Pag usapan natin ang isa sa pinaka underrated sa isang trading plan.
Ang trading exit strategy.
Karamihan ng mga traders walang exit strategy.
But for sure, mayroon silang entry strategy.
Bakit mahalaga na bago ka pumasok sa trade ay alam mo na dapat ang exit point mo?
Kapag may entry point laging may exit point.
Kapag pumasok ka nga sa isang lugar at hindi mo alam ang exit point mahihirapan kang lumabas.
Magtatanong tanong ka pa.
Parang yung mga traders na kakilala mo na nag popost sa mga group.
Take profit na ba ako? Closed ko na ba position ko laki na nang talo ko eh?
Hold ko na lang ba muna?
Hindi nila alam kung ano ang gagawin kasi—sa simula pa lang wala silang plano.
Kaya I would suggest. Before you enter a trade, make sure to have an exit strategy.
Dalawang bagay lang naman ang kailangan mo iconsider sa exit strategy mo
1. Kapag hindi pumabor sayo ang trade position mo hangang saan ang kaya mo na ipatalo? Stop-loss location.
2. Kapag pumabor sayo ang position mo saan ka lalabas para mag take ng profit? Profit target.
Ang mga plano na ito ay makakatulong bago ka pumasok sa trade para hindi naman maubos ang kapital mo sa isang trade lamang.
Itatanong mo din sa sarili mo kung anong klaseng kang trader
Closed all positions within the day, tight stop loss.
Swing trader
Open position may take several days, wide stop loss.
Position trader
Open position may take more than a month, much wider stop loss 20% drawdowns will be acceptable.
Don’t be like other traders na tinatawag ang sarili na day trader, pero nag hoghohold ng position kapag ang trade ay hindi pumabor sa kanila.
Sila yung mga emotional traders na walang trading strategy. Nag tetrade sila base sa kanilang emotion at hallucination.
Always trade what you see, not what you think.
Anyway, ano ba ang pinaka mabisang paraan sa pag exit sa isang trade?
Ito yung mga sign na kailangan na natin mag take ng profit or to accept losses.
Parabolic price moves
Failure test
Trading bands
Trailing stop.
Let me further explain
Parabolic price moves
Madalas itong nangyayari sa bitcoin.
Yung sudden rush of buying and selling na nag reresulta sa extreme price movements.
Ang ganitong pangyayari ay hindi nag tatagal, at mag rereversed din right away.
Gamit ang ATR(Average true range) indicator masusukat natin ang taas ng volatility.
Kapag tumataas ang volatility ng sobra don’t expect too much. Babagsak din ito kasama ang price.
So you better exit first, bago ito mangyari.
Failure test Price action
Ang strategy na ito ay hindi madaling gawin, sa tingin ko kinakailangan ito ng maraming experienced sa pag tetrade ng price action.
Kasi pwede mong mamisinterpret ang failure test sa build up.
Ang nangyayari sa failure test, ay makailang ulit na tinatangka ng price na ibreak ang resistance pero bigo pa rin ito—na nag reresulta sa lack of enthusiasm ng mga buyers na itulak paitaas ang price.
And it would result in a downtrend.
Trading bands
Isa sa mga popular na indicator na ginagamit ng mga traders ay ang trading bands. They commonly used it for entry and exit points.
But in this case, I will give you a different flavor, kung paano umexit sa isang trade sa market na nagpapakita ng extreme moves.
Maraming trading bands indicator pero I would prefer Keltner channel
na may mas objective and consistent measure pagdating sa extreme moves.
Kapag na break ng price ang upper and lower level, bands.
Sabihin natin na pumasok ka sa trade kasi nakita mo na may nabuo na bull flag pattern, and you put a long position. At tama ang assumption mo the price shoots up.
Pero the price breaks the upper band so ano ang gagawin mo?
Hahayaan mo lang or icoclosed mo yung trade?
You closed the trade. As simple as that.
Maaring ma extends ang uptrend and you will miss more profits.
That’s is fine nangyayari talaga yun.
Kaya kailangan mo talaga imonitor ang strategy na gagamitin mo dito, pwede kang mag isip at dagdagan ang strategy mo sa trading bands at gawing kumplikado ang lahat.
Pero always remembers the more complex you make the rules, the more you risk being inconsistent and ineffective.
Trailing stop
Ito ang pinaka underrated na exit strategy. Ang trailing stop.
Para sa mga hindi nakaka alam, ito yung simpleng strategy na pag lalagay ng initial stop loss.
Kapag ang price ay pumabor sayo—let say you put a long position.
Kasi iniisip mo na tataas ang price ng coin at nangyari nga ito.
From the original position of your stop loss, iaadjust mo ito paitaas pwedeng sa entry point mo, or sa lugar kung saan hindi ito maabot kapag nagkaroon ng slight pullback.
Bakit maganda ang strategy na ito?
Kasi you can maximize your profits by letting your profits run.
Low risk, high reward.
Sa pag gamit ng trailing stop ang target profit is always unknown. Hindi mo alam kung hangang saan ang itatakbo ng market.
Pero you should always know your risk limit.
Conclusion
Mga simpleng bagay lang naman ito kung paano tayo umexit sa trade.
Maaring alam nyo na ito at maaring hindi.
Pero I think marami pa rin ang hindi nakaka alam nito, kaya naman I created this article for you.
Makakatulong ito sa inyo lalo na sa pag gawa ng sarili nyong trading plan.
Kung may bago kayo natutunan, I would appreciate it if you can share this article with your friends and people who want to learn how to trade.
Happy trading!