Search
Close this search box.

Why You Should Stay Away from the Crowd as a Trader (Tagalog)

Sa pag aaral ng technical analysis, inaaral din natin ang mass psychology. Kasi ang market ay binubuo ng emosyon ng iba’t-ibang individual na nagpaparticipate dito.
Karamihan sa mga traders ay nagdedesisyon ng pare-pareho lamang, sabi nga nila ang isang individual ay unpredictable pero kapag iniligay mo ito sa isang grupo—ang desisyon making nito ay nagiging predictable.

People change when they join crowds, nagiging impulsive sila at nag rereact base sa kanilang emotion instead of using their intellect.

Karamihan sa atin nag dedesisyon base sa ginagawa ng iba or sadyang wala lang tayong tiwala sa ating kakayahan. Kaya naman ang tendency mag hahanap ka nang taong mag dedesisyon para sa iyo. Dito na papasok ang crowd mentality (not crab mentality).
Sa totoo lang, ang ganitong gawain ay normal na nangyayari kahit noong panahon pa ng stone age.

Ang isang mangangaso na naglalakad sa gubat na mag isa ay mas malaki ang chance na hindi makaligtas, kapag sinalakay ng isang mabangis na hayop. Ngunit kung sila ay grupo ng mangangaso, mas mataas ang chance ng kanilang survival.

At ito ay naka tatak na sa ating mga ugat, sumasama tayo sa grupo for safety na pinamumunuan ng isang mahusay na leader.
Lalo na kung hindi tayo sigurado sa isang bagay, mas mataas ang chance natin tumalon sa crowd. Ang pagsali sa grupo ay makakatulong sa iyo sa ibang bagay. Pero not in trading.

Bakit ko nasabi? Because it will affect your rational thinking and decision making.
Alam mo na may trading system ka na ginagamit at sinasabi na dito na you have to cut your losses. Pero hindi mo sinunod kasi naapektuhan ang desisyon mo ng crowd.
Ang market ay binubuo ng organisadong crowd, at hindi mo kailangan maging against dito.
Ang crowd ay malaki at mas malakas sa iyo. May isang option ka lang, to join the crowd or act independently. Kailangan mo lang maging matalino at malaman kung kailan ka sasabay sa crowd at kailan hindi.

Ang isang inexperienced traders ay binabalot ng saya kapag pumabor sa kanya ang trade, at takot at galit naman kapag ang price ng market ay against sa kanya. Nagiging crowd member sila kapag nakaramdam ng stressed at na threathened. Mawawala ang kanilang kompyansa at mangagaya na lang sa iba, or maghahanap ng leader na mafofollow.

Kapag ang isang bata ay nakaramdam ng takot, gusto nila na ang kanilang magulang or kung sino man na nakatatanda ang magsasabi kung ano ang gagawin nila.
Ang attitude na ito ay nadadala sa pag tanda, ang mga traders na nasa ganitong sitwasyon ay maghahanap ng guru, na magsasabi sa kanya kung ano ang dapat gawin or maghanap ng bagong trading system, newspapers, at iba pang mga market leaders.

But you can only succeed as a trader, only when you think and act as an individual.
Ang pinaka mahinang parte ng isang trading system, ay ang trader mismo.

Pero it does not mean, na hindi ka pede sumali sa mga grupo at maging ermitanyo. Although, may mga ibang traders na mas preferred ang ganito. Ang punto dito is you have to make a decision independently na hindi naapektuhan ng crowd. You made a decision because of your rational thinking hindi dahil umaasa ka sa iba.

1 thought on “Why You Should Stay Away from the Crowd as a Trader (Tagalog)”

  1. Thanks fo ispiring me! Naramdaman ko to. Bago lang ako sa trading and still learning. May mga sinalihan akong gc telegram and fb nakakatulong naman sila kasi may natututunan din ako but the thing is nagiging irrational ako mag isip to the point na nagdududa nako sa sarili kong TA kasi inisip ko na mas matagal na sila sa trading. So I try to follow them once sumabay ako sa trade nung hinihingian ng karamihan ng signal sa gc but I lose the trade. And after that I focus on studying and continue to learn without any pressure kasi yung market naman anjan lang I also trade with live account first before studying but now im doing paper trading. Maliit lang naman loss ko good for the learnings na. Late ko kasi nalaman na pwede pala magpapertrade dahil sayo yung mr altcoin pinoy sa yt mo! May mga katanungan lang tlaga ko minsan na diko mahanapan ng sagot dahil sa walang mapagtanungan haha. Im a silent reader lang kasi sa mga gc and upon observing most of the beginners treated as they included in the group or their question didnt matter. So i dont ask question from them. Tho naiintindihan ko naman yung iba kasi yung mga other newbies eh parang ayaw ng aralin yung basics at gusto isusubo nalang sa kanila. Thank you for sharing a free learning course on your website and yt mr altcoin pinoy! I already share it with some of my friends na interesado matututo. Hope to see more article and videos from you! Godbless!!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart