Trading Range Breakouts(Explained Tagalog)

Ang trading range ay mas madalas na nagaganap kesa sa trend.

Ang market ay parang isang auction na may dalawang participants, buyers, and sellers.

They will be motivated to buy or sell. Depende sa market behavior at price movement.

At higit sa lahat ang pinaka nakaka apekto sa kanilang pagdedesisyon ay ang kanya kanya nilang paniniwala.

Kaya mapapansin natin ang market hindi ito tumatakbo ng diretso. Hindi laging paitaas at paibaba.

It moves randomly depende sa desisyon ng nakararami.

So bakit nabubuo ang trend?

Dahil sa mismatch or imbalance ng mga participants.

Kapag ang price ng market at tumataas, it means buyers are in control.

Mas maraming bumibili kaysa nag bebenta.

People are optimistic, they have positive views on the market.

Kapag naman ang price ng market ay bumababa.

It means mas marami ang nagbebenta and sellers are in control.

Mas nangingibabaw ang takot sa market, people are pessimistic they have negative views on the market.

It’s a simple market emotion of fear and greed.

Ito ang lumilikha ng trend at ng imbalance sa kahit anong market.

Now, ano ang nangyayari kapag balanse naman ang takbo ng market?

Ibig sabihin walang nangingibabaw sa pagitan ng buyers at sellers.

Pantay lang ang lakas ng dalawa.

Dito na papasok ang trading ranges.

Sa hindi malamang kadahilanan kung bakit ang buyers at sellers ay temporarily nagiging patas sa lakas.

Parang give and take ang nangyayari, kapag may nagbenta siguradong may bibili. Patas ang supply at demand.

Kaya ang nagiging galaw ng market ay sideways.

Gusto kung pag usapan natin ang pagiging balanse ng market, at kung bakit ito mahalaga.

Pero ano ano ba ang mga bagay na nagiging dahilan kung bakit ang market ay nagiging balanse?

Maraming mga dahilan pero ang pinaka common ay ang dalawang ito.

After a large directional move

Alam ng lahat na ang market ay hindi puro paitaas at puro paibaba lang.

Pagkatapos ng downtrend and uptrend, magpapahinga muna ito.

Kaya mayroong tinatawag na distribution at accumulation stage.

Before a highly anticipated announcement

Ang mga big announcement ay nagdudulot nang pagbabago sa takbo ng market.

Kapag ang mga tao ay nag eexpect nang isang malaking announcement at ang maaring maging epekto nito ay positive or negative.

Karamihan sa mga traders ay maghihintay muna dito. Tendency walang masyadong nag tetrade that would result in range movement ng market.

Kung ang isang trader ay mabilis na maaidentify kung kailan at bakit nagsimula ang trading range ng market.

Makapagbibigay ito sa kanya ng advantage kung ititigil nya ba muna ang pag tetrade or kung kailan sya ulit papasok sa trade.

Break of balance

Ang pagiging balanse ng market ay hindi pang habang buhay. Ang pinaka importanteng factor dito ay ang pagkabasag nito.

The balance should be broken.

And something must have changed.

Active man ang buyers and sellers sa sideways movement ng market, may matatalo at matatalo pa rin dito. It’s a zero-sum game, kapag may nanalo may natalong trader sa kabilang side.

Break out of balance in 3 ways

Lack of follow-through

trading range

May mga pagkakataon na nagkakaroon ng breakout, pero mahina.

Hindi masyadong aggresibo ang mga participants, na ang nangyayari  pagkatapos ng breakout na mahina, magfoform ulit ito ng trading ranges.

Gaya ng example image na nakikita natin sa itaas.

Break with conviction

trading range

Ito naman  ang nangyayari na breakout kapag ang isang coin or asset ay nanatili ng matagal na panahon sa trading in ranges.

Mag reresulta ito sa explosion. Ang magandang halimbawa ang image na nakikita natin sa itaas, although, paitaas ang breakout na nangyari, pero pwede rin ito mangyari paibaba.

It could be a long green/red candlestick or hindi masyadong mahahaba candle pero marami.

Break and reverse

trading range

Nangyayari naman ito dahil sa lack of participation could be considered as a false breakout.

So ano ang maitutulong nito sayo as a trader?

1. You can trade break out or break of balance.

2. Dagdag kaalaman sa iyong trading strategy.

Kapag alam mong maidentify ang pagiging balanse ng market sa una pa lang.

Mamomonitor mo ang galaw nito as it moves to imbalance.

Na makakatulong sayo to position on the right side of the market.

If you are not someone who trade breakouts, makakatulong pa rin ang mga information na ito sayo, dahil magkakaroon ka ng idea sa galaw ng market na magagamit mo sa iyong trading strategy.

In the end, ang break of balance ay isang pangyayari na makakapag bigay sa atin ng impormasyon na magagamit natin sa trading.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart