Maraming mga argumento na nagaganap sa cryptocurrency world patungkol sa proof of work at proof of stake kung alin dito ang mas maganda. We all know na ang Ethereum ay may planong mag palit ng consensus mechanism, from proof of work to proof of stake.
But how does it work?
Ano nga ba ang pag kakaiba ng dalawang mechanism na ito?
Ang proof of work at proof of stake ay may iisang layunin lamang, ito yung mag confirm ng transactions at ilagay sa blockchain na hindi kinakailangan ng third party. Ito ang bumubuhay sa decentralized nature ng isang coin.
Proof of work
If you read my article about bitcoin mining, siguro naman may idea ka na kung paano nag wowork ang proof of work. Ito kasi ang consensus mechanism na ginagamit ng bitcoin.
Noong ginawa ni Satoshi nakamoto ang kauna unahang cryptocurrency which is bitcoin. Humanap siya ng paraan kung paano maveverified ang isang transaction na hindi kinakailangan ng middle man or third party.
Dito na isinilang proof of work system. Ito ay naka base sa advanced mathematics na tinatawag na cryptography. Ang cryptography ay gumagamit ng napakahirap na mathematical equations na tanging mga powerful computers lamang ang makaka resolved. Kaya ang mga miners ng bitcoin ay hindi gumagamit ng mahinang klase ng computer.
Naveverified ang mga transactions sa tulong ng mga miners at proof of work systems.
Gamitin natin as an example ang bitcoin.
Ang isang bitcoin transaction ay umaabot ng 10 minutes bago maconfirmed at ma validate.
Magiging valid lang ang transaction kapag ito ay nalagay na sa block.
Kada block sa network ay naglalaman ng iba’t ibang transactions, at itong mga transactions na ito ay naverified independently. Dahil nga walang third party na nag veverify ng mga transactions, ito ang trabaho ng mga miners na gumagamit ng proof of work system.
Kapag valid na ang transaction malalagay ito sa public blockchain para makita ng lahat. Pero hindi mag tatrabaho ang mga miners for the sake of gusto lang nila, syempre may kapalit ito.
Ginagawa nila ito para makakuha ng reward. Ang mga miners na unang maka resolved ng mathematical problem sa bitcoin network to validate the transaction ay makakatangap ng bitcoin as a reward.
Bawat miners ay nakikipag kompetensya sa isa’t isa upang sila ang mauna na makaresolved sa cryptographic algorithm. Kung sino ang mauna, sya ang panalo at makakatangap ng reward.
Sabi nila hindi fair ang system na ito. Sapagkat, ang laging mauunang makaresolved ng problem ay yung mga miners na gumagamit ng powerful computers na alam naman natin na napaka expensive.
Kaya naman may mga nagsasabi na hindi na profitable mag mine ng bitcoin kung wala kang magandang gamit, dahil komokunsumo ito ng napakataas na kuryente.
Although, in general ganito mag run ang sistema ng proof of work, pero may iba’t ibang prosesso ang bawat blockchain na gumagamit ng proof of work system. Kaya ang ibang cryptocurrency na gumagamit ng proof of work ay mas mabilis mag process ng transaction kaysa ibang crypto.
Proof of stake
Ang proof of stake ay isang uri ng consensus mechanisms na nacreate noong 2012 ng dalawang developers na sila Scott Nadal at Sunny king. Ginawa nila ito para masolusyunan ang mga kakulangan ng proof of work system, tulad ng mataas na pagkonsumo ng kuryente.
Ang pinaka unang blockchain project na gumamit ng model na ito ay ang Peercoin.
Sa ngayon marami ng mga kilalang altcoins ang gumagamit ng proof of stake tulad ng Dash, Neo, Cardano etc.
At susunod na rin dito ang Ethereum.
Ang proof of stake ay gumagamit ng ibang paraan para maconfirm ang transactions. Although, ang system nito ay naka base din sa cryptograpic algorithm tulad ng sa proof of work, pero ang objective at mechanism ay iba.
Kung sa proof of work mayroong reward na ibinibigay sa mga miners para iresolved ang mga complex equations. Sa proof of stake ang gumagawa ng next block ay yung mga individual na nag staked ng coins, depende sa dami ng coins
Walang mining na nagaganap dito, ang tawag sa kanila ay mga “forgers.” Sila yung mga taong nag paparticipate sa proof of stake system at ang kapalit nito ay ang earning sa transaction fee.
Paano nag veverify ng transaction si forger?
Kahit sinong user ay pwedeng maging forger at makapag validate ng transaction. Una kailangan muna maglagay ng coins sa isang specific wallet. This wallet will freezes the coins, at ito ang gagamitin to stake the network.
Karamihan sa mga cryptocurrencies na gumagamit ng proof of stake system ay may minimum requirements of coins required. At ito ay may kamahalan.
Halimbawa, ang Dash na gumagamit na rin ng proof of stake, para makapag stake ka ng coins kinakailangan mo muna ma meet ang minimum requirements nila na 1,000 dash coins.
Kung sa proof of work mas may chance na makakuha ng reward ang user na gumagamit ng much more powerful na computer.
Sa proof of stake mas mataas ang chance na makakuha ng reward ang user na mas maraming coins na naka staked.
By the way, ang reward dito ay yung transaction fee. Ang pagbibigay ng reward ay random na pinipili base sa amount ng coins na naka staked. At may iba’t ibang factor pa na ginagawang basehan para ang reward ay hindi lang napupunta sa may malalaking may hawak nito
May mga condition din sa proof of stake para mag work ito at pagkatiwalaan. Normally, ang mga nagiging forger dito ay yung mga gustong panatilihing secured ang network.
Kapag ang isang forger ay gumawa ng mali sabihin natin hinack ang network or nagprocess ng mga malicious transactions, mawawala ang lahat ng coins na inistake nya.
Sa madaling salita you can’t go against the system because you will lose.
Which is better?
Mayroong pros and cons ang bawat isa. I read several articles about the difference between proof of work and proof of stake, may mga nag sasabi na mas maganda ang proof of stake at mayroon din naman na nagsasabi na mas maganda pa din ang proof of work.
Para sa akin, ang proof of stake ang nakalalamang. Pero hindi natin pwede idisregard ang proof of work, remember bitcoin is using the proof of work system at mananatili ito hangang nandiyan ang king of cryptocurrency.
Electricity cost
Ang pinaka basis ko dito ay ang electric consumption, Para makapag mine ka ng bitcoin gamit ang proof of work consensus, kinakailangan mo muna komunsumo nang napakalaking kuryente. Which is hindi maganda sa environment. Sa kabilang banda ang proof of stake, ay hindi kinakailangan gumamit nang ganito kalaking kuryente kaya naman ang transaction fees dito ay mababa.
51% attack
Ito yung tawag sa pangyayari na macontrol ng isang tao or grupo ang 50% ng buong mining power or higit pa. Kapag nangyari ito, magkakaroon nang kakayahan na baguhin ang isang particular na block sa pansariling kapakanan.
Pwede din itong mangyari sa proof of stake, ang kinakailangan lang na gawin ng hacker ay bumili at mag stake ng 51% ng kabuuan ng network, at kailangan itong bilihin sa open market. Kapag may gumawa nito, tataas ang value ng coin at pag nagkataon mas mataas pa ang gagastusin nya kaysa makukuha nya sa pang hahack. At hindi lamang iyon, mapapansin ng network ang pangyayaring ito at mawawala ang lahat ng coins na naka staked sa kanya.
Conclusion
May iba’t ibang uri pa ng consensus sa blockchain, hindi lang ito nag lalaro sa proof of work at proof of stake. Ang ilan sa mga ito ay ang Delegated proof of stake( DPOS), Proof of authority (POA), Proof of weight(Po Weight) at Proof of responsibility (POR). Bago pa lang ang technology na ito at maaring sa susunod na mga panahon ay may lumabas pa na consensus mechanism na much better sa ginagamit natin ngayon.