Sabi nga nila margin trading is not recommended for newbies. Pero marami pa ring mga baguhan sa trading ang gustong pasukin ito, although, kahit na nangangapa pa din sila sa basic concept nang trading.
For the benefit of the doubt, let’s jump into margin trading.
Alamin natin ang basic idea sa margin trading, and make a decision kung gusto ba natin itong pasukin.
What is a margin trading?
Ito yung paraan ng pag hiram nang karadagang funds bukod sa initial deposit para ipang trade sa exchanges. Sa madaling salita sa margin trading dahil sa nahiram na additional funds bukod sa initial deposit. Magbibigay ito ng increase sa buying power to make a substantial profits, pero in every high reward there is a high risk included.
Halimbawa ang initial deposit mo ay sabihin na nating PHP 5,000. At mag leleverage ka nang 4:1 ratio para makahiram ka nang PHP 15,000. So ngayon mayroon ka nang buying power na PHP 20,000. Mas malaki ang magiging profit mo kasi mas malaki na ang kapital na gagamitin mo.
Ang problema lang sa ganito ay kailangan mong bayadan ang hiniram mo na pera na PHP 15,000 plus fees and interest. Whether you lose or win the trade. Ang pera na nahiram mo ay pwedeng galing sa exchanges or traders na willing mag pahiram para kumita ng interest. In shors, pwede kang himiram ng pera pero hindi mo ito pwedeng ipatalo.
Ano ang mangyayari kapag hindi umayon sayo ang trade?
You will lose your initial funds. Kapag na hit mo na ang price kung saan tatamaan na ang hiniram mong pera dito na papasok ang “call in”. Hindi hahayaan ng exchanges na matalo ang pinahiram nilang pera sayo. Ibabalik mo ito with fees and interest, whether you like it or not.
Ang margin call can be prevented kung mag dadagdag ka ulit ng pera sa initial funds mo.
Bawat exchanges ay may iba’t ibang leveraging options (2:1,4:1, 100:1 etc.)
Kapag mas mataas na leverage ang kinuha mo, mas mabibilis ka din matatalo.
Halimbawa, ang margin leverage na kinuha mo ay 4:1 ratio and you bet a long position, meaning nag eexpect ka na tataas ang value ng asset na ittrade mo.
Kapag bumagsak ito ng 25% sa entry point mo. Papasok ang margin call at walang matitira sa funds mo. Kung 8:1 leverage naman ang kukunin mo, mas mabilis ng dalawang beses ang marging called around 12.5%.
Sa margin trading mamimili ka kung short(you bet on a price going down) or long (you bet on a price going up).
What is a margin call?
Ito yung paraan ng automatic liquidation kapag ang user ay wala ng enough funds or ang balance ay bumagsak na below maintenance margin requirements.
Ang exchange ay may options na iliquidate na agad ang funds or simply ask the user na dagdagan ang deposit to avoid automatic liquidation.
Karamihan sa mga margin trades ay may time limits, automatically masesettled ang trade mo kapag hindi mo ito maiexecute sa napagkasunduang oras.
Should I do margin trading?
Katulad nga ng sinabi ko kanina, ang margin trading is not recommendable for beginners. Unless you are well versed in technical analysis and have at least years of experience in trading. Kung lagi kang talo sa normal trading scenario, what makes you think na kaya mong manalo sa margin trading?
Cyrptocurrency is risky and margin trading is risky, kapag pinag sama mo itong dalawa, gaano na kataas ang risk na kailangan mo ma maovercome?
Kumbaga sa bagong online game na nilalaro mo, mag uumpisa ka muna sa level 1 pataas, habang umaakyat ka ng level tumataas din ang difficulty ng laro. Hindi ka pwedeng tumalon agad sa level 50 at makipag sabayan sa mga Legendary. Ganito din sa trading, you should know the level of your expertise.