Search
Close this search box.

Trade With Your Eyes Open (Tagalog)

Why do you enter a trade?

What makes you think that you have an edge with your trade?

Napakasimpleng katanongan pero napakahirap sagutin.

Paano nga ba tayo pumapasok sa isang trade? Dahil gusto lang natin or sa tingin natin that this trade is profitable?

Pero paano mo nasabi na profitable nga ang trade na ito?

Kahit sinong trader professional man or newbie, they enter a trade, because they think that this is a winning trade.

They don’t enter a trade kung alam nilang alanganin or it will end up with a loss.

So kung ganoon ang expectation mo as a trader, you will enter a trade kasi mas mataaas ang chance  na this is a winning trade.

What if this trade will go against you what would you feel?

Will you accept it with open arms? Of course not!

Masakit matalo sa isang trade lalo na kung ang expectation mo ay malaki ang chance mong manalo.

Kaya ka nga nag antay nang matagal bago ka pumasok sa trade para makasigurado ka na you will win this trade. Pero at the end, you still loss.

Ano ang mararamdaman mo sa susunod na trade?

Makakaramdam ka ng takot na baka matalo ka nanaman and so on and so forth.

Ang ganitong sitwasyon ay  nangyayari sa kahit kaninong trader professional or newbie trader, depende na lang sa trader kung paano nila ito hinahandle.

Pero bakit nangyayari ang mga bagay na ito?

Because of our beliefs, ang paniniwala natin sa isang bagay. Ang mga bagay na pinaniniwalaan natin ang dahilan kung bakit tayo pumapasok sa isang trade.

Ang bawat traders ay may kanya kanyang paniniwala sa market. Kaya nga nag kakaroon ng labanan between bulls and bears, kasi ang magkabilang panig ay mag kaiba ng paniniwala.

Ang isa naniniwala na tataas ang price nang market. Ang isa naman ay naniniwala na bababa ang price ng market.

Uncertainty create trends.

Hindi natin alam ang magiging desisyon ng bawat traders na nagpaparticipate sa market sa mga oras na ito kasi may iba iba silang paniniwala sa mangyayari sa market.

Although, we are using technical analysis, to study the price patterns of the events from the past.

Hindi natin masasabi na pwede itong mangyari ulit sa kasalukuyan.

Bakit?

Kasi ang mga traders at investors na nagparticipate na mga panahon na iyon, ay iba sa mga traders at investors na nag paparticipate sa mga oras ngayon.

Upang maka tiyak tayo na ito ay mauulit uli ngayon, kailangan ang mga tao noon sa eksaktong oras at panahon ay magpaparticipate din sa oras ngayon at mag dedesisyon ng katulad ng ginawa nila noon.

Do you think it is possible?

No!

That is impossible.

Kaya walang sino man ang makakapag predict kung ano ang mangyayari sa hinaharap dahil sa random event na nangyayari.

So ano ang pinaglalaban ko dito?

Accept the responsibility of risk in every trade.

Kahit gaano ka kasigurado sa trade na gagawin mo, hindi ka dapat mag expect na mananalo ka.

Pwede kang matalo anytime, kasi hindi mo alam ang iniisip ng ibang traders at investors, na maaring maka apekto sa galaw ng market.

Hindi mo alam kung mayroong mga unexpected events na mangyayari. Kung may investor na nakaisip mag invest ng napakalaking pera sa oras ngayon, or may isang trader na kailangan mag withdraw ng account nya due to emergency, or may na hack na exchanges etc.

hindi natin mapepredict ang iniisip ng bawat tao sa mga oras ngayon, at ang mga pwedeng mangyari sa paligid natin.

So expect the unexpected.

Anything can happen. 

Sa market kahit ano pwedeng mangyari, napakadaming traders na trying hard at gusto ipredict ang market na wala naman talaga silang idea sa galaw nito.

Kapag nagkaroon ka ng paniniwala na anything can happen. Hindi mo tatangkain ipredict ang market.

Hindi ka maapektuhan ng mga predictions ng iba, news, events, at mga kung ano anong mga bagay na tumatakbo sa isip mo na gusto mo lang paniwalaan.

Kapag naniwala kang anything can happen. Hindi ka matatakot mag trade, kung natalo ka man sa trade mo ngayon hindi ka matatakot mag trade ulit sa susunod kasi anything can happen.

Kung sunod sunod naman ang winning trade mo hindi ka sasakupin ng euphoria or exitement na tipong masyado ka ng bilib sa sarili mo na mag reresulta sa trade na hindi pinag isipan. Kasi you believe that anything can happen, and you always be careful about your trade.

Kailangan mo mag trade kung ano yung nakikita mo ngayon, hindi kung ano ang gusto mong makita at mangyari sa trade.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart