Isa sa pinaka importanteng skill na kailangan matutunan ng isang trader ay ma anticipate kung nasaan maaaring pumasok ang iba pang mga traders.
Kaya nga tayo gumagamit ng mga indicators para makatulong sa atin.
Ang problema lang sa karamihan ng mga indicators they are subjective.
Na maaring magbigay ng false signals about the market.
A proper reading of market structure will surely help you para malaman kung saan ba papasok ang mga traders.
In this article aalamin natin kung saan ba makikita ang traders action zone.
Kapag sinabing traders action zone, malaki ang posibilidad na sa area na ito papasok ang mga traders.
Sa totoo lang napaka simple lang nito, malamang ginagawa na ito nang iba, pero hindi lang nila alam.
Sa strategy na ito pwede tayong gumamit ng iba pang chart structures tulad ng support and resistance.
Pero in this article ang gagamitin kung example ay ang moving average.
I expect na mayroon ka nang idea how to use a moving average.
Kung bago ka palang basahin mo muna ang article ko about moving average.
Paano nga ulit natin ma determine ang pagbabago ng trend nang market gamit ang moving average?
Cross over!
Yes.
Masasabi natin na kapag nag karoon ng crossover sa dalawang moving average, it could be a sign of a possible trend reversal.
Pero ang tanong, mag eenter ka ba agad ng position kapag nangyari ito?
Imagine kung isa kang momentum traders, papasok ka agad sa trade base sa strength ng price action na nakikita mo sa chart.
Kung breakout traders ka naman, kapag nagkaroon ng breakout sa support and resistance or moving average you will enter a position.
Pero kung gusto mo mag enter sa trading action zone, hindi mo gagawin ang mga bagay na ito.
You have to wait, and be more disciplined.
Ang strategy na ito ay gumagamit ng mean reversion at hindi momentum.
Sa madaling salita, you wait for a pullback.
Hindi super-extended pullback, always remember locations matters in trading.
Kailangan ang pullback hindi lalagpas sa swing low.
In this strategy hindi ganoon ka taas ang risk factor ng entry point at mas madali itong imanage.
Let me explain a bit.
Ang example image na nakikita natin sa itaas ay pair ng ETH/BTC daily chart.
An example of a downtrend after the death cross.
Ito yung sign nang pagbabago ng trend from an uptrend to downtrend.
Yung ibang mga traders mag eenter na sila agad sa crossover pa lang for a short position.
Or yung iba naman sa weak momentum ng bull side base on price action.
They can make more money, kasi maaga sila nakapag enter, but high-risk approach.
Hindi lahat ng trade ay created equal, at hindi sa lahat ng pagkakataon ganyan ang nangyayri.
May mga pagkakataon na crossover can give you a false signal, at hindi mag papatuloy sa downtrend na inaasahan mo.
That could result in a stopped out and a losing trade.
At kung mag babase ka naman sa indicator tulad ng RSI na nakikita natin sa example image.
Oversold na diba?
Tendency ang mga traders ay bibili, kasi akala nila mag rereversed na.
Newbie traders will surely fall on this one.
Don’t rely too much on indicators.
Pero kung maghihintay ka muna at ifollow ang iyong trading plan, wait for the price action to reach the trading action zone area.
That would be low risk but high reward trade.
Tip
Sa strategy na ito mas importante na makapasok tayo sa trade sa first pullback.
Like for example after ng cross over ng moving average at nag bago ang trend. There will be a first pull back and you should consider entering a trade.
Mas malaki kasi ang chances na maging successful ang trade kung makakapag enter tayo sa first pullback.
Pero hindi ibig sabihin, na hindi na tayo pwede mag enter sa second or third pullback.
Pwede pa rin naman, pero mas maliit ang chance na maging successful unlike first pullback.
Ang strategy na ito ay mas naangkop sa swing trading. If you are a scalper or day trader, pwede nyo rin subukan, pero mas recommendable ito sa swing trading.
Kung may natutunan kayong bago sa article na ito, I would really appreciate if you can share this to your friends and people who want to learn how to trade.
Happy trading!