Will XRP Can Make You Rich? (Tagalog)

ripple xrp

Habang tumatagal dumadami ang mga taong nag kakaroon ng awareness sa cryptocurrency which is a good sign. Bukod sa sa pag kamulat sa bagong teknolohiya, papasukin din nila ang pag iinvest sa mundo ng crypto.

I think some of them will invest in bitcoin, and some of them may not.
Malalaman nila na ang bitcoin ay nag start ng centimos lamang at kung titingnan mo naman ang presyo ngayon napakataas na.

Ngayon mag hahanap sila ng second bitcoin. Ganyan ang mga newbie, syempre bago pa lang at nag eexplore pa sa market. Iniisip nila na nahuli na sila at mataas na ang price nang bitcoin—kaya naman maghahanap sila nang ibang coins na may potential na tumaas.

Sa dami ng coins na nagkalat, hindi sila mag uumpisa mag hanap sa ilalim.
Uumpisahan nila sa itaas.

Ano sa tingin nyo ang most appealing na coin para sa mga baguhan sa crypto world?

Walang iba kundi ang XRP(Ripple)

Ang pangatlo sa may pinaka mataas na market cap sumunod sa Ethereum at Bitcoin.
Pipiliin nila yan kasi mura, ano bang pake nila sa total supply nito—ang importante ang maka bili nang marami.

But the question is will XRP can make you rich?

Yan ang aalamin natin, tingnan muna natin kung ano ba itong XRP.

Ano ang xrp

Ang XRP ay inilabas noong 2012, ito ay isang native asset sa XRP ledger na ginagamit nang kompanyang Ripple para mag facilitate nang fast, reliable and affordable cross-border transactions. Ang goal ng Ripple ay iimprove international transaction worldwide  sa pamamagitan ng mabilis at mababang transaction cost and fees.

Maraming nag aakala na ang Ripple at ang XRP ay iisa lamang, pero sila ay magkaibang bagay. Ang ripple ay ang company at ang XRP naman ang currency na nakapaloob sa ripple network.

Ripple net

Ito yung network na ginagamit ng Ripple para sa institutional financial service providers. Nakapaloob dito ang Ripple payment protocol para mag send ng money globally, katulad ng digital asset exchanges, money services business, banks at mga corporate entities

Supply

Ang total supply ng XRP ay 100 billion kumpara sa bitcoin na mayroon lamang 21 million na fixed supply. At unlike bitcoin, hindi ka pwede mag mine ng XRP. Ito ay pre-mined. Ang circulating supply ng XRPsa ngayon ay nasa 42 billion, at kada buwan—nag lalabas ang ripple ng up to 1 billion ito ay mangyayari sa loob ng 55 months. Ang 55% ng supply ng XRP ay hawak ng Ripple, at ito ay naka locked up at nakalagay sa escrow.

XRP Use Case

ripple xrp tagalog

Currency exchange

Ang XRP ang mag sisilbing intermidiate currency, imbes na mag convert ng PHP to USD and then USD to CHF, XRP na ang magiging tulay.

International transactions

Dahil nga mabilis ang transaction speed ng XRP, dinesenyo ito para gamitin ng mga banks.

Payment

Katulad din ng ibang mga cryptocurrencies, ang XRP ay pwede rin gamitin as a payment options sa mga online stores at ng mga freelancers.

Investment

Tulad din ng bitcoin ang XRP ay nag aapreciate ang value overtime. Noong 2013 ang price ng XRP ay $0.01 USD lang. Kung icoconvert natin ng peso, nagkakahalaga lang ito ng PHP 0.51. Kung bumili ka noon ng 1,000 XRP sa halagang PHP 510 mayroon ka na ngayong PHP 20,780. Hindi na masama.

Pero kung naibenta mo ito nang nag all time high ang XRP na umabot ng $3 per XRP noong 2017, makakakuha  ka ng PHP 153,630 sa investment mo na PHP 510.

Will XRP can make you rich?

I think the answer to this question is still Yes. Kahit na mas titindi ang competition dahil sa nalalapit na pag labas ng facebook coin na libra. Hindi pa rin mawawala ang XRP sa equation, na pwede nating ihold at ilagay sa ating portfolio.

Marami ang may ayaw sa XRP dahil hindi daw ito decentralized. Para sa akin okay lang decentralized man or hindi, as long as nakakatulong ito sa akin at sa crypto community. I am good with it.

Alright, pag usapan natin kung bakit sa palagay ko ang XRP ay still a good investment.

In any commodity sa buong mundo ang price is driven on its use case, scarcity at popularity. In terms of technological advancement, ang banking system natin ay hindi pa din nag babago ang infrustrature 40 years ago.

Ito ang gustong masolusyunan ng XRP at layunin nito na pagdugtungin ang lahat ng bank sa pamamagitan ng pag gamit ng Xcurrent, at kapag nag karoon na ng connection ang lahat—dito na ipapasok ang XRP for settlements.

Ang madalas na sinasabi na ng iba na hindi naniniwala na tataas ang value ng XRP dahil sa supply nito. Ang total supply ng XRP ay 100 billion at para umabot ng $270 per XRP. Kinakailangan nito ng market cap na $27 trillion.

Sa tingin nyo kaya bang maabot ng XRP ito?

Kung maisasakatuparan ng XRP ang kanilang mga plano at lahat ng bangko ay mag switch sa kanila. Possibleng maabot ang price na ito yan ay banks pa lang. Wala pang mga retailer at mga merchants na kasama diyan na pwedeng gumamit din ng XRP.

Kamakailan lang lumabas sa balita ang partnership ng ripple at Moneygram. Kasama sa deal na ito ang pag gamit ng Moneygram sa XRP for cross border payment. It’s a good deal for ripple. Kung gusto nyo makita ang list of partnership ng ripple you may go here.

Conclusion

Lahat ng cryptocurrencies nag hahangad na ma adapt nang masa. Pero at this point walang nakaka alam kung alin dito ang mananatili at mawawala. May mga bagong lalabas na crypto na pwedeng mas may potential  na ma adapt ng masa tulad ng libra, pero wala pa rin itong assurance. 
Pwede itong maging banta sa XRP at pwede rin itong makatulong sa pag angat ng XRP. Walang makakapag sabi ng mangyayari sa hinaharap. Kaya naman laging sinasabi na always diversify your portfolio sa pag iinvest sa crypto world. I think we will know the real value of XRP 3 to 5 years from now.

Disclaimer: I am not an expert, not a financial adviser, I do not guarantee a particular outcome. You need to do your own research and make your own decisions! This is just my own opinion. Use this as a starting point.

Buy me a Beer 🍻
ETH: 0x9d2960cb4fc8f4f73b83a6161c20906f734c4f1c

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart