Kung nag hahanap ka nang mapag lalagyan ng bitcoin mo gamit ang iyong android phone. Well, ito ang tamang lugar para alamin kung ano ang pinaka the best na option para sa iyong bitcoin.
Napaka daming bitcoin wallet at cryptocurrency wallet na nag kalat sa playstore at hindi natin masabi kung alin ba dito ang talagang secured.
Karamihan sa atin mas pinipili na ilagay ang ating mga bitcoin sa mobile wallet, mas convenient nga naman itong gamitin lalo na’t ang mobile phone ay ginagamit natin sa pang araw araw na pamumuhay.
Pero and downside ng pag gamit nang mobile wallets ay vulnerable ito sa network attack. Kasi ito ay tinatawag din na hot wallet.
If you want to know more about hot wallet and cold wallet you can click this.
Kaya naman gumawa ako ng reviews at comparison para mag karoon tayo ng idea kung alin ba dito ang angkop sa ating personalidad. Kasi mayroon silang kanya kanyang advantages at disadvantages.
Coins.ph
Isa sa pinaka popular na bitcoin wallet sa Pilipinas. Napaka dali nitong gamitin at hindi mo na kailangan ng credit card or debit card para makabili ka ng bitcoin.
Ang pinaka madaling way para mag cash-in ka dito ay sa 7-Eleven gamit ang Clicq Kiosk. Once na makapag cash in ka na, marereceived mo agad ito sa coins.ph wallet mo. May ibang options ka din para mag cash in tulad ng Cebuana, Mlhuillier, or Gcash etc.
Kung wala ka pang account pwede ka mag Sign up dito.
Pros:
1. Kinikilala ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
2. Mabilis lang mag convert from BTC to PHP and vice versa.
3. Pag cash in sa 7-eleven, kahit saang kanto mayroong 7-eleven so hindi pahirapan bumili ng bitcoin
kung kailangan mo.
4.No need bank account.
Cons:
1. Higher fees
2. KYC (Know Your Customer)
Kailangan mo mag provide ng mga information katulad ng address, source of income etc. Kung magagawa mo mag Level 2 pataas much better, mas marami kang mauunlock na features.
Abra
Ang Abra ay isang cryptocurrency and fiat currency wallet. Mayroon itong 28 cryptocurrencies and support over 50 fiat currencies.
Isa din sa mga safe na cryptocurrency wallet, dahil ito ay peer-to-peer. Walang middle man or third party na may control. Ikaw ang mag mamanage nang funds mo every transaction.
Walang access ang Abra sa funds mo kasi nga ito ay non-custodial wallet. Kamakailan lamang ay inintroduce ng Abra ang Stock at ETF investing.
Maaari ka lamang mag cash in sa pamamagitan ng bank transfer, abra teller, visa or master card. Or kung mayroon ka nang bitcoin sa ibang wallet.
Ang isa sa pinaka madaling paraan nang pag cacash in dito sa Pilipinas ay ang pag gamit ng union bank account. Magtatagal lamang ang entire process ng 1-2 business days. Pwede ka rin mag deposito gamit ang abra teller sa Tambunting pawnshop.
Sa ngayon yan pa lang ang supported dito.
You can Sign up here and start using abra.
More detailed explanation about abra click mo lang ito.
Pros:
1. Pwede sa money transfer app
2. Buy and sell and transfer gamit lang phone, kahit nasaan ka pa.
3. All in one exchange and wallet.
Cons:
1. Verification is required kapag gusto mo mag deposit at mag withdraw ng funds.
2. More of a trading platform than a wallet.
Coinomi
Isa din na respetadong secure cryptocurrency wallet ang Coinomi na nag ooffer din ng exchange capabilities within the app.
Security and privacy focused and wallet na ito. Kaya naman walang KYC registration process dito.
Ang Coinomi ay isa sa mga most powerful multi-coin wallets on the market. Maraming iba’t ibang cryptocoins kang makikita dito almost 278 altcoins available.
Ang paraan nang pag deposito sa coinomi ay dumadaan sa isang third party services na matatagpuan mo rin naman sa application nila.
Kung gusto mo itry si Coinami Download mo lang dito.
Pros:
1. Madaling gamitin
2. Huge altcoin support
3. Exchange capabilities
Cons:
1. Hindi open source
2. Walang fiat currency withdrawal

Coinbase
One of the most popular bitcoin wallet, bitcoin broker at cryptocurrency exchange sa buong mundo. Kaya lang, ang trading features nito ay hindi pa available sa bansa natin.
Sa coinbase pwede ka mag deposit sa pamamagitan ng credit card at debit cards. Pwede din ang wire transfer for selected countries only.
Sinasabi din na ang coinbase wallet ang pinaka secure, kumpara sa ibang online wallet sa market. Ginagamitan ito ng makabagong teknolohiya to secure the platform, at hindi lang nila basta basta hinahawakan ang bitcoin mo, nakalagay ito sa Coinbase vault na protektado nang multiple approvers.
Mag Sign up ka lang sa Coinbase para ma experience mo kung gaano ito ka user friendly.
Pros:
1- Easy to use for beginners.
2. Isa sa pinaka popular na cryptocurrency exchanges, high liquidity.
3. Instant buy feature available.
Cons:
1.Payment limited lang sa credit/debit card.
2.Monitor nila ang account mo.
3.Exchange hindi pa available sa pilipinas.
Marami pang ibang bitcoin wallet na available sa market. Pero ang apat na ito ang pinaka the best na options para sa mga beginners. Nasa iyo naman yan kung alin ang mas komportable kang gamitin. Kung hindi mo pa natry gamitin ang alin sa mga nabangit, mas mabuting ma experience mo muna ito personaly. At saka mo masasabi kung alin dito ang pinaka the best na wallet base sa iyong pag gamit at pangangailangan.