Trendline Trading Strategy (Tagalog)

Trendline trading

This is a simple trading strategy na magagamit natin sa kahit anong market in any time frames.

Napakasimple lang ng strategy na ito, at bagay ito sa mga beginner traders na medyo nahihirapan pa sa ibang mga trading strategy.

Always remember simplicity always beat complexity.

So how does it work?

Well, dalawa lang naman lagi ang nangyayari sa price action kapag tumatama sa trendline, it could bounce, or it could break it.

Ang strategy na gagamitin natin ay naka focus lang kung paano tayo mag tetrade, kapag nag bounce ang price sa trend line.

May ibang strategy para sa trendline break out, and I will cover that soon.

Sa ngayon, pag tsagaan nyo muna ito.

I expect na kahit papaano alam na natin mag draw ng trend line, pero para sa iba na hindi pa nakaka alam nito.

Hahanapin mo lang ang both peak and lows ng price action, at pag didikitin ito.
Kailangan at least 3 to 4 peak/lows ang mapagdudugtong natin, para masabi na valid ang trend lines na ginawa mo.

How to buy

If you want to put a long position, syempre gagawin mo ito sa uptrend market.

Now, tulad ng image na nakikita natin sa itaas, guguhit tayo ng upward trend line at pag dudugtungin natin ang mga dulo nito. Kapag uptrend ang market nagcoconsist ito ng several higher lows.

Kailangan makakita tayo ng at least dalawang higher lows pataas. Once na ma identify na natin ito, maghihintay tayo ngayon na ma hit ulit ng price ang trend line na ginuhit natin.

Pwede kang mag set ng buy order mismo sa trend line or sa mas mataas nang kaunti dito.

And make sure to put a stop loss sa ilalim ng buy order mo.

Ang magiging exit target natin ay yung sa previous swing high, na possible mag act as a resistance.

How to sell

Gagawin natin ito sa downward market na pwede tayo mag lagay ng short position.

Ngayon guguhit tayo ng downward trendlines, at pagdudugtungin ang mga lower highs.

Kailngan mag consist ito ng 2 lower highs pataas. Katulad din ng ginawa natin kanina ang direction nga lang ay opposite.

Mag hihintay tayo na tumama ulit ang price sa trend line natin.

We can put a a sell order on the trend line itself or ipwesto natin ito ng mas mababa.

Ang stop loss natin nakalagay higher above sa entry point natin.

Ang profit target naman natin dito ay sa previous swing low ng price.

Tips

You can use trailing stops kung gusto mong mag ride sa trend to maximize returns. O kaya you can close half of your position sa profit target mo and let others run with the trend.

Ang strategy na ito ay base on price action only, wala kang ibang indicator na gagamitin dito.
Kaya nga napaka simple lang nito.

A better way to trade this ay kapag sinamahan mo ng candlestick reversal

Bullish

Bearish

Ang mga price action na ito ay makatutulong sa pag pasok mo sa trade as a confirmation na tama ang iyong assumption.

Of course, there is no perfect strategy. May mga pag kakataon na hindi ito papabor sa assumption mo,—and you have to always be ready.

Minsan, hindi umaabot sa trend line ang price or minsan naman it will break the trend and then bounce back. Pero all in all, this is a great strategy.

1 thought on “Trendline Trading Strategy (Tagalog)”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart