Kamakailan lang usap-usapan sa buong crypto community ang pag pasok ng facebook sa cryptocurrency world. At malaki ang magiging impact nito sa bitcoin at iba pang cryptocurrency. Pero in this article hindi natin pag uusapan ang libra.
Ang gusto kong pag usapan natin ay ang Electroneum.
Alam mo ba ang ETN?
Kung kapapasok mo lang sa crypto world ngayong taon, malamang hindi mo alam ito.
Ang price ng ETN hangang ngayon ay nasa kangkongan pa rin ($0.006), kaya walang pumapansin dito. Maliban na lang sa matibay nitong community.
Ang ETN ay inilabas noong 2017, isa sa pinaka hype at pinaka successful na ICO on that year.
Ito lang naman ang natatanging cryptocurrency na nag ooffer ng mobile mining (cloud mining na ngayon) para makakuha ng FREE ETN.
Ginawa ang ETN as a payment system, katulad din ng bitcoin, XRP, Dash at iba pang cryptocurrency. Well, katulad din nang ibang altcoins they target mass adaption, especially yung mga nasa third world countries like Africa and Philippines.
Pero despite sa effort ng team ng ETN, ang tanong ng marami bakit hindi tumataas ang price valuation ng coin?
Sabi nila dahil ito sa mataas na supply, Asic miners dumping the coin at hindi pa listed sa mga popular na exchanges tulad ng binance.
Lahat naman yan nakaka apekto at isa na rin siguro ang sistema na ginagamit ng ETN.
Ngayon ginawan ito ng paraan ng ETN, we all know in a business kapag hindi tumataas ang value ng isang product it means may problema. At ang naging solusyon ng ETN ay ang soft fork upgrade.
Instead of proof-of-work binago nila ito at naging proof-of-responsibility. Kaya ko nabangit ang libra kanina kasi ang consepto ng libra ay hindi nalalayo sa hybrid na blockchain ng ETN ngayon.
Bago pa ilabas ng libra ang kanilang stable coin, inilabas na ito ng Electroneum. Pero ang ETN hindi stable coin, fixed lang ang supply nito sa 21 billion. Mas mababa kung ikukumpara mo sa ibang mga blue chip coins tulad ng XRP 100 billion at Tron na may 99 billion.
Alright, so ano ba ang mga pagbabago na naganap sa Electroneum?
Proof of responsibility
Dati ang ginagamit ng ETN ay ang proof-of-work pero nag shift sila sa proof-of-responsibility.
Tinawag itong proof-of-responsibility kasi ang nag ooperate dito ay mga responsible qualified global organization— na nakabase sa mga developing countries. Ito yung mga NGOs (Non-Government-Organizations) na makakakuha ng block reward—na dati na nakukuha ng mga miners. Imbes na sa pansariling interest lamang mapupunta. Ang makukuha ng mga NGOs na reward ay gagamitin nila sa mga taong nangangailangan sa kanilang bansa, alam naman natin lahat kung ano ang purpose ng mga NGOs.
Ang pagkakatulad nito sa libra project ng facebook ay instead na mga NGOs, sa libra mga corporations ang mga validators.
Dagdag pa dito ang enhancement sa network and security nito na ginagamitan ng highly trusted nodes na hindi kayang pabagsakin ng 51% attack.
75% Block reward reduction
Noong unang inilabas ang ETN, malaki ang block reward na ipinamimigay sa mga miners—para nga naman maraming ma encourage at tumaas ang hashrate ng network. Pero hindi ito nag work sa part ng ETN kaya nila binago ang sistema. Kung ang bitcoin at litecoin ay may tinatawag na halvening, ito yung pagbabawas nang reward na nakukuha ng mga miners kada apat na taon.
Ang ETN ginawa ito ng isang bagsakan lang, 75% Block reward reduction.
Ibig sabihin 25% na lang na block reward ang makukuha ng mga bagong miners.
Mababawasan ang supply na lalabas, na maaring mag pataas sa price ng ETN.
Moderated blockchain
Nadagdagan ng security ang blockchain ng ETN kagaya ng nabangit ko kanina.
Ang unang layer ay yung normal na blockchain na nag poprocess ng transaction at sumusuporta sa mga mining servers.
Ang pangalawang layer ay ang features na highly trusted nodes na inooperate ng eletroneum company. Ito yung passive monitoring sa network na nagbabantay sa mga unusual activity. At kapag na detect ng nodes na ito ang isang threat sa network, kaya nitong ishutdown ang unusual activites
sa loob lang nang ilang segundo.
Ang pagbabago na ito ay inaasahan na mag papataas sa confident ng mga investors at makapag hihikayat sa mga bagong users.
Pero hindi lahat sumasangayon sa development na ito.
Ang lumalabas kasi hindi na ito totally decentralized. Ito ay may pag ka centralized katulad ng XRP at Libra.
Pero para sa akin, maganda ang ginawa nang electroneum, dahil na rin sa tumitinding kompetisyon nang market na ginagalawan nila. Alam natin pag dating sa transaction per second may mga cryptocurrencies na mas mabilis tulad ng Nano at XRP.
Sa ginawang update ng ETN, hindi malayong maabot nila ang speed ng mga ito. Kagaya nga ng lagi ko sinasabi, as long as makakatulong ito sa akin at sa community, kahit pa centralized or decentralized man yan, okay lang.
Is it a good investment?
I think Yes, In any investment wala naman assurance na mag poprofit tayo kaya napakahalaga nang diversification at portfolio management. Always remember na mataas ang risk factor ng mga low cap coins tulad ng ETN. Pero mas mataas din ang reward nito.
Mayroon akong kaunting ETN, I invested on this project since ICO days. At hangang ngayon hindi ko pa rin ito ibinebenta. Bakit?
Because this is a long term game, and I invested what I can afford to lose.
Malaki ang tiwala ko sa team at mission ng project na ito. At makakakuha ka naman ng FREE ETN sa mobile mining. Kung gusto mo mag invest sa ETN, it’s up to you. Pero do your own research.
Disclaimer: I am not an expert, not a financial adviser. This post is provided for informational purposes only. Please do your own due diligence before making any investment decisions.