

Hindi tayo gagamit ng ganon, pwede na yang laptop or desktop computer.
Kapag nakagawa ka na nang account. Open mo lang si binance.
Kung wala ka pang account sa binance mag sign up ka muna.

Syempre kailangan mo lagyan ng funds ang account mo.
Dahil nag uumpisa ka pa lang pwede kang mag lagay ng maliit na halaga mga $100 to $500 kasi pag masyadong maliit, baka sa fee lang mapunta ang profits mo.

Lalo na kung madalas ka mag trade.
Mag kaiba tayo ng account size, pwede ka naman mag start ng mas malaki pa diyan or mas baba. It all depends on you.

It depends sa risk tolerance mo, kung gaano kalaking pera ang kaya mong irisk sa pag ttrade. However, there is no assurance na kada trade mo panalo ka.

At kung hindi mo alam kung paano mag transfer ng funds papunta ng binance, pwede mong gamitin ang coins.ph or abra. Madali lang mag transfer galing sa coins.ph, make sure na ang gagamitin mong pang transfer ay XRP  or ETH kasi mas mababa  ang transaction fee kaysa bitcoin.

Pero may options na rin tayo ngayon na gumamit ng P2P. Ibig sabihin, makakapag deposito na tayo gamit ang Gcash or or bank account natin.

Kung nalagyan mo na ng funds ang binance mo umpisahan na natin.

day trading tagalog

Sa upper left hand corner kapag we click trade may options tayo doon na Spot.  Pipiliin natin ang spot at dito tayo mag tetrade, however sa spot dashboard meron naman doon na options na magamit natin yung trading view.  At yun ang gagamitin natin.

Ang ibang mga professional trader ay gumagamit ng maraming mga monitor katulad ng mga trader sa forex at stock market. Pwede mo din itong gawin kung available naman at afford mo. Mas makikita mo kasi ang galaw ng market hindi lang sa iisang time frame.

Sa day trading ang madalas na tinitingnan ko na price action ay ang  1 minute chart, 5 minute charts  at daily charts.  Pwedeng sa ibang mga day traders ang tinitingnan nila na price action ay 1 hour, 4 hours at daily charts.

Bawat traders mag kakaiba ng approach sa market. Habang tumatagal makakapag develop ka din nang sarili mong strategies.

Bago ako mag simula mag trade nag babasa muna ako ng mga news or updates regarding with cryptocurrencies.

Para malaman ko kung  may mga big events and news na pwedeng maka apekto sa pag galaw ng price action ng isang coins.

As a day trader hindi ako masyadong nag fofocus sa fundamental analysis. Kasi wala akong balak magtagal sa akin ang mga coins na bibilhin ko. Ibebenta ko ito agad once ma hit na ang target profit ko.

Day traders use pure technical analysis. Kahit shit coin pa yan, kung sa tingin  ko ay winning trade naman. I will buy that and sell it immediately with a profit.

Analyzing Profitable Coin

day trading strategy

Kapag na select mo na yung Advanced options, mapupunta tayo sa page na nakikita nyo sa itaas.
Dito natin makikita ang order book, mga coins na pwede natin itrade, order history etc. If hindi mo pa alam gamitin si binance na discuss ko yan sa crypto trading course na ginawa ko sa Youtube ito yung link.

Ngayon ang susunod natin na gagawin ay ang pumili ng coins na sa tingin natin ay profitable ngayong araw. Hahanapin natin ang coins na may mataas na volatility 24 hours change at 24 hours volume.

Coin Picking

day trading

Click natin yung drop down kung saan makikita natin ang iba’t-ibang trading pairs tulad ng BTC, Alts, BNB etc. Naka depende sayo kung anong trading pair ang gagamitin mo.

Pwedeng ETH, BTC or BNB.  For this example gamitin natin ang BTC. Ngayon icclick natin yung  24 hour change at 24 hour volume. Titingnan natin kung alin ang may pinaka mataas na percentage na palitan at may pinaka mataas na volume.

Hindi tayo kukuha ng coins na stagnant or hindi volatile, wala tayong mapapala doon, kailangan natin kuhain ang coin na nag swiswing up and down in a matter of minutes.

day trading bitcoin

Makikita nyo sa image sa itaas ang pairing ng IOTA/BTC pasok ito sa criteria ko dahil mataas ang 24 hour change at mataas ang volume. Naglalaro ito sa 10% 24 hour change pwede  na sa akin iyon— kung mas mataas mas mainam.

Kung negative or stagnant ang coin, hindi ko papansinin yan kahit high market cap pa. Mas ka apeal apeal sa mga day trader ang mga low cap coin mas madali kasi itong  pagalawin or ipump at idump.

day trading bitcoin

 

Ngayon may napili na tayo na coin IOTA/BTC, hindi tayo basta basta bibili na lang. Pag aaralan muna natin ang galaw ng coins at babalasahin ang chart patterns, i checheck natin ang major support and resistance sa daily chart.  Titingnan din natin ang trend nito sa pamamagitan ng candle stick chart patterns.

Madali lang ang strategy ko gamit ang bollingerbands, mapapansin nyo naman sa itaas  na binibili ko ang coin once na mahit na nya ang lower part ng bolinger bands, kasi nagsisilbi itong support at ibebenta ko naman ito sa upper part ng bollinger bands, na sa palagay ko ay magsisilbing resistance.

Pero kailangan mo mag ingat. Bakit?

Kasi hindi sa lahat ng pagkakataon nasusunod ito. May times na hangang sa gitna lang ang inaabot ng pag angat ng price. Kaya naman kailangan mong tingnan ang iba pang mga indicators para supportahan ang iyong assumptions.

Technical indicators to use

Napakaraming indicator na pwede natin gamitin pero mag focus lang tayo sa pinaka simple.

Ilang indicator lang ang gagamitin natin dito.

-Bollinger bands

-Stochastic RSI

-Volume

Bolingerbands

day trading strategy

Ang bolingerbonds ay isang indicator nag nag iindicate ng strength and weakness ng isang asset.

Ang lower bands ay nag sisilbing support at ang higher bands naman ay nag sisilbing resistance.

Ang center line nito ay tinatawag din na exponential moving average.

Kung ayaw mo gumamit ng bolingerbands, pwede mo din naman gamitin ang SMA(simple moving average) or EMA(Exponential moving average). It all depends on user preference.

Stochastic RSI

Day trading

Isang indicator na kung saan malalaman natin kapag overbought na or oversold ang coin.

Makikita mo sa example sa itaas ang stochastic RSI, kapag lumagpas na sa 80 region ang dalawang line  na blue and red.

It indicates na overbought na ang value ng isang coin, at maari na itong bumagsak. Ganoon din naman kapag lumagpas na sa 20 region ang two lines it means, oversold na ito. And this is a good sign of entry point.

And take note, kapag umibabaw na ang kulay asul  sa pula, under oversold region, it is a bullish sign.

Kabaliktaran sa overbought region na nasa ibabaw na ang pula. It is consider a bearish signal.

Volume

Day trading bitcoin

Isa sa mga hindi nawawalang indicator na tinitingnan din ng mga traders ang volume. Pero kadalasan ay iniignore. Dito mo malalaman ang dami ng asset na itinitrade sa market over a specified period of time.

Ang karaniwang kulay nito ay green at red. Kapag tumataas ang volume ng isang asset, dumadami ang buyer pressure na mag dudulot sa pag taas ng price nito.

Pero kapag ang volume ay bumababa at ang  price ay stagnant or tumataas ng paunti-unit. It means  nawawalan na nang interest ang mga tao at nangangahulugan ng possible trend reversal.

Remember indicators only indicates. Hindi nito na ppredict ang market 100% correct all the time.
Ito ay probabilities lamang based on evidence.

Strategies

Kapag na check ko  na lahat ng indicators, chart patterns, etc. Ilalatag ko na ang posisyon ko. Hindi ako papasok sa isang trade ng walang strategy. Alam ko  na rin kung saan ang entry point at exit point ko. Never ever trade without stop loss. Kung hindi ka pa pamilyar sa stop loss you can go here.

Sa day trading hindi ka pwede mag trade ng walang stop loss, ito ang proteksyon mo sa volatility ng market.

Gamit ang bolingerbands hindi ako nag hahangad ng 50% or 30% profit kada trade that is pure gambling.

Okay na ang 5% profit. Kapag bago ka palang sa day trading. 10 trades a day will do, napaka stressful ng profession na ito. Kaya naman 95% of people who start trading fails. Hindi joke yan, ito ang realidad. Always remember sa trading defense is better than offense.

Ang strategy ko kada trade ay 2:1 win lose ratio. Halimbawa, bibili ako ng Bitcoin sa halagang $100. Niririsk ko ang $10 at kailangan kung ibenta ito sa halagang $120 for a profit of $20.

Kung ito naman ay magiging losing trade ibebenta ko ito sa halagang $90. Sa ganitong risk management strategy kahit na 50% lang ang win lose ratio mo magiging profitable ka pa rin.

Marami kang kailangan matutunan sa day trading, at hindi mo lahat ito matutunan sa pag babasa lang. Kailangan mo ito maexperience, at habang tumatagal lahat ng ito ay matututunan mo kung seryoso ka sa pinapasok mo.

Isa sa pinaka importanteng skills sa mga ito ay ang quick decision  making at the same time very discipline. May mga times na mag sisisi ka kasi hindi ka nakasabay sa pag pump ng isang coin, kasi hindi ka nakapag desisyon agad kung bibilhin mo ba ito or hindi.

At may times din na bumili ka agad ng isang coin kasi nagmamadali ka at ayaw mong maiwan sa inaakala mo na pag pump nito, pero hindi nangyari and you end up with a losing trade. And that is normal, that is part of your trading journey.

Maraming mga novice traders sa ngayon na nag sisimula pa lang and they claim how easy they earned money in trading. At may ipapakita sila na mga proof.

Possible naman ito kung sinuwerte sila sa ilang mga trade pero hangang kailan ka aasa sa swerte? I better listen to a professional traders na may 10 to 20 years experienced in trading at sinasabi na mahirap ang trading at madalas sila matalo.

Kaysa sa baguhan na ilang araw pa lang nag ttrade at laging nananalo.Kung ikaw ba aakyat ka ng bundok kanino ka makikinig? Sa taong ilang taon nang nakapunta sa tuktok at naranasan ang hirap nang pag akyat ng bundok. Or sa isang taong katulad mo na gusto rin akyatin ito at sinasabi na alam nya kung paano pupunta dito.

Conclusion

Well done, that’s it for now. Sana may napulot kayo sa mga pinag sasasabi ko, and make sure to take it seriously. Use it as a guide. Maraming hindi nag tatagumpay sa trading pero mayroon din naman mga successful.

The only difference is successful traders take it seriously, they treat it as a business and not a game. Kapag ganito ang naging mindset mo, hindi impossible na mapabilang ka sa 5% na mga naging successful sa daytrading.

Just believe in yourself, and good things do start happening.

Buy me a Beer
BUSD : 0xCB3271941B55858CA965161b1E7f2A683a965965

29 thoughts on “My Day Trading Strategy | Tagalog (Updated 2022)”

  1. Maraming thank you talaga boss!! This is my steppingstone para maging trader… Gathering info muna ako bago sasalang sa actual trade… Maybe nxt week na ako mag actual trade… Thank you talaga boss dami ko natutunan dito…

    1. Galing po ako sa youtube channel mo and after that I visit your website. Yung mga question kopo is nasagot nyo kase as a full time mom gusto ko din mag earn thru trading as may extra income nadin. Thank you sa knowledge sir, daig nyo pa ang may bayad.

  2. Grabe!! I'm so glad nakita ko tong article na to sa Binance group. Dame ko natutunan sa iyo!! I do day trading, pero ung nabasa ko dito ngaun ko lang nalaman, like, "omg, ganun pala strategy" haha. Bukas na bukas iaapply ko to, kapag naging successful ginawa ko, ill be really thankful to you. Please more article to come!!! God Bless you more for sharing your knowledge <3

  3. Your new subscriber sir and also a newbie in Trading. Before nasabi ko i will never dive into trading now i realized interesting pala sya. I'm so glad nakita ko sa youtube ang channel mo!

  4. salamat idol! newbie here, ito ang kailangan ng mga nagsisimula pa lang, risk management and indicators. looking forward sa susunod mong articles

  5. an saya ng blog mo boss! been trying to trade for almost a month now and yet.. di ko pa na establish kung ano talaga strategy ko sa buhay. haha lumalaro lang ako sa buy low, sell high na motto kaso lately been losing a LOT! so I had to pause and sponge some knowledge. I happened to watch one of video in youtube tas the playlist you had gave me light! bumalik ako sa basic and nag refresh. What you're doing is very helpful and informative! love it! will definitely use this strat. hehe Kudos boss!!

  6. bat ko lng nakita tong site na ito! real talk mga sinasabi mo sir! haha! salamat sa mga words of wisdom mo! i will definitely support your channel!

  7. Very informative. Thank you sa mga articles and videos sa channel mo.
    Iba pa din talaga pag sa sariling wika ang turo bukod pa dun, your aim is to educate. Depende talaga sa tao ang learning nila. Yung iba mas gusto may binabasa, iba naman gusto may napapanuod. In my case, I need both before I can apply what I've learned. Sa dinami ng na-subscribe ko na channel sa YT na flood na ako ng notif. Makapagbawas nga😅.

  8. Thks a lot sir.

    May request ako sir
    Paano ang tinatawag na offline trading,until now di ko alm yan eh,
    Nanood ako sa youtube ,but still di ko maintindihan.

    Thks alot again master,
    More power and God bless you !!!

  9. Pingback: Trade Exit Strategy That You Should Know (Tagalog) – Altcoinpinoy

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart