Three Black Crows Trading Strategy (tagalog)

Three black crows altcoinpinoy

Kung mahilig kang mag basa ng mga books or articles about trading, siguro pamilyar ka na sa three black crows.

At ang laging sinasabi na ito ay bearish reversal candlestick. Pero ang hindi nila alam, magagamit din ito as a bullish reversal candlestick.

In this article, aalamin natin kung bakit hindi lang ito for bearish reversal, at pwede din ito for bullish reversal.

So what is three black crows?

Ito ay binubuo ng tatlong magkakasunod na bearish candle paibaba, at halos wala tayong makikitang wick dito, normally  mas mahaba ang body nito.

Ang normal na reaction ng isang trader, na may kaunting kaalaman sa candlestick formation kapag nakakita sila nito sa chart.

This is bearish signal and I will go ahead and short it.

Well, that is not a really good idea.

Why?

Paano kung nabuo ang three black crows papalapit sa isang major support level? Are you still going to short it?

Mas mahalaga pa rin tingnan ang kabuuang context ng market kaysa mangaling ang desisyon natin sa candlestick alone.

Let say for example, ang market ay nakaranas ng mahaba habang downtrend at nag form ito ng three black crows malapit sa isang major support level. Mas mataas ang chance na ito ay mag bounce at mag karoon ng reversal kaysa mag patuloy ito sa pag baba.

Pero Kung gusto mo talaga ishort ang ganitong scenario, pwede naman, you just need to wait for the support to be broken and act as a resistance.

The point is, hindi sa lahat ng pagkakataon bearish reversal ang ibig sabihin ng three black crows. Naka depende ito sa position kung saan naka pwesto ang candlestick.

Uptrend

Maari tayong mag enter ng long position kapag ang three black crows ay naka position malapit sa support levels, trendline fibonacci levels.

Mas mainam itong gawing kapag ang market ay nasa ibabaw ng 200 Moving average, just to make sure na nasa uptrend ang market.

Kung titingnan nating mabuti ang example image sa itaas, although, makakakita tayo ng multiple three black crows na sinasabi ng karamihan ay bearish signal. At kung masunurin ka at mag lalagay ka ng short position dito.

Good luck!

Kaya napaka importanteng tingnan muna kung saan naka pwesto ang three black crows.

Kung alam mung uptrend ang takbo ng market, you should always look for a long position.

Downtrend

Dito naman we can enter a short position, kung ang three black crows ay nakaposition malapit sa resistance levels, trendline or fibonacci levels. Ang market dapat nasa downtrend, or nasa ilalim ng 200 Moving average ang price action.

Tingnan nyo kung paano na reject ang price ng tumama ito sa resistance level sa example image sa itaas. Bumuo ito ng three black crows na nagresulta sa down trend ng market, kung makakakita tayo ng ganito sa market kung saan tayo nag tetrade, we can consider a short position.

Just remember kailangan nasa downtrend market tayo.

Take note, ang strategy na ito ay mas magandang gamitin sa trending market, and not so good in trading ranges market.

Katulad din ng ibang mga chart pattern at trading strategy mas working ito sa higher time frame, pero magagamit din naman sa intraday.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart