Ang cryptocurrency world ay patuloy na nag eevolved dala na rin ng makabagong teknolohiya at opporutunties na kaakibat nito. Marami sa atin ang gusto matuto at madagdagan ang kaalaman about crypto. Lalo na yung mga nag uumpisa pa lamang.
Itong article na ito ay patungkol sa mga common terminology na madalas nababangit ng mga expert tulad ng Coin, Token, Digital currencies etc. Kahit na lagi natin ito nababasa, marami sa atin hindi naman talaga alam kung ano ang mga bagay na ito. Kaya naman I decided to write an article para dito, for additional information.
Coin
Kapag sinabing coin ito ay native sa sarili nilang blockchain. Ang mga halimbawa ng mga coin na ito ay tulad ng Bitcoin, Etheruem, Monero. Lahat sila ay may kanya kanyang blockchain at nabubuhay sa kani- kanilang mga ledger. Marami silang pag kakapareho sa money. Lahat sila ay fungible, divisible at portable. Limited din ang supply.
Ang purpose talaga ng cryptocurrency coin ay pambayad or for medium of exchange. Katulad ng cash na ginagamit natin pambili ng kung ano-ano. Pero mayroong exception dito tulad ng sa ether, although lahat ng attributes ng isang cryptocurrency coin ay nasa Ethereum, pero ang purpose nito ay hindi para maging pera. Dahil may iba pa itong katangian.
However, mayroon din tinatawag na “altcoin.” Ang simpleng paliwanag dito ng iba ay alternative sa bitcoin. Lahat ng coins maliban sa bitcoin ay matatawag na altcoin. Dahil ang bitcoin ay opensource , maraming altcoin ang na fork dito tulad ng LTC at Doge. At kahit ang Ethreum at Monero ay may sariling blockchain na hindi galing sa bitcoin. Matatawag pa rin silang altcoin kasi hindi sila Bitcoin as simple as that.
Token
Ngayon ano naman ang token?
Isa itong digital asset na pwedeng gamitin sa loob ng nasabing eco system sa isang project.
Ang magandang halimbawa dito ay ang BAT. Basic Attention Token. Obvious naman na isa itong crypto token.
Ang pag kakaiba ng coin sa token ay kinakailangan nito ng ibang blockchain platform para mag operate. Tulad ng Ethereum, maraming token ang binuo sa ethereum blockchain dahil na rin siguro sa smart contract nito. Ang mga tokens na gawa sa ethereum blockhain ay ERC-20 tokens. Like, Tether and Bat.
At ang iba pang cryptocurrency na nag ooffer ng tokens ay ang Neo at Waves.
Ang tokens ay hindi lang for payment purposes.
Karamihan sa mga tokens ay ginawa para gamitin ito sa mga dapps decentralized applications network. At tinatawag din itong utility token. Ang main purpose nito ay mag bigay rewards sa mga users ng project.
Katulad ng sa Basic Attention Token (BAT) para sa mga brave users. Ang goal ng project na ito ay irevolutionalized ang industriya ng advertising, sa pamamagitan ng pag bibigay ng rewards sa mga publishers at users sa tulong na rin ng mga advertisers. I have a different article about Basic Attention Token, click nyo lang dito kung gusto nyo ito alamin. Ang BAT ay isang uri ng ERC20 Token na tumatakbo sa etheruem blockchain.
Mayroon din tinatawag na security token, ito ay nag rerepresent sa mga investment project. Normally ang security token ay kailangan sumunod sa mga regulatory procedure tulad ng KYC at AML. May kaperahas na functionality ito ng traditional security ang kaibahan nga lang kasi ang ownership nito ay nacoconfirmed sa blockchain transaction.
Digital Currencies and Virtual currencies
Simple lamang ang explanation dito kapag sinabing digital currency, ito yung lahat ng uri ng pera na ginagamit natin electronically ay matatawag na digital currency. Ang idea na ito ay nagsimula noong 1983 sa research paper ni David Chaum, na nag implement sa uri ng Digicash. Kaya ang ibig sabihin ang Coin, Token, Virtual currencies ay mga uri ng Digital currencies.
Pero may pagkakaiba lamang kapag sinabing virtual currencies, nababasa ko kasi sa ibang article na ginagamit ito pamalit instead of cryptocurrencies. Although, it is a form of digital mayroon pa ring kaunting pag kakaiba.
Ayon sa European central bank na unang nag bigay sa definition ng virtual currency noong 2012.
Ang virtual currency ay isang uri ng digital money na nasa unregulated environment, na ibinibigay at kinocontrol ng mga developers. Ginagamit ito as a form of payment ng mga members sa isang virtual community. Ito yung mga pera na integrated sa mga video games, at nag eexist lamang sa isang particular games.
Mga common term lang naman ito na ginagamit natin sa crypto world, mas maiintindihan kasi natin ang mga bagay bagay kung mayroon tayong kaunting idea sa mga terminology na nababasa at nakikita natin— para hindi tayo malilito.