Bukod sa pullback, may isa pang mabisang paraan para tayo mag enter sa trade, at ito yung break out.
Maraming breakout trading strategy tulad ng breakout sa support and resistance, break out sa moving average, etc. But in this article, mag fofocus tayo sa trendline breakout.
Ang nangyayari kasi kapag nagkakaroon ng breakout sa trend mapa uptrend man or downtrend. It could indicate a possible trend reversal.
Sa madaling salita, kapag na break ang trendline na ginuhit mo sa downtrend market palatandaan ito for a possible trend reversal. Pwede tayo mag expect na pataas na ang trend nang market, and we can enter a long position.
Same thing, kapag na break ang trendline na ginuhit mo sa uptrend market, this could be a sign of trend reversal at pwede tayo mag expect na pababa na ang trend ng market, and we can enter a short position.
Ang strategy na ito ay magagamit sa lahat ng time frame.
I expect na alam mo ng kung paano gumuhit ng trendline. Pero kung sakaling hindi pa. Let me give you a quick guide kung paano ito ginagawa.
Sa downtrend, para masabi natin na valid ang trendline na gagawin mo. Kailangan at least dalawang lower swing high ang mapag dudugtong gamit ang trend line.
Sa uptrend market naman, kailangan makakita tayo ng at least dalawang higher low sa ilalim, at pagdudugtungin natin ito gamit ang trend line.
Long position
Kailangan maghanap tayo ng market na nasa downward trend at icoconnect natin paibaba ang mga dulo nito sa itaas. Kailangan at least dalawa or higit pa.
Ngayon, hihintayin natin ma break ang trend line, at mag intersect ang candlestick sa line. This could be a possible trend reversal.
Pwede tayong mag lagay ng buy limit order nang mas mataas ng kaunti sa break out.
Ang Stop loss naman ay ilalagay natin sa ilalim ng entry point.
Ang profit target natin dapat may distansya nang mas malayo sa entry point. Pwede natin iconsider na mag lagay ng profit target sa resistance level.
Short position
Opposite lang naman ang set up dito, hahanap tayo ng uptrend market at icoconnect natin ang mga dulo nito sa ilalim. Kailangan at least dalawa or higit pa.
Mag hihintay tayo ngayon na ma break ang trendline na ginawa natin.
Once na ma break ang trend line at nag intersect ang candlestick sa line, it could be a possible trend reversal.
Pwede na tayong mag lagay ng short position, it means ang expectation natin ay pababa.
Maglalagay naman tayo ng stop loss sa ibabaw ng entry point natin.
Tips
Kapag pumabor sayo ang trade, yung tipong napansin mo na hindi agad ito mag rereversed. You may try to use a trailing stop instead. Para mamaximize natin ang profit, at maprotektahan din natin ang possible profit, kung sakaling magkaroon ng trend reversal.
Kapag nagkaroon ng break out with a long candlestick, normally hindi mo na yan mahahabol. Huwag muna pilitin na mag trade gamit ang strategy na ito, kapag mahaba ang candlestick, mas malayo din ang position mo ng stop loss.
Pwede kang gumamit ng ibang strategy, tulad ng pullback trading strategy or abcd chart pattern strategy.
Babala
Walang perfect strategy kaya kailangan pa rin mag ingat. Lalo na sa ganitong strategy madalas nangyayari ang false break out. It means nag karoon ng break out pero hindi natuloy at ang resulta you are being stopped out.
All in all, this is one of the best simple price action strategy na ginagamit ng mga professional traders.
Sa trading hindi mo kailangan maging pinaka magaling, kailangan mo lang maging consistent. A simple strategy can make you a better trader.
If you like this article, you may share it with your friends na gusto matuto mag trade in a simple way.
Maraming mga trading strategy pa ang ilalabas sa Altcoinpinoy. Remeber in trading, always keep it simple.