Noong nag uumpisa pa lang ako na pag aralan ang cryptocurrency at bitcoin, marami akong mga katanongan na hindi masagot.
Isa na dito kung ano ba ang blockchain? Para sa akin napaka unfamiliar or jargon ng salitang ito, kasi hindi naman ako developer or programmer. Marami akong nabasang mga articles about blockchain, pero karamihan nang mga explanation sa internet na makikita natin kahit ngayon ay hindi madaling maintindihan. Lalo na siguro ng mga taong hindi naman techie.
Kaya naman isinulat ko ang article na ito in a simple way, na kahit bata ang makakabasa ay kayang maintindihan.
So ano nga ba ang blockchain?
Bago ang lahat gusto ko lang linawin, kasi marami pa din ang nag kakaroon ng misconception between cryptocurrencies and blockchain.
Inaakala ng iba na ang cryptocurrency at blockchain ay iisa. Which is wrong.
Ang blockchain ay ang technology at ang cryptocurrency naman ay ang application na nakapaloob sa technology.
Halimbawa, ang bitcoin ay isang uri ng cryptocurrency at ito ay nabubuhay sa technology ng blockhain.
Hindi mag eexist ang bitcoin kung walang blockchain. Katulad ng internet at facebook, ang facebook ay hindi mo maaacess kung walang internet.
Ano ang blockchain?
Ang blockchain ay isang uri ng database kung saan ang lahat ng information naka paloob dito.
Pero hindi katulad ng ordinaryong database na nakalagay lang sa iisang lugar. Ang blockchain ay distributed at nakakalat sa iba’t ibang users.
Magbigay tayo ng example.
Ang youtube, facebook or even banks ay may kanya kanyang database na nakalagay sa safe na lugar na hindi pwedeng ma acess ng kung sino sino lang.
Samantala ang bitcoin blockchain ay nasa mga servers at computers( nodes) sa lahat ng bitcoin users.
Ang lahat ng transaction na nangyayari sa bitcoin network ay nailalagay sa bitcoin blockchain.
At lahat ng mga servers at computers na gumagamit ng bitcoin(yung mga nag rurun ng full nodes)
ay may kanya kanyang kopya ng blockchain na nakalagay sa kanilang mga hard disk
Ginawa lang natin example ang bitcoin, pero take note may iba’t ibang uri ng blockchain at may iba’t iba silang features tulad ng Ethereum, XRP etc.
Blockchain security
Ang blockchain ay nakilala dahil sa tinataglay nitong security. Kasi once na mailagay na ang data sa blockhain hindi mo na ito pwedeng imodify.
Ang blockchain ay nagtataglay ng chain of blocks, at lahat ng mga block na ito ay nag lalaman ng mga data pwedeng mga transaction records, personal data or mga dokomento.
Bago malagay ang bagong block sa chain, sinusuri mo na ito ng network of nodes(ito yung mga computers na ginagamit ng mga miners)para matiyak na ito ay valid.
After ma validate ang lahat, malalagay ang transaction na ito sa blockchain.
Ang mga block na ito na nasa blockchain ay magkakadugtong. Ibig sabihin, hindi mo pwede basta na lang iedit ang laman nang isang block kasi ito ay madedetect ng iba pang mga block na nakadugtong dito. Para magawa mo ito, kinakailangan mo iedit ang lahat ng block sa network. At ang bawat block na ito ay may sinusunod na kasunduan or consensus.
Sa ngayon mayroong 10,000 nodes na tumatakbo sa bitcoin network.
Para mas lalo natin maintindihan kung bakit imposibleng ma edit ang isang transaction sa blockchain mag bigay tayo ng analogy.
Halimbawa isa kang sikat na writer at nag labas ka ng isang libro. Ang libro mo ay nabenta sa buong mundo at umabot nang 200 Million copies sold out.
Imagine may 200 milyong tao ang nakabasa sa libro mo. At mayroon isang tao na hindi bilib sa iyo at gusto nyang baguhin ang story na nakasulat sa libro mo. Gusto nyang baguhin ang version na isinulat mo at paniwalain ang lahat na ito ang orihinal na version.
Sa tinging mo sinong maniniwala sa kanya? Remember 200 milyon katao ang nakabasa ng libro at iisang tao lang ang against dito. Sino ang kapani paniwala? Syempre kung sino ang nakararami.
At kung gusto man nyang baguhin ang version nang libro na inilabas mo kailangan nyang isa isahin ang bawat tao na may hawak dito at baguhin ang version ng libro.
Kaya naman kung titingnan mo ay napaka impossible na ito ay magawa, kasi ang libro ay nakakalat na sa buong mundo.
Ngayon ang mga bagay na iyan ay natutulad din sa consepto ng bitcoin blockchain. Ang mga nag paparticipate sa bitcoin network ay may kanya kanyang kopya ng blockchain records na naka stored sa kanilang mga computers. Para ma hack ang isang transaction sa blockchain network, kailangan isa isahin ng hackers ang every computers na nagpaparticipate sa bitcoin network.
Which is hindi ganoon kadali, hindi pa naiimbento ang isang quantum computer na kayang mag operate ng huge amount of computational power.
Sinasabi ng mga expert na maaaring maka imbento ng ganitong klaseng computer 10 years to 20 years from now.
Siguro naman sa panahon na iyon nag evolve na din ang blockchain technology.
Katulad na lang noong mga early days pa lang ng Google madalas itong nahahack, madalas pabagsakin ng mga hackers ang server nito. Pero pansinin mo ngayon sa dinalas dalas na pag gamit at pag sesearch mo sa internet gamit ang Google, mga ilang beses mo na pansin na hindi mo ito maacess? Wala diba?
Kasi nag improve na ang technology ni Google, habang tumatagal nakakapag adjust ito sa kung ano mang mga threats. Ganito din ang mangyayari sa blockchain technology, habang tumatagal lalo itong magiging epektibo at efficient.
Conclusion
Bilang isang enthusiast at investor, nararapat lang na kahit papaano may naiintindihan tayo sa mundong ginagalawan natin. Sa cryptocurrency world. Madalas sa atin pinapasok ito para mag invest at kumita ng pera sa trading, investing etc. Pero wala tayong idea kung ano ito. Nakakalimutan natin kung bakit ginawa ang technolohiya at kung ano ang maidudulot nito sa atin.
Hindi talaga ako makapaniwala sa blockchain…npakalawak pala nito..😮
sir, salamt po sa kaalaman, beliv po talaga ako pag kayo n nag explain napapasimple niyo yung mga bagay2x.. may konting request po ako nasa inyo po kung mapapagbigyan niyo po.. baka pwedeng mag request explanation o examples about tokens, coins, network, protocol.. ano ano kaibahan nila, kasi ang daming mga project o cryptocurrency po ang lumalabas tapos yan ang mga karugtong na pangalan.. alam ko po busy kau kung maari lamang..