Ang stable coin ay isang uri ng cryptocurrency na naka pegged or sinusuportahan ng isang stable asset tulad ng US dollar or gold and other types of commodoties. Ginagawa ito para mabawasan ang volatility ng isang coin.
Dahil nga halos lahat ng cryptocurrency ay volatile in nature. Napaka hirap nito gamitin as a medium of exchange, for example. Ang pasahod sayo ng employer mo ay Bitcoin, nagkakahalaga ng 5,000 Pesos ang sahod mo, nang ma received mo ito hindi mo agad na iconvert sa cash. At biglang nag nose dive ang price ng bitcoin at ang inaasahan mong 5,000 Pesos naging 3,500 na lang.
At ito ang gustong ma resolved ng stablecoin.
Ang kagandahan ng stable coin ay kahit na naka pegged ito sa isang stable asset. May characteristic ito ng cryptocurrency.
Tulad ng pagiging decentralized, low transaction cost, trustless hindi nakokontrol nang iisang companya at ang pagiging stable.
Pero higit sa lahat ang stable coin ay pinaka popular sa mga traders. Kapag alam nilang may posibilidad na bumagsak ang value ng coins na hinahawakan nila, ipapalit lang nila ito sa stable coins na hindi masyadong apektado ng volatility.
Types of stablecoins
Fiat Stablecoins
Ito yung mga coins na nakapares sa ating mga traditional fiat money tulad ng US dollar. Ang ratio nito ay 1:1, ang isang coin ay katumbas ng 1 USD or any other currencies.
Karamihan naman ng mga fiat backed stable coins ay naka pair sa USD.
Ilan lamang sa mga popular na stable coin sa market ay ang USDT( Tether), PAX,(Paxos), TrueUSD (TrustToken) At GUSD( Gemini Dolar).
Pasok sa categorya na ito ang Libra ng facebook (sa 2020 pa lalabas) at ang PHX ng union bank na kakalabas lamang.
Commodity stablecoins
Karamihan sa atin ang alam lang ay fiat stablecoins, pero may tinatawag din na commodity stablecoin. Ang mga uri ng commodities ay tulad ng oil, precious metal like gold and silver at grain.
Ang halimbawa ng commodity backed stablecoins ay ang Gcoin(G-coin) at DGX(digix). At ang nag iisang oil backed cryptocurrency ay yung nasa venezuela na tinatawag na Petro.
Crypto stable coins.
Ang isa pang uri ng stable coin ay ang crypto backed stable coins. Meaning naka pares ito sa isang cryptocurrency tulad ng bitcoin at ethereum.
Normally ang crypto backed stable coins ay naka pares sa isang cryptocurrency or iba’t ibang crypto. At dahil na rin sa volatility na taglay ng crypocurrencies karamihan sa mga crypto backed stablecoins ay halo halong cryptocurrencies para ma offset nga naman ang risk kung sa isang crypto coin lang ito naka pares. Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay ang DAI (maker dao)
BitUSD(Bitshares) at SUSD(Synthetix)
Non collateralized stablecoins.
At ang pang huli sa lahat ang Non collateralized stablecoins na walang naka backed up na kahit anong assets.
Gumagamit lamang ito ng isang uri ng algorithms para ma adjust ang supply at demand ng sa ganoon mapanatili ang pagiging stable ng coin.
Ang halimbawa ng isang non collateralized stable coins ay ang
Carbon USD(Carbon)
Conclusion
Possibleng marami pang lumabas na stablecoin in the near future. Napapansin na ito ng mga malalaking kompanya at pati na rin ng Gobyerno. Napapabalita ang China ay nag dedevelop na rin ng sarili nilang cryptocurrency na malamang ay stablecoin rin. Hindi malayong mangyari na ang iba pang mga bansa ay sumunod sa yapak nila. At gumawa ng kanya kanyang cryptocurrency stable coin.