Ngayon na tumataas na naman ang price nang bitcoin, marami na namang mga tao ang makakapansin dito. Sila yung mga no coiners na pwedeng kaibigan mo, kapitbahay, classmate mo nang highschool or kapamilya mo.
Hindi maiiwasan mayroon silang mga katanungan na mahirap sagutin.
Madali lang ipaliwanag kung ano ang bitcoin, ang cryptocurrency at blockchain etc. Pero minsan
may tanong sila na na hindi natin basta basta masagot ng simpleng paliwanag lang.
Ito yung bakit naging valuable ang bitcoin? Eh isa lang naman itong digital currency na tumatakbo sa internet, what makes this bitcoin different from other digital currency that we all know?
Sasagutin natin yan dito sa article na ito. Para kung may mag tatanong man sa atin may isasagot tayo sa kanila.
Value of bitcoin
Sinasabi na ang value nang bitcoin ay kaparehas kung bakit naging valuable ang paper money at digital cash. Ito ay useful, madaling gamitin, at maipapalit mo sa kahit anong valuable thing— commonly accepted by people.
Pero mayroon silang pag kakaiba. Ang value ng paper money ay ayun sa pinag-utos ng gobyerno. Samantala naman ang bitcoin value ay galing sa code, scarcity, infrastructure at adaption.
Pero hindi katulad ng paper money, bitcoin is not tangible( hindi nahahawakan)
Mas maiintidihan mo ito kung babasahin mo din ang bitcoin and the history of money.
Valuable Features of Bitcoin
Bitcoin Scarcity
Ang bitcoin ay may limited supply lamang na umaabot sa 21 Million BTC— at hindi kailanman madadagdagan pa. Kung isasama pa natin ang mga nawalang BTC na hindi na marerecover. Mas mababa pa sa inaasahan ang total supply ng bitcoin.
At dahil nga sa limited supply nito, hindi ito apektado ng inflation. Which is kabaliktaran ng fiat currencies na patuloy na tumataas ang inflation kada taon.
Kapag tumataas ang inflation rate, nababawasan ang value ng isang currency.
Divisibility
Ang smallest unit ng Bitcoin ay tinatawag na satoshi. Ang isang satoshi ay nagkakahalaga ng 0.00000001 BTC. Ang divisibility na ito ay naka embedded sa bitcoin’s original code. Ang bitcoin ay nag ooffer din ng infinite degree of divisibility kung kinakailangan.
Portability
Ang bitcoin ang pinaka transferable currency ever existed. Kasi hindi lang ito pwede itransfer sa internet gumagana din ito sa satellites or even radio waves.
Kung mawala man ang internet, maaari pa rin tayo mag send nang bitcoin sa pamamagitan ng satellites at radio waves.
Fungibility
Ang isang unit ay katumbas ng isa pa, at hindi na ito mag babago. Kahit sino pa ang nag mamay ari nito. Kumbaga sa Ginto ang one ounce ng ginto ay laging katumbas nang isa pang one ounce na ginto. Hindi pwedeng mag kaiba ang halaga. Ganoon din ang bitcoin.
Durability
Maaring gamitin kahit ilang beses without degrading. Hindi katulad ng fiat, sa katagalan naluluma at kinakailangan palitan kapag kinakailangan na.
Recognizability
Dumadami na ang mga merchants at users na tumatangap sa bitcoins. Although, malayo pa rin ito kumpara sa level ng fiat currencies acceptance. Pero marami na rin ang kumikilala sa bitcoin as a means of payment.
Decentralization
Walang sinoman ang komokontrol sa bitcoin, walang middleman na pwedeng mag hold ng bitcoin or mag confiscate.
Accessibility
Hindi mo na kailangan ng bank account para mag karoon ka ng bitcoin.
Ang kailangan mo lang ay kaunting knowledge sa computer at internet and you’re good to go.
Mas madali itong gamitin para sa mga unbanked people.
Uncounterfeitability
Ang lahat ng transaction ay naka record sa distributed ledger, at ito ay completely secured sa tulong ng mga miners. Dito na peprevent ang double spending na kadalasan na nang yayari sa traditional digital currencies. Kaya naman ang bitcoin network ay hindi kailanman mapepeke at irrevocable
Programmability
Sa madaling salita marami pang enhancement na pwede ilagay sa bitcoin in the near future. Mga updates tulad ng smart contracts, multisig transactions at iba pa.
Store of value
Sa ngayon ang bitcoin ay tinitingnan more likely as a commodity parang gold as a store of value, dahil na rin sa dami ng pagkakaparehas nila. Ang isang bagay na nagkukulang sa bitcoin ay ang stability dahil na rin sa volatility nito. Pero once na maabot na ni bitcoin ang level ng adaption, expect na mababawasan ang pagiging volatile nito.
Conclusion
Ginawa ang bitcoin hindi katulad ng fiat na habang tumatagal bumababa ang value, ang bitcoin habang tumatagal ay tumataas ang value. Maraming mga problema ang fiat na nasolusyunan ng lumabas ang bitcoin. Although, marami pa itong kailangan iimprove pero hindi mag tatagal, pag nag mature na ang bitcoin unti-unti na natin makikita ang kahalagahan nito.
beginner here .. hope to learn more..