The Easiest Way to Earn FREE Bitcoin (tagalog)

earn bitcoin

Sagutin natin ang tanong nang karamihan kung paano ba makakakuha nang bitcoin for FREE!
Is there a way na hindi mo na kailangan mag invest para lang mag-karoon ka nang bitcoin? The answer is “Yes.”

Naiintindihan ko naman na mahirap mag invest sa isang bagay na hindi mo alam, or hindi ka pa masyadong pamilyar. Lalo na’t kung wala ka namang pang invest or isa ka lamang internet users na nag hahanap nang pag kakakitaan sa internet. At nalaman mo ang bitcoin.

May iba’t ibang paraan para makakuha ka nang bitcoin, katulad nang pag gawa ng mga simple task, captcha typing, surveys at iba pa.
Pero take note maraming mga bitcoin scam site na nag kalat sa internet, kaya kailangan mong maging maingat sa mga site na pupuntahan  mo.

Ito yung mga methods na pwede kang mag earn nang free bitcoin.

1. Faucet
2. Online Surveys
3. Gambling, Gaming and Casinos
4. Affiliations and referrals
5. Mining

Faucet

bitcoin faucets

Isa sa pinaka popular na paraan para makakuha ka nang bitcoin at iba pang cryptocurrencies ay ang pag paparticipate sa mga faucets.

Ano nga ba ang faucets?

Ang bitcoin faucets ay karaniwang makikita sa mga website na nag bibigay nang small amount ng bitcoin sa mga visitors nito.
Ang amount na nakukuha madalas ay naglalaro sa 100 Satoshis(0.000001BTC) hangang 10,000 Satoshis pataas( 0.0001BTC).

Ang nangyayari once na makuha mo na yung coins kailangan mo maghintay nang mga ilang minuto or oras para makapag claim ka ulit.
Sa mga hindi nakaka alam ang faucet ay nagsimula noong 2010 sa tulong ni Gavin Andersen ang chief scientist ng Bitcoin Foundation.
Alam nyo ba noong nagsisimula pa lang ang faucet ang ibinibigay sa mga visitors nang website ay 5 BTC, kasi mababa pa lang ang halaga nang bitcoin at that time.

Kumikita ang mga website owners nang mga faucets sa pamamgitan nang sandamakmak na mga ads, at ito ang ginagamit nila  pambayad sa iyo.

Top Free Bitcoin Faucets

Freebitco.in
Moonbitcoin
Qoinpro
ClaimBTC
Onewayfaucet
ElenaBitcoin
Eobot Faucet
Mellowads
Bitzfree
Btc4you
Wordofbitcoin

Ilan lamang yan sa mga faucets na pwede nyo pag simulan, karamihan sa mga yan hindi lang bitcoin ang pwede nyo iclaim, maari din kayo makakuha nang iba’t ibang uri ng cryptocurrencies.

Pros:
Madaling gawin

Cons:
Mababa ang bigayan
Boring
Time consuming
Minsan hindi nagpapay out

Online surveys

Earn free bitcoin

Maraming mga websites na nag ooffer nang online surveys at kapag nag participate ka, maari kang makakuha nang small amount of Bitcoin.
Ang mga completing surveys ay matagal nang paraan para kumita nang kaunting pera online, at lalo pa itong naging madali dahil sa cryptocurrency sapagkat hindi mo na kailangan mag submit at mag provide nang kung ano mang bank information upang ikaw ay makapag withdraw.

Ginagamit ito nang mga website owners to generate traffic at para maipromote din ang kanilang mga website.

Isa sa pinaka kilala na survey site ay ang Grabpoints.com
Makakakuha ka ng free bitcoin kapag nanuod ka ng videos, nag take ka nang surveys at kapag nag download ka ng mga apps.
Ang points na makukuha mo ay pwedeng ma convert sa bitcoin at mai send sa iyong bitcoin wallet.

Pros:
Easy to use
Accessible sa lahat ng may internet connection

Cons:
Minsan maliit ang reward

Referral and Affiliation

Earn free bitcoin

Pamilyar naman tayo sa concept nang referral program, na kung saan nag refer ka nang kaibigan mo gamit ang iyong affiliate links makakatangap ka ng kaunting comission. May mga ganito rin sa mga cryptocurrency related services and websites. Na kapag nag refer ka sa iba gamit ang iyong referral links makakatangap ka ng bitcoin.

Lamang dito ang may mga blog at website kasi madali lang nila ito maipopromote lalo na’t kung marami silang subscribers at followers.

Isa na dito ang pinaka kilala na bitcoin wallet sa buong mundo ang coinbase, once na may mag sign up gamit ang referral link mo from coinbase makakatagap ka ng $10 lang naman na bitcoin.

Pros
-Good passive income
-Kaunting effort lang ang kailangan

Cons
-Mahirap mag refer kung wala kang blog or large audience to generate traffic.

Gambling

earn bitcoin

Para sa mga mahilig mag sugal, although, hindi ko ito nirerecommend sa kahit na kanino. Pero isa ito sa mga way para maka pag earn ka ng free bitcoin—Sa pag lalaro sa mga bitcoin casinos.
Itong paraan na ito ay extremely high risk, pero kung gusto mo subukan ang iyong swerte madali lang naman ito gawin. Make sure lang na ang casino na gagamitin mo ay patas. May mga casino na kayang patunayan na hindi nila minamanipulate ang result dahil ginagamitan nila ito nang mathematical algorithm involving cryptography.
May mga nahanap ako na mga possible fair casino na pwede nyong masubukan.

Bitstarz
Fortunejack 
Cloudbet 

Pros
-Easy to play.

Cons
-Extremely risk
-Minsan hindi patas

Mining

Earn bitcoin mining

Karamihan sa mga nag sisimula pa lamang sa bitcoin ay nahuhumaling sa concepto nang bitcoin mining. Iniisip nila, just turn on the computer at hayaan itong kumuha nang bitcoin as easy as that.

Pero sa panahon ngayon masasabi pa ba natin na profitable pa ang pagmimining?
Para makapag mine ka nang bitcoin kinakailangan mo nang expensive mining equipment, hardware knowledge, high electricity costs, at pwesto para sa mga miners mo.

Sa kabilang banda may makikita ka sa mga website or mobile app na nag sasabi na pwede ka mag mine nang bitcoin gamit ang mga applications na pwede mo idownload.
Pero hindi mo alam nagsasayang ka lang nang oras at baterya, sa katagalan nang pag gamit mo sa mga apps, mabibigyan ka lang nang kunting centimos.

Ang isa pang option ay ang cloud mining na minsan ay libre pero kadalasan ay may bayad. Mag babayad ka para sa mga equipment na gagamitin sa pag mimine nang bitcoin para sayo. Maraming mga cloud mining na nagkalat sa internet. Kaya naman ibibigay ko sa inyo ang mga website na legit pag dating sa cloud mining

Genesis mining
Bitclub Network
Hashflare 

Bago ka mag simula sa cloud mining, always take note to do your own research before you invest. Sa mga legit cloud mining kailangan mo mag labas nang pera.

Pros
-Malaki ang kita (If you done it correctly)
Madaling gawin kung may pang invest ka sa cloud mining

Cons
-Complexity
-Electricity cost
-Hardware cost
-Scams

Conclusion:

Ilan lamang yan sa mga list na maaari mong subukan to get free bitcoin. Sabi nga nila There’s no easy, risk free na paraan para makakuha ka nang bitcoin. Pero the good thing is, ito ay possible. Kailangan mo lang mag effort at mag laan nang oras upang makakuha ka nito. Kung mayroon pa kayong ibang alam para makakuha nang bitcoin for free, comment lang kayo sa baba para malaman din nang iba.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart