How to Find Support and Resistance levels (Tagalog)

support and resistance

Kung isa kang novice sa crypto trading, ang isa sa pinaka una mong dapat malaman sa pag aaral ng technical analysis ay ang “Support and Resistance.”

How to find support and resistance levels?

Siguro nagtataka ka kung bakit nagflufluctuate ang market. Lalo na ang crypto market na napaka volatile.

Imagine sa loob nang bahay mo nag-hagis ka nang bola. May dalawang barriers sa pag angat at pag baba ng bola na hinagis mo. Ito yung floor at ceiling sa loob ng bahay mo.

Ganoon din ang idea sa trading ang ceiling ang nag rerepresent sa resistance at ang floor naman ang support.

Kapag iniisip ng mga traders na ang price na ito ay ang pinaka the best na entry point or exit point, may posibilidad na mag tagal ang mga barriers na ito hangang dumating ang isang catalyst na babasag dito.

Support

how to find support and resistance levels

Kaya nagkakaroon ng support dahil iniisip ng mga investors na ang presyo ay bumagsak na sa level kung saan marami ang nag-iisip historically na price na ito ay good entry point.

At makikita naman rin ito ng mga new buyers, and they will consider this as a safe entry.

Kaya sa isang major support malakas ang buy pressure, na pumipigil sa pag baba ng price ng isang asset.

Resistance

how to find support and resistance levels

Sa kabilang banda, kabaliktaran naman ito ng support. Malakas ang pressure ng mga sellers sa puntong ito. Dahil iniisip ng mga traders na ang price nang coins ay over valued, so kailangan na nila ito ibenta. And it would result sa pag bagsak nang isang coin.

Isa sa pinaka madali madaling paraan para malaman kung nasaan ang support at resistance nang isang asset, ay ang pag guhit ng horizontal lines sa kada peak or valleys nang isang asset.

Polarity

how to find support and resistance levels

Ito ay nangyayari kapag na basag ang support and resistance nang isang asset.
Kapag ito ay nangyari, mag babago ang sentiment nang isang asset at ito nga yung tinatawag na polarity.

Ibig sabihin ang dating tinuturing na resistance ay magiging support na, at yung dating tinuturing na support ay magiging resistance naman.

Nangyayari ito dahil sa pag babago nang demand at supply.

Halimbawa, ang support nang bitcoin ay nasa $6000 at everytime na babagsak ang price level ng bitcoin dito, mag bobounce lamang ito para itulak pataas ang price.

Pero once na mag karoon nang isang catalyst na mag dudulot ng major sell off ng bitcoin babasagin nito ang support na $6000.

At kung aangat man ulit ang price nang bitcoin, ang $6000 na dating support ang magsisilbing resistance level.

Conclusion

Ang trend nang isang asset ay naaantala pag umaabot na ito sa support at resistance level. Maaari itong mag tagal as a barriers for the price.

Pero hindi ito pang habang buhay, at eventually mababasag din ito ay magkakaroon ng polarity.

Sa madaling salita ang support at resistance ay ang area kung saan mataas ang supply at demand ng isang asset.

6 thoughts on “How to Find Support and Resistance levels (Tagalog)”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart