Why You Should Not Focus on Your PNL (TAGALOG)

Nagtataka ba kayo kung bakit kapag nag bobrowse kayo sa mga trading group or social media.
Ang tanging nakikita nyo lang na pinopost nang mga traders ay yung mga wins nila?
But in reality, natatalo pa din sila sa mga trade, but they don’t post it on social media. Why?

Kasi pag winning ang trade mo. Ang iisipin ng mga tao magaling ka isa kang henyo.

Pero pag talo ang trade mo at ipinost mo ito sa social media. Ang iisipin ng mga tao bobo ka.

Yes, that is the reality.

Kaya hindi mo sila masisisi. Kung bakit winning trade lang ang ipinopost nila.

Kasi ito yung kinagisnan natin sa ating community.

Sa eskwelahan, noong nag aaral pa lang tayo.

Ang laging nabibigyan ng pansin ay yung estudyante na laging gumagawa ng tama.

At ang laging nagkakamali ay hindi pinapansin or laging nasisita.

Kaya ang nagiging mindset ng tao, hindi ka dapat mag kamali kung ayaw mo mapagalitan.

At nadadala natin ito hangang sa pag tanda.

Kaya naman sa trading nahihirapan tayong tangapin ang pagkatalo.

Kasi hindi tayo pinalaki para tumangap ng pagkatalo.

We should always be a winner.

But this concept is not applicable to trading.

And that’s why maraming nag fafail sa trading.

Because it’s always against our human nature.

Ang approach ay iba sa nakasanayan natin.

Sa trading normal ang pagkatalo.

Hindi lahat ng trades mo ay laging panalo.

That’s how it is.

Kaya kung mag fofocus ka sa PNL, hindi ka mag tatagal dito.

Bakit?

Kasi para ka nang may hinahabol na kota at kailangan mong pataasin ang PNL mo.

Ang tendency, pag natalo ka gusto mo makabawi kasi apektado ang PNL mo.

At dahil dito,  mag re-revenge trading ka.  Irational ka na mag isip.

Ang gusto mo manalo, or tataasan mo ang leverage at position size mo para lang makabawi.

Which is against sa iyong trading plan.

If you focus on PNL. Ang pinapairal mo ay ang iyong EGO.

You are not trading right anymore.

At hindi ka na makakapag isip ng maayos.

I know profit and loss are important.

Kasi dito mo makikita kung may progress ka ba.

Pero PNL is not so very important.

Ang importante is you follow your trading plan, you trade right and money will follow.

Maraming epekto sa mindset mo kapag naka focus ka lang sa PNL.

Tulad ng hindi mo ikoclose agad iyong position kahit against ito sa trading plan mo. Kasi maapektuhan ang PNL mo.

Naghahabol ka sa 80% win rate mo. Pero ang profit halos wala.

Kasi ang iyong mindset ay hindi tugma sa trading plan mo.

Kung nagtetrade ka nang matagal na makakarelate ka dito, pero kung bago ka lang malamang mararanasan mo pa lang ito in the future.

It is just simple advice na hindi natin kailangan mag focus sa PNL.

What we should focus on is following our trading plan. Keep trading, and always stay on the game.

Kasi kapag na liliquidate ka at wala ka ng pera pang trade.

You will no longer in the game, at mahihinto ang progress mo sa pag tetrade.

Then sooner or later, you will quit trading. Bago ka pa tumapak sa stage ng mga profitable traders.

12 thoughts on “Why You Should Not Focus on Your PNL (TAGALOG)”

  1. tama nga po kau., ganyan talaga kapag trading minsan panalo, minsan talo. Take time to study and create a trading plan., pupunta ka sa gyera dapat equip ka or else mamatay ka… nice thoughts po sir. and thanks for sharing

  2. thank you po at may ganito chanel para sa mga baguhan at gusto mag trader like me.. at first nalaman ko ang cryptocurrency trading nasabi ko talaga na napaka easy lang kasi mag buy low at sell high kalang pero ng nag live trading ako na realize ko na hindi pala ganun kadali mag trade. buti nlang mayron chanel na ganito at mag research pa ako ng maraming kaalaman tukol sa tradeng bago ako babalik sa live trading.. thank you

  3. 1000% big true kasi ganyan Mismo ng yari sakin kaya nahinto ako sa pag tretrade masyado ako nag mamadali umangat lesson learn na Marami pa ko kakaining bigas bago maging profitable na realize KO hindi ganun kadali at kakapirangot pa lang yung nalalaman ko kaya I decide na magaral muna ng mabuti bago ulit sumabak sa Gera someday masa sabi KO din sa sarili ko na profitable na ko 💪💪💪

  4. Sir patambay ako dito sa website mo napakadami KO natututinan dito at naintindihan Tagalog kasi sa iba kasi na pinapanuod at binabasa ko puro English mahina ako dun hahaha .. Sir more info tips at knowledge pa Sana ang ma share mo Sana hindi ka mag sawa kasi laking tulong sa mga tao naguumpisa pa lang at 0% knowledge pa about trading god bless sayo sir thank you 🙏🙏🙏🙏

  5. im new sa site mu bro, im interested in trades kaya nagself study ako dito sa vlog sa youtube na trader na magagaling at saka doing live trade na rin , i hope na matutu ako nito sa site mu thanks bro

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart