Hindi lahat ng nag paparticipate sa crypto world or blockchain arena ay alam ang tunay na kahalagahan ng cyrptocurrency, kung bakit may mga nag sasabi na this will certainly change the world.
One of the greatest inventions of all time next to internet etc.
Karamihan sa atin nandito lang just to make money, well, givin naman yun na we all want to make money. At maswerte tayo dahil nalaman natin ito ng mas ma aga.
Ngayon, I would like to discuss the power of cryptocurrency, kung bakit ang pagkakaimbento dito ay napakahalaga para sa atin. Hindi dahil we can make a lot of money, may iba pang bagay na mas mahalaga dyan, kundi ang magandang maidudulot nito sa tao.
Gaano ba ito kahalaga?
Alam natin na this is a type of digital currency, na walang sinoman ang makakapag control kasi nga decentralized. But let’s try to dig deeper.
Let’s try to have a visionary type of perception.
To have a better understanding, kailangan muna natin balikan ng kaunti ang history of money, kung saan ito nagsimula at kung paano pinatatakbo ang society noon.
This is different from my previous article about bitcoin at ang kasaysayan ng pera.
Dito magfofocus ako kung paano nabuo ang monetary system noon na hangang sa ngayon ay ginagamit parin natin.
Money is power.
Even today, kung sino ang may control ng pera at maraming pera possess the power.
And the Kings and Queens of the ancient world knew this.
Sa kanila nagsimula ang pag gawa ng coins gamit ang mga shiny metals tulad ng pilak at ginto.
And this is distributed to their nations, pinapadala ng mga hari ang kanilang mga sundalo sa mga merchants para ipahatid ang bilin ng hari—na kailangan nyong magbayad ng buwis gamit ang mga coins na ito kung ayaw nyong mamatay.
Wala silang magagawa kung hindi sumunod. Medyo violente pero that is the reality.
Ito yung tinatawag na violence hack, para mapamunuan ang lahat.
Ngayon ang power ng monarchy ay napasa sa state and nation, ang kapangyarihan ng hari na mag distribute ng coin noon ay ginagawa din sa panahon natin ngayon at ito yung mag print ng money.
Walang sino man ang pwedeng mag print ng money on their own, kasi alam nyo na ang mangyayari.
Let me give you a good example
Remember e-gold noong 2008, ito yung unang beses na pag aattempt na gumawa ng alternative currency. Inilabas ito noong 1996 at di katagalan dumadami na ang gumagamit nito at tumataas na rin ang transaction.
Alam nyo ba kung anong nangyari noong napansin ito ng gobyerno?
The government attacked the leaders of the system, at na charged sila ng unlicensed money transmitting, money laundering, etc. Game over!
Ito ang problema sa centralized enemies, parang gagamba na kapag pinutulan mo ng ulo hindi na makaka galaw ang mga galamay. Because the head is always the source of power at ito ang laging tatargetin ng state.
There is a point in China, sa kapanahunan ni Qui Shi huang ang pinaka unang emperor ng china(260-210 BC). Inabolished nya ang ano mang uri ng local currency, at nag talaga lamang nang isa para mapamunuan ang lahat. At para magawa ito, he used brutality and violence.
Hindi hahayaan ng state or ng goverment na may ibang may mag distribute ng money, because they know the rule. King, states, and nations know the golden rule.
Whoever controls the money controls the world.
Fast forward, insert bitcoin.
Satoshi Nakamoto (not the picture on the image), ang anonymous programmer na gumawa ng bitcoin noong 2008 ay natuklasan kung paano masosolusyunan ang violence hack sa pamamagitan ng decentralized system.
Alam ni satoshi na hindi papayag ang state na may gumawa ng ibang currency maliban sa kanila.
They should always have a control.
But the case is different when bitcoin was created. Halos isang dekada na ang lumipas simula nang maibento ang bitcoin, pero hindi pa din ito napapabagsak ng government.
They can only do that on a centralized system, but not on a decentralized system.
Alam nyo ba kung bakit pinili ni Satoshi nakamoto na maging anonymous or mag laho na lang pag katapos nyang mailabas ang kanyang pinaghirapan na bitcoin?
Because government will hunt him.
Sa paniniwala na kapag pinutol nila ang ulo, the system will go down.
Ganito ang nangyari kay Craig wright noong unang pagkakataon na sabihin nya, na sya si Satoshi nakamoto na raid ang bahay nya sa Australia ng mga autoridad.
Pero hangang ngayon buhay pa rin naman si craig wright, napag alaman siguro ng mga autoridad, na peke ang taong ito.
Mabalik tayo sa bitcoin, maraming mga incredible features ang bitcoin tulad ng resistance to censorship and violence. Pero karamihan ng mga features na ito ay makikita na rin natin sa iba pang mga cryptocurrencies.
Pero ano nga ba ang totoong kapangyarihan ng cryptocurrency?
Ito yung power to print and distribute money without a central power.
Napaka simple lang nito, pero hindi natin napapansin kung gaano ito kaimportante.
Ang kapangyarihang mag print at mag distribute ng money ay namamalagi lang sa karapatan ng hari and nation states.
Hangang ngayon.
Saan ba nangagaling ang pera natin?
It comes from the government.
At dahil sa pag labas ng cryptocurrency, the power will possibly back to people.
Pero may isang problema. At ito yung power to distribute money.
Do you think sa mga cryptocurrency natin ngayon even bitcoin has the power to distribute money?
Pansinin na lang natin yung problem sa bitcoin, yung mga malalaking miners lang ang mas nakakakuha ng mas malaking bitcoin rewards. It means, it is not equally distributed.
Same thing with other cryptocurrencies. Karamihan may centralization parin na nagaganap.
But the thing is, cryptocurrency is still new. At naniniwala ako na darating ang panahon na may lalabas na cryptocurrency na kayang masolusyonan ang problema kung paano idistribute ang coin sa mas maayos na paraan.
Let’s take a look kung paano ba nadidistribute ang money coming out from our current system.
Ito ay parang pyramid na nag sisimula sa itaas at maididistribute pababa.
Mag sisimula ito sa gobyerno kasi sila ang nag piprint ng money at didiretso ito sa mga banko
pababa etc. At ang mga nasa ibaba ng pyramid ay yung mga pangkaraniwang tao katulad natin.
Makakakuha tayo ng pera sa pamamagitan ng pag tatrabaho, ipagpapalit natin ang ating oras for the money na kailangan natin. Or makakakuha tayo ng money sa iba pang paraan tulad ng pag loloan.
Ang economics masasabi natin na parang isang game. Lahat ng nagpaparticipate sa system ay mga players. Sila yung mga relatives natin, friends or yung lahat ng nag tatrabaho sa companya, sila ay nagpaparticipate just to make more money.
Pero hindi magsisimula ang laro kung hindi ididistribute ang money, kasi walang makakapag laro.
Ngayon, kung ikaw ang naka assigned na mag distribute ng money, paano mo ito ididistribute sa network?
Syempre mag tatabi ka ng para sa sarili mo, at gagawa ka ng mga rules for your advantage.
Ginagawa na ito noong unang panahon pa ng mga hari, at patuloy na ginagawa sa kasalukuyan.
Ang mga rulers ng network ay ang mga hari, corporation, mga aristocrat ang pinaka makapangyarihan sa society.
Kaya ang distribution ng pera ay one-way lang. From the top to bottom.
Sa tinging nyo patas ba ang kalakalang ito? No! The game is always rigged.
Ito ang gustong masolusyonan ng cryptocurrency.
That is why I think cryptocurrency is not just an ordinary technology, this is one of the best.
Pero ang tanong, kung hahayaan ba ng gobyerno ang kaganapan na ito ng ganun ganun na lang
To think na, noon pa man, nasa kanila na ang kapangyarihan.
I think na hindi ito magiging madali.
Base sa mga kaganapan ngayon at unti unti na natin nakikita na may mga bansa na handang iadapt ang blockchain technology. Tulad ng China they would release their own cryptocurrency.
It could be good news for the whole crypto community, but my question is, what is the motive?
Sa tinging nyo government will adapt the decentralized environment, na mawawala sa kanila ang control at ipapaubaya nila ito sa mamamayan?
No, they won’t do that.
Yes, they will adopt the technology of blockchain but the centralization will remain.
Sa mata ng marami ito ay blockchain at cryptocurrency but still the same system that we are using thousands of years ago. Nagbago lang, naging digital lang at inadopt ng kaunti ang cryptocurrency.
The worst-case scenario is, instead we get our privacy we are being tracked every single thing that we do.
Ang technology na mag papa angat sa atin ang syang magpapabagsak din pala sa atin.
At hindi natin ito dapat hayaan mangyari.
This is a battle of decentralized and centralized cryptocurrency.
And by reading this article, mag kakaroon tayo ng idea kung alin ang cryptocurrency na dapat natin supportahan.
Maganda tong ginagawa mo nagbibigay ka ng libreng impormasyon sa mga gustong matutu. Maraming salamat! Gusto ko lng din mag iwan ng opinyon sa topic nato at sa saloobin mo habang binabasa ko to.. una parehas tayo na gusto ang crypto isa itong magandang gawa ng tao para makapagbigay yaman sa bawat isa na hindi na kaylangan sirain at minahin ang mundo para lang magkaroon ng yaman.. pangalawa naniniwala ako na kaylangan parin natin talaga ng mamumuno oh pamunoan tayong mga tao dahil hindi lahat ng tao ay kagaya natin na alam ang tama at mali. Ang iba ay alam lng gumawa mali at masama sa kapwa.. kung lahat tayo ay may pantay na karapatan sino ang pipigil sa masamang gawain nila.. kaya ang pamumuno ng hari at pamumuno ng gobyero ay nauulit lng.. dahil kaylang dapat maparusahan ang gumagawa ng masama at maprotektahan ang sumusunod at gumagawa ng mabuti.. maraming salamat ulit sa pagbigay mo ng impormasyon sa cryptocurrency manyan or trading.. #newbietrader