Why I think Abra is Better than Coins.ph (tagalog)

bitcoin wallet

Ang safety ng ating bitcoin at cryptocurrencies ay nakasalalay sa ating wallet. And we all know na ang pinaka safe na pag lagyan nito ay hardware wallet tulad ng ledger nano or trezor. Pero ang karamihan sa atin ay hindi ito afford. May options tayo na gumamit ng paper wallet, pero hindi ito madali para sa mga medium term holders at sa mga taong maraming hinahawakan na coins.

Kaya naman karamihan sa atin iniiwan na lang ito sa coins.ph which is okay din naman. This is the easiest way to buy and hold cryptocurrencies.  Pero may kaakibat ito na risk. Kasi hindi natin hawak ang private keys at higit sa lahat ito ay custodial wallet.

So ano ang kaibahan nito kay abra?

At bakit sa palagay ko mas safe mag store ng cryptocurrency kay abra kumpara sa ibang mga bitcoin wallet tulad ng coins.ph or coinbase (not coinbase wallet).

What is abra?

Ang Abra ay ipinakilala noong 2014 na pinamunuan ni Bill Barhydt former Netscape director.
Ito ay all in one cryptocurrency wallet, exchange, and investment application.
Sa ngayon may 30 cryptocurrencies at over 50 fiat currencies ang kayang isupport ng abra. At nag wowork din ito as a money transfer app.

The system

Ang system ng abra ay ginagamitan ng crypto collateralized contracts. Sa abra ikaw ang may control ng pera mo. Hindi ito katulad ng Paypal or Banks na ang money ay hinahawakan ng third-party na kung saan makikita mo ang halaga ng pera sa iyong account sa loob ng application.

Dito nasa iyo ang private keys, ito yung abra recovery phrase—ang pina simpleng version ng private keys.

Ang crypto collateralized contracts ay ginawa sa Bitcoin. May dalawa o tatlong multisig bitcoin address ang ginagawa dito. Mayroong tatlong partido na pumipirma sa mga transaction.  Ang abra, ang mga users, at isang third-party oracle na nag aayos ng exchange rate between bitcoin at kahit anong asset ang gustong ihold ng isang user.

Kunyari nag deposito ka ng peso gamit ang iyong debit card papunta sa abra. Ang mangyayari gumagawa ng multisig address ang abra at third party on the top of bitcoin. Ang lalabas sa dineposit mo sa application ay peso. Pero in reality you buy bitcoin.

Yes, you heard it right.

Kasi ang base currency ng abra ay bitcoin. And this is the reason kaya ito naging non-custodial wallet. It means walang control ang abra sa funds mo or any other third party. Nakakatulong din ito sa abra na maiwasan ang napakadaming regulations na kailangan sundin sa iba’t ibang bansa.

At dahil ang Abra ay built on Bitcoin. May epekto din ito sa price ng bitcoin.
Sa madaling salita ang total value ng asset na hinahawakan ng every users ng abra ay effectively part ng bitcoin overall market cap.

Paano gamitin si abra

Kung hindi mo pa nagagamit ang Abra, download mo muna ito sa Google Play or iOS App store.
Kailangan mo lang mag provide ng phone number, kasi ito ang gagamitin ni abra para maverify ang iyong account.

Take note wag mong kakalimutan kopyahin at itago ang recovery phrase na ibibigay sayo ni abra. Kakailanganin mo ito kung sakaling mawala ang phone mo para marecover ang iyong account.

bitcoin wallet

May iba’t ibang options para makapag cash in sa abra. Kagaya nang nakikita nyo sa image sa itaas, pwede dito bank transfer, cash, visa/mastercard at mga cryptocurrency tulad ng Bitcoin, Litecoin, Ethereum at Bitcoin cash.

Hindi ko pa na try mag bank transfer sa abra, pero ang pagkaka alam ko inaaccept nito ang union bank. Kung meron kang union bank account online magagamit mo yan sa pag cacash-in sa abra.
Kapag gusto mo naman mag deposito via cash ang options pa lang sa ngayon ay ang tambunting pawnshop makikita mo naman sa application ang mga lugar ng tambunting pawnshop kung saan ka malapit.

Sa visa/ mastercard options, mareredirect ka sa simplex ito yung third party payment processor na kapartner ni abra.
At ang huling option mo ay via cryptocurrency kung mayroon kang ibang crypto wallet tulad ng coins.ph, coinbase at trust wallet pwede mo itransfer ang mga coins mo papunta sa abra.

Paano mag withdraw

bitcoin wallet

Kung withdrawal naman ang pag uusapan, madali lang din ito gawin sa abra sa pamamagitan ng
bank transfer mag tatagal nga lang ito ng mga ilang araw, 2-4 business days. Pwede ka rin mag withdraw sa abra teller (tambunting pawnshop)—at syempre gamit ang iba mong cyrptocurrency wallet. Kung may coins.ph ka naman pwede mo ito doon padaanin.

Deposit


Withrawal

Limits


Available fiat and cryptocurrencies

Supported fiat:

USD, AUD, GBP, EUR, GPY, HKD, SGD, PHP at marami pang iba.

Supported cryptocurrencies:

  • Bitcoin (BTC)
  • Tron (TRX)
  • Basic Attention Token (BAT)
  • Ether (ETH)
  • Litecoin (LTC)
  • Bitcoin Cash (BCH)
  • Ripple (XRP)
  • Dash (DASH)
  • Ethereum Classic (ETC)
  • Dogecoin (DOGE)
  • Omisego (OMG)
  • Zcash (ZEC)
  • Golem (GNT)
  • Neo (NEO)
  • Vertcoin (VTC)
  • Quantum (QAU)
  • Monero (XMR)
  • Lisk (LSK)
  • Verge (XVG)
  • NEM (XEM)
  • Bitcoin Gold (BTG)
  • Stellar (XLM)
  • Status (SNT)
  • DigiByte (DGB)
  • 0x (ZRX)
  • Augur (REP)


    Pros

    -All in one exchange and wallet.
    -Easy to use.
    -Non- custodial wallet
    -Bitcoin base
    -Support several fiat

    Cons

    -Cash in not available yet in 7 eleven
    -Verification needs for deposit and withdraws funds

    Conclusion

    Okay, hindi ko ipinopromote si abra, it’s up to you kung gagamitin mo ito, para sa akin lang when it comes to safety and functionality mas prefer ko si abra, kaysa coinbase at coins.ph. At the end of the day—isa parin itong hot wallet, at kapag sinabing hot wallet vulnerable pa rin ito sa hacking and phishing attack. Ang pinaka safe na pag lagyan ng ating mga cryptocurrencies ay hardware wallet pa rin or paper wallet. Lalo na kung ang goal mo ay long-term I highly recommend hardware wallet. Pero kung for short-term and medium-term, pwede mo na pag tsagaan si abra.

    Leave a Comment

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    Shopping Cart