Swing Trading Crypto -Tagalog (Updated 2022)

swing trading crypto

Pasukin natin ang mundo ng swing trading sa crypto, kung saan pwede kang kumita ng malaki. “IF” everything goes your way.

Itong trading strategy na ito ay kinakailangan ng matinding “DISIPLINA” kasi ang profits mo ng 3 months pwedeng maglaho na parang bula sa isa o tatlong trade lamang.

Ang journey mo sa swing trading ay mag dadala sayo ng maraming emotional discomfort kaya naman kinakailangan mo ng tamang trading system, discipline at emotional grit. Para maging successful ka na swing trader.

Buy low, sell high.

Parang napakadali lang.

Noong una ako mag trade ganyan din ang nasa isip ko. Bibilhin ko lang naman pag mababa ang price at hihintayin kong tumaas ulit. As simple as that.

Dalawa sa pinaka popular na trading strategies ay ang
Day trading at Swing trading.

Day trading kailangan mo lang humarap sa iyong computer and make several trades within the day.
Typically, ang ganitong uri ng strategy ay nag aaccumulate lang ng small percentage gains (1-3 %).

Exciting gawin ang day trading kung wala kang ibang magawa sa bahay nyo kunyari umuulan sa labas, wala kang choice kundi mag stay na lang sa bahay. Pero kung gagawin mo ito for a living? well, goodluck sayo.

Para sa akin mas madaling mag success sa swing trading, than day trading. Sa swing trading hindi mo kailangan lagi humarap sa computer.

Minsan mag tetrade ka lang ng one trade every 1-3 days, or even a week.

Ang kagandahan sa swing trading ay makakapag accumulate ka ng mas malaking profit (20% -50%) sa maikling panahon—na hindi mo na kailangan pag masdan at titigan ang charts mag hapon.

Hindi rin masyadong stressful at time consuming.
bitcoin swing trading

News and Technical analysis

May dalawang uri ng methods ang mga traders para maisagawa ang kanilang strategies, ito ay ang pag gamit ng technical analysis, at obserbahan ang mga news events. At applicable din ito sa swing trading dito sa crypto.

Naniniwala ang mga traders na tataas o bababa ang price ng isang coin kung mayroon mga kaganapan like government regulations, cryptocurrency bans, new exchange listings, upgrades,  exchange hacks etc.

Sa kabilang banda, technical analysis ang pinaka commonly used tool for trading.

Ito ang iyong best friend at pwede mong gamitin regardless of news and events.

Ang isang typical na trader ay masuri na inaaral ang price movement ng isang currency bago maglapat ng strategy  based on chart patterns,  indicators, at momentum.

At once na ang lahat ng indicators ay nagtutugma (known as convergence),
75% ng price movement ay kaya nilang ma anticipate in some cases.
Mataas ang chance na umayon sayo ang probability nang isang trade kapag ang news events at technical analysis ay nag-tugma. The BEST TRADES are made when these two methods converge.

Ang predictable chart patterns ay makikita sa lahat ng markets (stocks, forex, option, etc), at mas lalo daw itong laganap sa cryptocurrency market. Sapagkat mas maraming novice na traders sa cryptocurrency world.

Pero karamihan sa mga “non-traders” ito ay tinatawag na luck or gambling. Gambling primarily relies on chance. Ang mga beteranong traders primarily rely on decade’s worth of market evidence on group psychology.

Ang technical analysis, ay ang visual representation ng trader psychology on a massive scale.

Ang isang individual ay pwedeng mag desisyon unexpectedly once isolated. Hindi mo alam ang iniisip ng isang tao. Pero once na ilagay mo ang isang tao sa isang grupo nagiging predictable na ito.

Ibig sabihin nagiging predicatable ang desicion making ng isang individual( minsan nga ginagaya pa ang ginagawa ng iba) sa isang community.

This is part of our human nature.

Tayo ay predictable creatures when placed within these group settings.
Kaya naman sinasamantala ito ng mga smart traders.

Mga Fundamental Pillars

Swing trading and day trading

1. Only invest in what you can afford to lose

Ito ang Golden rule ng trading at investing.
Kung masyadong malaki ang pera na binitawan mo sa isang trade at natatakot kang  matalo, don’t do it.

Ito ang isa sa pinaka worst na emotions na dadalhin mo sa pag ttrade, makakaapekto ito sa iyong desisyon making and it will ruin your trade.

Pag nag sisimula ka palang, mas maganda kung maliit na halaga lang muna ang ipang ttrade mo. Kung matalo ka man, okay lang, hindi ito big deal sayo.

2. Don’t be greedy

Isa sa pinaka mahirap imaster. Hindi lahat ng trade mo kailangan 100 % or 50 % profit palagi. Kailangan mo ng scaling strategy yung paraan ng pag kuha ng partial profits sa isang trade hangang ma reach mo yung target goal mo.

3. Fear of missing out

Madalas nabibiktima nito ang mga novice at intermidiate traders.

Trading into  FOMO ay parang combination ng being greedy at investing blindly. Para kang nag hahabol sa bumubulusok na train, or para kang nang huhuli nang ibon na lumilipad.

Paano ba hinuhuli ang ibon? nag aantay ka nang pag kakataon hangang makakuha ka ng tyempo, ganito din ang istilo sa swing trading dito sa crypto.

4. Learn from your mistake

Common sense lang naman ito, pero may mga tao na paulit-ulit  muna nag kakamali bago matuto.

Pero wag ka ma discourage, habang nagkakamali ka lalo kang nagiging better trader.

5. Accept your losses

Hindi sa lahat ng trade mo ay panalo ka. May mga  times na mas marami kang talo kaysa panalo. Pero what matters most  is how do you deal with your losses.

Isipin mo na lang na kahit ang pinaka magaling na trader sa mundo ay natatalo, no one can predict the market 100% of the time.

Never chase your losses: May mga times na matetempt ka mag trade ng mas malaki sa budget mo para lang mabawi ang mga talo mo. Ito ang dahilan kaya majority of traders fail.

6. Volatility is your friend

Syempre ang importante gumagalaw dapat ang asset. Kung pipili ka nang coins kailangan mo tingnan kung gaano ito ka volatile— ang kagandahan sa crypto trading natural na ang pagiging volatility.

Isa ito sa mga negative trait ng market sabi nila, pero dapat din iconsider ito na strength. Pag massive ang swings ng market, malaki ang benefit nito sa mga swing trader kung alam nila ang kanilang ginagawa.

Mga sites na pwede mo icheck kung gaano ka volatile ang isang asset.

7. Monitor your trade

Kailangan  mong itrack ang trading records mo in a consistent basis. Dito mo malalaman, kung ano ang mga pwede mong baguhin sa strategies mo. Isa rin itong paraan para masukat mo ang iyong performance, kung nag iimprove ka ba or stagnant ka pa rin.

8. Practice makes perfect

Hindi ako naniniwala sa pag gamit ng demo account or paper account para mag practice ng trading, kasi alam mo sa sarili mo na walang mawawala sayo pag natalo ka. Inalis mo emotion sa equation na isa sa pinaka mahirap kalaban sa pag ttrade.

Parang wala ng challenge. Kaya pag dating mo sa live account mo, iba na ang magiging desisyon making mo kasi kalaban mo na ang emotion.

Ang tao ay nagiging emosyonal pag dating sa pera. Kaya hindi ka magiging magaling sa pag gamit ng demo account. Mas mainam kung mag uumpisa ka sa maliit na halaga ng pera  hangang sa masanay ka at tumaas na ang risk tolerance mo.

Buying the dips and selling the peaks

Masarap sa pakiramdam kapag na timingan mo at nakabili ka sa pinaka bottom at maibenta mo naman sa pinaka top ng upward trend.
Nangyayari yan pag tipong sinuswerte ka sa isa o dalawang trade.
Pero hindi sa lahat ng pag kakataon.

Kaya naman mayroon isang method na makakatulong sayo at ito yung tinatawag na “scaling.”

Ito yung paraan na hahatiin mo ang iyong capital sa dalawa or apat na price levels.

Sabihin natin na gusto mo mag trade ng bitcoin at may hawak ka na $400. Imbes na itrade mo ito nang isang bagsakan, hahatiin mo ito sa apat na sections in order to obtain the best possible buy-price.

Example:

Bumabagsak ang presyo  ng bicoin at malapit na sa bottom ng major support, at nakita mo rin na oversold na ito sa RSI and Stochastic indicators.

scaling bitcoin

-$100 at price level $7000
-$100 at price level $6728
-$100 at price level $6473
-$100 at price level $6201

 Sa ganitong scaling strategy nag aaverage lang ng $6600 pag katapos mo ma gastos ang kabuuan ng $400 buy order.
Di hamak na much more efficient kumpara kung bibilhin mo ito sa halagang $7000 tapos ang bitcoin ay patuloy na bumababa.

Ngayon naka depende na lang sayo kung gaano kalayo ang interval. Pwede mo gawing 0.50% or 1%etc.
Depende sa personal preference mo. At depende rin sa coins.

Pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat

Kailangan mo iset up ang iyong stop loss. Para maiwasan mo maubos ang majority ng capital mo.

Nakadepende sayo kung paano mo iseset-up ang stop loss mo. Pero bibigyan kita ng tips kung paano ito gagawin.

STOP LOSS

Ang stop loss ay ang paraan nang pag seset up ng pag exit mo sa isang trade automatically. Ganoon lang ka simple.
Pero maraming  strategies na nakapaloob sa stop loss.

At kung paano mo ito ieexecute.
Sa aking pag sasaliksik may dalawang options tayo ng stop loss na pwedeng gamitin sa cryptocurrency trading. Ito kasi yung pinaka madaling gawin.

Unang strategy, ay ang paglalagay ng stop loss around 1 to 5% below your buy order.
Importante din na mailagay mo ang stop loss na may sapat na distansya sa ilalim ng major support line.

 swing trading crypto

Pros:

Maiiwasan mo na matalo ng malaki kung saka-sakali na ang trade ay hindi umayon sayo.

Cons:

Pwede kang ma “stopped-out”(Ma execute bigla ang trade na mag reresulta sa pag katalo) ng whales bago mangyari ang isang major rally.

Kaya naman napaka importante na mailagay ang stop loss in a good distance sa ilalim ng major support.

Ang pangalawang strategy na magagamit mo sa stop loss ay para sa mga risky traders. Ang pag lalagay ng stop loss ay nasa 10% below your buy order or major support. Kung ikukumpara mo sa unang strategy mas malayo ang distansya ng stop loss mo sa buy order.

 swing trading crypto

Pros: 

Hindi ka basta basta ma stopped-out ng whales bago mag simula ang major rally. Kasi malaki ang space na binigay mo na kung sakali mag quick dip ang coins, hindi ito tatamaan at maexecute agad.

Cons:

Ang masama lang nito, kapag hindi lang basta quick dip ang nangyari— at tuloy tuloy na bumaba ang price. Magdudulot ito sayo ng major loss.

Mapapansin mo, walang tama or mali sa pag gamit ng stop loss placement strategy. Ang mabisang strategy ay pumili ng stop loss na naayon sa history ng isang coin na tinetrade mo. Iba iba ang volatility ng mga coins, may kanya kanya silang behaviour at kailangan mapag aralan mo ito ka agad.

Hindi advisable mag swing trade ng walang stop loss. Naranasan ko na yan, yung tipong nag aantay kang tumaas ulit ang price kasi nag dip ang isang coin. Minsan umaabot ng months or even years. Yung iba nga hindi na ulit tumaas pa.

Take profits

Maraming mga novice trader na masyadong nag fofocus kung saan ang entry point at walang plan kung saan ang exit point. Hindi nila alam na nasa exit point ang profit at wala sa entry point.

Isa sa pinaka importanteng strategy sa trading ay ang pag set up ng profit target.

May ilang mga paraan kung paano mo isesetup ang profit target mo. May dalawang madaling paraan para ito ay magawa mo.

Using resistance

Isa sa pinaka madaling strategy lalo na sa mga beginners ang pagsesetup ng profit target sa ilalim ng isang major resistance.

Pakatandaan na wag kang masyadong maging greedy at mag set-up ng 1-2 %

Sa ilalim ng major resistance.

Scaling out

Nabangit ko na ito kanina, pero ang strategy na ito ay ginagawa din sa pag kuha ng profit. Imbes na hintayin mo na ma reach ang target profit mo. Gagawin mo ito paunti-unti hangang umabot sa price target mo.
crypto

No Stop loss strategy

Ang strategy na ito ay hindi advisable sa mga beginners. Madalas itong ginagawa ng mga experienced traders. May mga panahon na may maitutulong sayo ang hindi pag lalagay ng stop loss.

Kung saka sakaling nagttrade ka sa isang extremely volatile na chart. Magagamit mo dito ang no stop loss strategy kung saan pwede kang mag benefit in the long run.

Kung sakaling mag dip ang price ng coins mabilis mo mababawi ang talo mo. Kasi kadalasan ito ay temporary dip lamang at mabilis ang upswing.

Take note pwede mo lang ito gawin during a steady bull market.

Sa trading, defense is better than offense.

Ang risk management mo ang laging magpapanalo sayo.

Conclusion

Congratulations! isa ka nang ganap na swing trader. Pero ang mga rules and strategies na nacover dito sa article na ito ay magagamit mo as a starting point. Gamitin mo as a guide sa journey mo sa swing trading. At habang tumatagal mag gagain ka ng experience and you will develop your own style of trading.

Great strategies can surround you but theywill be invisible to you unless you put yourself in a strong, determined, and empowered state.

 

8 thoughts on “Swing Trading Crypto -Tagalog (Updated 2022)”

  1. Mas prefer ko dito maganda kc nasusundan ko ng gusto. Tanong po master, paano malaman ang probability na malaman ang aabutin ng price ng isang crypto mapababa o patatas man. Salamat po ulit.

  2. good content for beginners

    I would also like to add

    1. Know your strat and stick with it until you master it. Price action man, SMC, Elliott
    2. Don’t OVERTRADE!
    3. Wag baratin ang sarili sa knowledge. Find a good mentor. Most of the “FREE” Tuts might be misleading lalo na mga reels and short tiktok videos
    4. Read a lot. Di lahat ng knowledge trading strat napapanood sa youtube.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart