May mga bagay na nakaka apekto kung bakit maraming hindi nagiging successful sa trading at maging sa investing. If you read hundreds of books about investing maraming mga experts ang nagsasabi na almost 90% of investor fails. At mas malala ang failure rate ng mga traders.
Natanong mo ba sa sarili mo kung bakit?
Dahil ito sa ating psychological issue na nakaka apekto sa ating behavior na mag desisyon rationally.
Ito yung mga cognitive bias na natural na nagiging reaction ng isang tao sa isang situation kung saan ang decision making na naaayon ay hindi nasusunod.
Kaya naman naniniwala ako sa 80% psychology and 20% methodology approach para maging successful sa isang bagay. Kahit gaano pa ka effective ang isang strategy at system na ginagamit ng isang tao, malabo pa rin syang mag wagi kung hindi nya kayang imanage ang mga psychological bias na natural sa isang individual.
Loss Aversion
Ang una sa lahat ang pinaka common na sakit ng mga traders ang loss aversion.
Ito yung unwillingness to accept loss. Sasabihin ni trader sa sarili nya na mag eexit sya agad sa trade, kapag na hit na yung stop loss or yung amount of money na kaya nyang ipatalo. Pero in reality mag dedecide si trader na ihold na lang ito. Kasi iniisip nya na hanggat hindi ito ibenebenta hindi pa rin sya talo.
Ayaw tangapin ni trader ang pag kakamali nya. Na mag reresulta sa failure sa pag follow sa mechanical trading system. Karamihan sa mga trader iniisip na kung ihohold lang nila ito pwede pang bumaliktad ang pangyayari at ang losing trade pwede pang maging winning trade.
At kaya naman most of trader fails, dahil na rin sa ganitong gawain. Ang loss aversion ay isang natural human tendency, pero ito ang dahilan kung bakit sila nabibigo sa trading, hangat hindi nila natutunan imanage ang kanilang psychological issue, paulit ulit lamang ito mangyayari. Hangang sumuko na lang sa pag tetrade ang isang trader.
Ginawa ko lang example ang trader dito, pero ang idea ay parehas lang na nangyayari sa investor.
Sunk Cost effect
Ito yung tendency na nangyayari kahit kanino hindi lang sa mga investors at traders. Ang sunk cost effect ay yung pag sunod or pag gawa sa isang bagay kahit hindi naman gusto or labag sa loob, kasi napa gastos na. Kaya nga may mga tao na tinatapos pa rin ang movies na pinapanood nila kahit ayaw nila sa palabas, uubusin ang pagkain kahit masama na ang lasa, itatago ang damit kahit hindi naman ginagamit. At ihohold ang isang investment kahit nalulugi na. Kasi nga naman napagastos na.
Kung iisipin mo normal naman ito sa tao. Pero ang mga ganitong behavior ay hindi maganda para sa mga investors at traders.
Kunyari naginvest ka sa isang coin sa pag aakala mo na aangat ang value nito. Medyo malaki ang nailabas mong pera sa coin na ito—kaya nga lang after ng mga ilang buwan at taon mababa pa rin ang value ng coin na hinahawakan mo.
Hindi katulad ng ibang mga coins na kaparehas naman nito na nagsi angatan na ang value. Imbes na icut mo yung losses mo at bumili ng ibang coins na sigurado naman na mag poprofit. Mag istay ka pa rin at hahawakan ang coin na binili mo. Hindi dahil may tiwala ka, dahil napagastos ka na dito.
Outcome Bias
Ito yung pag dedesisyon base lamang sa kinalabasan ng isang bagay. At hindi napapansin kung paano ito nangyari at nagawa.
Halimbawa, ang kaibigan mo ay nag invest sa isang hindi kilalang coin pero kumita sya ng 200% profit. At dahil na exite ka at ang nakikita mo lang ay yung resulta at profit. Nag invest ka din. Na hindi man lang inaalam kung anong uri ito ng coin at saan ito nag mula at kung ano ang purpose nito. Ang naging basehan nang desisyon mo ay yung outcome or yung profit.
Kaya marami na iscam na mga tao dahil na rin sa behavior na ito. Kapag may ipinakita sa kanilang proof of income galing sa ibang investors. Hindi nila mapigilan ang kanilang emosyon at mag desisyon base sa resulta na nangyari sa iba.
Recency Bias
Isa sa mga disastrous sa mindset ng traders ang recency bias. Ito yung tendency na pag bibigay importansya sa mga recent events na pangyayari. At ito ay magbibigay ng negatibong epekto sa isang trader.
Halimbawa, ang trade na nangyari kahapon ay mas mabigat ang epekto sayo kaysa sa mga trade na nangyari noong isang linggo.
Sabihin natin na tatlong araw ang sunod sunod na talo mo sa trade. Pero bago ito nangyari halos 2 weeks ang sunod sunod na panalo mo. Mas mabigat ang epekto sayo ng tatlong araw na pagkatalo recently, kaysa sa mga nakaraan mong panalo.
Ang mangyayari nito mag dududa ka sa strategy at system na ginagamit mo, matatakot ka ng mag trade ulit gamit ang system na ginagamit mo. Kahit alam mo sa sarili mo na winning trade na ang nasa harap mo.
Kung babaliktarin natin ang pangyayari, sunod sunod naman ang panalo mo ng tatlong araw. Ang magiging epekto nito sayo ay magiging positibo ang tinging mo sa market, feeling mo hero ka at ikaw na ang pinaka magaling na trader sa mundo. At makakalimutan mo ang mga talo mo noong mga nakaraang linggo. Ang tendency you feel Euphoric, and it will end up to bad decision making na mag enter ka na lang sa trade na hindi naman pasok sa system na ginagamit mo.
Anchoring effect
Ito yung tendency ng isang individual na mag desisyon base sa first impressions or sa initial perception nila sa isang bagay na walang kasiguradohan.
Ito ay nangyayari madalas sa araw-araw nating pamumuhay. Magbigay tayo ng halimbawa gamitin natin ang discount price ng isang produkto. Kung ang isang produkto ay binebenta ng PHP 100 at ang isa namang produkto ay may nakalagay na original price na PHP 150 pero ibinebenta sa discounted price na PHP 100. Normally ang pipiliin ng mga tao ay yung may discounted price. Kasi nag dedesisyon sila base sa original price nito.
Ganito rin ang nangyayari sa financial aspect. Ang mga investor ay bumibili nang isang asset base sa nakaraang price value nito.
Kaya naman nahihirapan silang ibenta ito, kasi kung ikukumpara sa dati nitong price mababa pa rin.
Nakakalimutan nila mag isip logically.
Ang epekto nito ay bad investment decision na mauuwi sa pag hohold nila ng isang asset ng napakatagal. At maiignored ang ibang undervalued investment while holding the overvalued investment for too long.
Disposition effect
Isa pang common behavior ng traders at investors ang disposition effect bias. Ito yung pangyayari na hindi nila ma realized ka agad ang losses and gains sa isang financial asset.
Base sa mga research na ginawa ng mga experts ang isang investor ay mas mabilis na narerealized ang gains sa kanyang investment kaysa sa kanyang losses. At dahil dito investors tend to hold on to losers, and sell the winners too early.
Imbes na ihold nila ang isang asset to maximize profit, they sell it early. At imbes naman na ibenta nila agad ang isang asset to minimize losses they hold it.
Ang paliwanag dito kung bakit nagiging ganito ang behavior ng mga investors at traders ay kapag nga naman binenta nila ang asset with a loss, parang inamin na rin nila ang pagkakamali nila.
At the same time, kapag naibenta nila ito kahit maliit ang gains, it means they are right. In other words, they seek pride.
Bandwagon effect
Isa sa common traits ng isang tao na sumakay sa kung ano man ang uso. Ang bandwagon effect ay ang tendency ng isang individual na magdesisyon base sa desisyon ng nakararami at hindi dahil sa individual own and better judgement.
Ito ay tinatawag din na herd behavior at nangyayari sa madaming aspeto ng pamumuhay politically, socially and economically.
Pero ang traits na ito ay napaka delikado sa financial world.
Ang magandang halimbawa dito ay ang hype ng bitcoin noong 2017. Maraming mga tao ang nag invest dito without knowing kung ano ba talaga ito. Alam lang nila na marami ang nag iinvest dito at ayaw nilang mag pahuli(FOMO). They made a desisyon based on the crowd(bandwagon effect). At ang pinaka huling bandwagon na sumampa sa pinakatuktok ang pinaka talo.
Conclusion
Ilan lamang yan sa mga common cognitive bias, na nangyayari sa bawat traders at investors, lalo na sa mga newbie. Ito ay natural na reaction ng isang individual, pero kung alam mo ang mga bagay na ito mas magiging aware ka sa mga desisyon na gagawin mo sa pag iinvest at sa pag tetrade. At maari mo itong makontrol at maiwasan.
Ang pag enter at pag exit sa trade ay base sa system at strategy na ginagamit mo. No emotion included.