The Indicator that Every Trader Should Know | VOLUME (Tagalog)

Sa dinami dami ng indicator na magagamit natin sa trading, isa sa hindi mawawala sa aking listahan ang volume.

Ang volume kasi ay nag rerepresent sa iba’t ibang interpretation ng crowd psychology. Kapag mayroon tayong better understanding about volume,  makakapag bigay ito sa atin nang mas matibay na ebidensya kung saan ang takbo ng market.

Ito ang isa sa mga basic na kailangan alam lahat ng mga  traders. Kapag may nakita kang professional trader na hindi alam gamitin ang volume. Stay away from that person RUN!

Isa sa pinaka importanteng bagay na dapat nating tandaan na ang principle ng volume ay laging sumasabay sa trend. Kapag tumataas ang trend ng market dapat tumataas ding ang direction ng volume, at kapag bumababa naman ang trend nang market, dapat bumababa ding ang direction ng volume.
At kung ganito ang makikita natin sa sa market, ito ay matatawag na normal cycle.

Volume Goes with the trend

Falling prices and contracting volume is normal. Rising prices and rising volume is normal.

Ang dami ng pera na pumapasok sa isang asset, ganoon din dapat ang equivalent na pera na lumalabas.
Dahil ang volume ay nasusukat sa degree of enthusiasm ng buyers at sellers. Kung maraming buyers mataas and demand syempre tataas ang value nang asset, at kung mas maraming sellers dahil sa FUD or bad news, ang price ng asset ay bababa.

Take note, kapag ang biglang taas ng price ng isang asset na hindi na confirmed ng volume, be careful kasi red flag ito at tanda ng possible reversal.

Rising prices and falling volume is Bearish

Kapag bumababa ang volume ng isang asset, nag iindicate ito ng technical weakness—
kung mas maraming negative divergence ang makikita sa chart, it means pahina ito ng pahina. Less enthusiasm sa buyer side, at kapag naubusan na nang powers ang mga buyers. Selling enthusiasm ang mangigibabaw.
Kapag ang new high price ay walang kaakibat na volume, masasabi natin na ito ay bearish sign.
Or kapag ang trend ng price ay tumataaas at ang volume ay bumabagsak ito ay abnormal situation. It will indicate a bearish signal.

Falling Prices and rising volume is bearish

Isa pang abnormal situation na nangyayari kapag ang price ay pababa at ang volume ay tumataas indication din ito na ang mga sellers ay mas marami kaysa sa mga buyers. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, minsan mga dalawa o tatlong bar lang ng volume ang tumataas at bigla itong babagsak. Pero ang kapansin pansin mag kaiba ang direction ng price at ng volume, at nangyayari ito madalas sa bear market.

Parabolic blow off

Ayun kay investopedia, ang parabolic blow off ay nangyayari  sa steep and rapid increase in a security price. Ito yung mabilis na pag taas ng price ng isang asset, nangyayari dito ang panic buying ng mga tao at mabilis din ang pag bagsak nito. Kasabay nito ang mabilis din na  pagtaas ng volume. Sa traditional market rare ang phenomenal na ito, pero sa bitcoin parang normal lang ito na pangyayari. Nakailang beses na nangyari ito sa bitcoin.

Kung titingnan natin ang image sa itaas 1 day chart yan ng bitcoin taong 2015. Mabilis ang pag angat ng price gayun din ang pag angat ng volume. At mabilis din ang pag bagsak nito, mag sisilbi itong warning sign sa mga traders sa nalalapit na trend reversal.

Selling climax

Ito naman yung kabaliktaran ng parabolic blow off, ito yung high volume decline na nangyayari kadalasan sa bear market at tapos mag rereversed ang trend. Ang price trend ay pababa at ang volume ay tumataas katulad ng nakikita natin sa image sa itaas. Chart pa din yan ng bitcoin bear market noong 2018, at mapapansin natin pag katapos ng selling climax unti unti ng nag reversed ang trend ng market.
Normally this is a bullish sign, lalo na kung ang susunod na volume dito ay mas mababa.

Rising volume on a downside break out is bearish

Nangyayari ito kung ang price pattern, trend line, or moving average ay ma break tapos may mataas na volume.
Syempre chart ulit yan ng bitcoin bull run noong 2017, kung titingnan nyo yung trend line na kulay blue pataas, na break ito ng bumagsak ang price ng bitcoin at kung titingnan natin ang volume sa ibaba ito ay pataas which is a bearish sign.

Churning is bearish

Nangyayari ito sa matagal na uptrend rally ng isang asset at ang volume nito ay patuloy na tumataas habang ang price ay nagiging stagnant. Indication ito ng isang bearish signal

Accumulation is bullish

Isa sa reliable na signal pagkatapos ng major low ay ang extremely heavy volume ng asset pero hindi masyadong nag babago ang price. Meaning ito ay nag aaccumulate at ito ay positive sign. This is a bullish signal.

Small rounding top and volume rounding bottom is bearish

Isa pa na abnormal situation kapag ang price pattern ay parang bumuo ng maliit na rounding top kagaya ng image sa itaas, at sa volume naman ay rounding bottom ito ay isang bearish signal. Habang nabubuo ito tumataas ang price ng asset at ang volume ay nag dedecline at kapag bumababa na ang price, tumataas naman ang volume which is katulad ng nabangit natin kanina mag kasalungat.

Exceptionally low volume is very bullish when confirmed by price and expanding volume.

Kapag nasa down trend ang market or kahit stagnant lang, at nakaranas ng sobrang babang volume ng may katagalan. Magiging bullish lamang ito kapag na break ang trend ng market kasabay nang magkakasunod na matataas na volume. Ang nakikita nyong image sa taas ay ang 1 day chart ng Litecoin from 2015 to 2017. Napakatagal ng accumulation ang nangyari dito, at napakababa ng volume, Ngunit ng ma break ang horizontal trend line nito, kasabay ng pag taas ng volume. Nag tuloy tuloy ito sa pag angat.

Exceptionally low volume is very Bearish when confirmed by price and expanding volume

Kabaliktaran naman ng example kanina, kapag ang extermely low volume ay nangyari sa uptrend  or sa stagnant market, at na break ang trend  mag reresult ito nang decline—  kasabay ng matataas na volume is a bearish signal. Yang nakikita nating image sa itaas ang beark market ng bitcoin noong 2018. Ginamit ko na rin ito as an example kanina sa selling climax. Mapapansin natin kung paano nag decline ang volume nito at naging extermely low bago ang massive down trend. Kasabay naman nito ang pag taas ng volume.

Conclusion

Katulad din nang iba pang mga indicator, There is no guarantee na ito ay mag wowork 100 percent. Pero kapag sinamahan mo ito ng iba pang price charactheristics at pattern, interpretation, trend line violaition, moving average cross overs, makakapag patibay ito ng probabilities na ito ay mag work sa panig mo. Ang mga ginamit ko na image dito ay gawa ko lang at ang iba naman ay galing sa mga libro nila Martin j. Pring at Jack schwager inedit ko lang ng kaunti para mas maintindihan. At ang ibang information syempre galing sa internet.

Read more:

Support and resistance
Divergence

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart