Search
Close this search box.

The 3 Pillars of Successful Trading (Tagalog)

Successful trading

Kung sa business may tinatawag na “three-legged stool” na hindi pwedeng mawala ang isa.  Sa trading may tatlong bagay din na parang three-legged stool na kapag inalis natin ang isa, ito ay mag dudulot ng failure sa kahit sinong trader. Ito yung Psychology, Trading tactics at Money management.

Maraming mga traders na nakafocus lang sa trading strategy, at hindi napapansin ang kahalagahan ng money management at psychology. Tapos nag tataka sila kung bakit sila natatalo, ang tendency mag hahanap sila ng iba’t-ibang strategy na makikita nila sa youtube, books, facebook at twitter ng kapwa trader na finofollow nila.

Hindi nila alam na kahit gaano kaganda at kaeffective ang isang system or strategy na ginagamit nila. If they don’t have proper knowledge about money management at psychology they will lose in trading.

Psychology

Ang pinaka underrated sa tatlo but the common caused of failure ng mga traders, mapa beginners or seasonal traders—ay nagiging biktima nang kanilang emosyon over and over again.
Mahirap makontrol ang emosyon ng tao lalo na pag dating sa pera. Kung gaano kataas ang risk factor ng isang trade, mas malaki ang epekto nito emotionally sa isang trader.

May nabasa akong article at nakasulat dito ang ginawang test sa isang grupo ng mga traders, ang grupo na ito ay binubuo ng mga winners and losser traders. Ang nakakapag taka ang lahat ng mga traders na ito ay may sinusunod na iisang system lamang, iisang strategy at money management. Pero bakit may mga trader na nakakapag generate ng millions sa kanilang mga trade at ang iba naman na trader ay puro talo ang inaabot.

Remember, isang grupo lang sila at may mga finofollow na mga guidelines, ang system na ginagamit nila ay subok na which is a profitable system. All of them supposed to receive the same results. Pero bakit may ilan sa grupo na puro lossing trade pa rin ang inaabot.

Ano kaya ang dahilan?

Human psychology affects decision making. Kaya napaka importante na malaman ng isang trader kung paano ihandle ang kanyang emosyon. Madali lang sabihin sa kapwa mo nakontrolin ang iyong emosyon. Pero napakahirap nitong gawin kasi it takes time. Matagal na processo at kailangan ito maexperience ng isang trader paulit-ulit hangang ma handle nya na ang kanyang emosyon.

I write an article on how to handle emotional trading, kung hindi nyo pa ito nababasa I recommend na basahin nyo din ito.

Trading tactics.

Ang paborito ng lahat. Napaka daming strategy na nagkalat sa internet pero napaka-unti ng successful na traders sa mundo. Pero a good system will make you a successful trader in a long run. Kapag sinamahan mo ito ng psychology at good money management.

May iba’t-ibang strategy na ginagamit ang bawat traders. May mga trader na mas preferred ang moving average, kaysa accumulation/distribution para sa trend following indicators. Sinasamahan nila ito ng oscillators para sa possible turning points ng trend tulad ng MACD histogram or RSI.
Ang iba naman ang strategy lang ay support and resistance for entry and target profit, stop loss at kunting chart patterns, Elliot waves, etc.

It is better to have a trading system that fits your personality. Ang isang smart trader, ay hindi lang nag fofocus sa isang system. Alam nila na ang market ay pabago bago at may iba’t-ibang system na ankop dito. Ang profitable system na ginagamit mo ngayon ay pwedeng hindi na magwork sa hinaharap, kaya naman kailangan mo ito iadjust kasi ang market ay hindi mag aadjust para sayo.

Money management

Ang mga successful traders ay mas binibigyan ng importansya ang risk management kaysa profit. Kabaliktaran ng ginagawa ng mga inexperienced traders, they tend to focus on profit without risk management. Inaakala nila na madaling kumita ng pera sa market, akala nila na may monthly or weekly profit silang makukuha dito—hangang sa masunog ang kanilang account, at tsaka lang nila marerealized kung gaano kahalaga ang risk management.

Nangyayari ito kasi ikinukumpara nila ang kanilang mga dating profession sa trading. Pero hindi nila alam na ang trading ay hindi katulad ng trabaho na kahit gaano katagal ang gugulin mo sa monitor kakabantay nang chart ay hindi lalaki ang pera mo. Ito ay parang business na pag sinimulan mo walang kasiguraduhan kung kikita ka or hindi.

Ang good money management ay may mga patakaran na sinusunod, hindi lamang ito naka focus sa pag lalagay ng stop loss sa bawat trade. Kalkulado din dito ang percentage na pwede mong ipatalo sa bawat trade at percentage ng pwede mong ipatalo sa loob ng isang buwan.

Once na ma reach mo na yung limit mo kada trade or na hit mo na yung percentage na target mo sa isang buwan you will stop. Successful traders know their limits, at ang disiplina na ito ang kailangan ma adapt ng bawat traders, short-term man or long-term.

That should be 3 but I will add another important one.

At ito yung keeping your records bawat trade. A trader needs to track his record every trade, para makita nya ang kanyang mga pagkakamali at makapag adjust for improvements. Madali din malalaman ni trader ang mga working na trading system at strategy na nababagay sa takbo ng isang chart.

Ang magandang halimbawa dito ay ang isang taong nag didiet na kinakailangan itrack lahat ng pagkain na kinakain nya, alam nya kung gaano kadaming calories, protein at fats ang kinakailanga nya sa isang araw. At kada araw or months ay tinitimbang nya ang kanyang sarili para malaman kung may improvement ba sa ginagawa nya. Kung kakaunti or halos wala, kailangan nya lang mag adjust. Same thing sa trading, hindi malalaman ng isang trader kung nag iimprove ba sya , kung wala syang record ng kanyang mga past performance.

Read more:

Trading psychology the common mistakes
How to handle emotional trading
7 qualities of successful traders that have in common

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart