Ang hull moving average ay isang uri ng indicator na magagamit natin as a trading tool.
Hindi nga lang ito ganoon ka sikat tulad ng Simple moving average at Exponential moving average.
Ito ay dinevelop ni Allan Hull na may layunin na pabilisin ang pag react ng indicator sa price action.
They called it an extremely fast and smooth moving average indicator.
Hindi katulad ng simple moving average, na kilala sa pagiging laggish indicator. Na maaaring mag bigay ng false price signal kapag ang price action ay masyadong mabilis.
Ang hull moving average ay mas mabilis mag react sa price, kumpara sa Exponential moving average.
Ginawa ito para maimproved ang kakulangan ng dalawa, to be much more faster, while maintaining the smoothness.
Makikita ang hull moving average sa mga trading platform tulad ng tradingview.
How to use it on a trade?
Dahil nga ito ay isang uri din ng moving average ang paraan ng pag gamit nito ay halos parehas lamang.
Change of slope
Sa moving average masasabi natin na possible mag uptrend tayo kapag ang price ay umibabaw sa moving average. Applicable din ito sa hull moving average at dahil mabilis ito mag react sa price action, makapag bibigay ito ng early sign of a possible trend changes.
Sa downtrend halos kabalikataran lang ng sa uptrend, pagkatapos ng cross over between price and moving average, makakakita tayo ng change of slope at ang moving average ay naka point na paibaba for a possible downtrend.
Hull moving average vs Exponential moving average
Cross overs
Exponential moving average crossover
Hull moving average crossover
Katulad din ng ibang moving average, ang hull moving average ay nagbibigay din sa atin ng signal kung ang market ay bearish or bullish sa pamamagitan ng crossovers.
Ang pinaka popular na crossover na nangyayari sa moving average ay ang Golden cross ( Ang 50 moving average ay pumaibabaw sa 200 moving average) a bullish signal. At ang Death cross (Ang 50 moving average ay pumailalim sa 200 moving average) a bearish signal.
Gumawa ako ng comparison between EMA and HMA pagdating sa crossovers. I used both 50 and 200 days moving average.
Daily chart ulit ito ng bitcoin.
Ngayon sabihin natin na may dalawang trader na pumasok sa trade na ito, parehas nilang sinubay bayan ang daily bitcoin chart, parehas sila ng strategy long term trading. Ang tanging pinagkaiba lang ay si trader 1 gumamit ng Exponential moving average, at si trader 2 gumamit ng Hull moving average.
Gagamitin nila ang moving average as an indicator for them to put a long position. Golden cross for entry point and Death cross for an exit point.
Base sa image na nakikita nyo sa itaas, sino ang mas profitable?
Well, its obvious, si trader 2 ang mas profitable. Nakapag enter sya sa trade ng mas maaga before the uptrend, at nakapag exit sya sa trade ng mas maaga before the downtrend.
Samantala si trader 1 medyo late na ang pag pasok sa trade, at late na rin sya nakapag exit.
Anyway, may kanya kanyang katangian ang bawat indicator depende na rin ito sa strategy ng trader kung paano nila ito iaapply sa kanilang trading style. Hindi porke mabilis mag react sa price si hull moving average it means mas epektibo ito kaysa ibang moving average.
Ang strength ng hull moving average ay sya ring weakness nito, dahil sa bilis nito mag react sa price action, it could result also to a false signal
Depende pa rin ito sa takbo ng market, at sa trader na gumagamit.