Ang trading ay isang business na kinakailangan ng sapat na puhunan para tumakbo. At tulad nito kailangan natin ng sapat na trading capital.
Kung maiisipan mo magtayo ng negosyo, magkano kaya ang puhunan na kakailangnin mo?
Depende kung anong business.
Halimbawa, si Juan ay nagtayo ng tindahan kasi maliit lang ang kanyang puhunan, samantala naman si Pedro ay nagtayo ng Supermarket, kasi mayroon syang sapat na pera para dito.
Sa tingin mo sino sa kanilang dalawa ang mas may pag asa na maging successful or tumagal sa business?
Syempre kung sino ang mas may malaking puhunan.
Same thing with trading.
Kung ang isang trader na may sapat na puhunan ay makaranas ng sunod sunod na talo, hindi nito mauubus ka agad ang kanyang account balance.
Samantalang si trader na may maliit na puhunan ay pressured.
Bakit?
Kasi maliit lang ang kanyang puhunan at hindi nya gugustuhin ang matalo. Walang buffer kung baga.
Mas nagiging emosyonal din ang trader na may maliit na puhunan, alam nila na kapag sila ay natalo ng sunod-sunod ma uubos ang kanilang balanse.
Ito ang magiging dahilan kung bakit hindi sila makapag focus sa trading.
Ilang trader lamang ang nakagawa ng maliit lang ang puhunan pero nagawa nila itong palakihin at paabutin ng milyon milyon. Ang tinutukoy ko ay si Richard Dennis na isa sa pinaka magaling na trader sa kasaysayan.
Anyway, gaano ba kalaki ang dapat na kapital bago magsimula sa trading?
Yan ang karaniwang tanong ng marami.
Depende sa market na papasukin mo.
Ang kagandahan sa Cryptocurrency market pwede ka mag simula mag trade kahit 500 pesos lang ang pera mo.
Yes, that is true.
Pero do you think magiging successful trader ka sa ganyang puhunan?
Siguro kung sa 100 trades na ginawa mo wala ka ni isang talo.
But the questions is walang trader na nakagawa nyan even the best traders in the world.
So kung kompyansa ka sa sarili mo na hindi ka matatalo sa trading, go ahead!
Wala naman talagang nakaka alam kung gaano kalaki ba dapat ang puhunan.
Magbibigay lang ako ng idea, kung nasaang range ang katangap tangap.
Ang ideal na kapital ay nasa $ 1,000 or 50,000 Pesos.
Yang range na yan hindi masyadong maliit at hindi masyadong malaki.
Pwedeng mas mababa pa jan or mas mataas. Depende sa kakayahan ng trader.
But always remember trading is like a business, and you should have enough capital for doing business.
Pero maiba ako, hindi ibig sabihin na kung may malaki kang capital ay magiging successful kana agad sa trading career mo.
Hindi pa rin.
Malaki ang maitutulong nito sa iyo as a trader, pero para maging successful trader ka it takes more than just money.
Why do traders fail?
- Walang na master na kahit anong trading strategy
- Hindi alam na ang risk management ay isa sa pinaka importante sangkap ng trading
- Hindi kayang kontrolin ang emosyon, psychological factors na nakaka apekto sa trading decision.
Key elements to successful trading
Foundation
Kung babasahin mo lahat ng trading strategy na nakasulat dito sa Altcoinpinoy, sigurado ako na magkakaroon ka ng solid foundation about trading.
Keep it simple, always choose a simple trading strategy.
Kapag mayroon ka nang trading strategy na bagay sa personality mo, you can test it.
Pwede ka mag manual backtesting or try using it on a paper trading account.
Para malaman mo and win rate at positive expectancy ng strategy na ginagamit mo.
Trade plan
Kailangan mo din mag research ng madami dami para maka gawa ka ng plano mo sa pag tetrade.
Kahit anong klaseng trader ka swing trader, day trader, postion trader etc. Kailangan mo nang tamang pag paplano.
Discipline
Sabi nila ang trading ay parang pag didiet, kinakailangan ng matinding disiplina.
Maraming gusto mag diet at mag exercise. Pero iilan lang talaga ang nakakaabot ng gusto nilang mangyari sa katawan nila.
Parang trading lahat gusto kumita ng pera, pero iilan lang ang nag tatagumpay. At isa sa mga dahilan ay kawalan ng disiplina.
Money management
Kung wala kang disiplina, hindi ka makakarating dito.
Madalas natin naririnig ang risk management, pero iilan lang ang mga taong nakakaunawa dito.
They still follow their emotion in trading.
Patience
Kung seryoso ka sa pag tetrade, hindi ka magmamadali agad maging successful.
Patience is a virtue.
Success in trading will take time, always look for long-term perspective.
Hindi ka dapat maingit sa ibang mga trader. Kung level 1 ka pa lang na trader, huwag mo ikumpara ang sarili mo sa level 20 na trader. Darating ka din dyan, you just need to be patient.
I hope may natutunan kayong bago sa article na ito. Opinyon ko lamang ito base sa mga nabasa at na research ko. Kung may bago na naman kayong natutunan, feel free to share this article with your friends and people who want to learn how to trade,
Happy trading!
i encougrage those newbie out there read and read what cryptodime share with us ito na yung baga stepping stone natin to reach sa pag tetrade.
thanks