As an investor, tayo ay nag iinvest sa iisang dahilan. To make profits!
Kung saan tayo kikita ng mas malaki. May dalawang market na madalas maipag kumpara when it comes to high return. Ito ang stock market at ang paborito ng lahat ang cryptocurrency market.
Keep in mind na ang bawat market ay may iba’t ibang behaviour. Kaya hindi natin sila pwedeng basta basta ipag kumpara. Kasi they serve different means and different audiences.
Kaya naman I created this article para magkaroon tayo ng idea. Kung anong investment instrument ang bagay sa atin.
Stock market
Ang stock market ay isa sa pinaka popular na means of investment hindi lang dito sa atin, pati na rin sa buong mundo. Dito ang binibili ay stocks or shares(ownership) ng isang companya. Ang mga kilalang companya na available sa stock market internationally ay katulad ng Google, Facebook, Apple etc. Pero mas advisable na mag invest muna tayo sa local market, kasi mas alam natin ang kalakalan dito kaysa sa ibang bansa.
The rule of thumb is Buy low, sell high. Bibilhin ang stock sa maliit na halaga at ibebenta sa mas mataas na halaga.
Ang value ng stock ay nagbabago everyday, nakakakuha ng profit ang mga traders at investors sa pamamagitan ng value appreciation or dividends(Ito yung parte ng profit ng companya na ibinigay sa mga shareholders anually or quarterly). Pero hindi lahat ng kompanya ay nagbibigay nang dividends.
Sa value appreciation naman ito yung pag taas ng value ng stock kumpara sa price noong una itong binili. Ang pinaka mahusay sa ganitong larangan ay si Warren Buffet(one of the greatest investor of our generation).
Dito sya nakilala at naging successful sa pag gamit ng value investing method.
Bitcoin
Bitcoin is changing the game of financial investing. Hindi ito katulad ng ibang asset class kasi ito ay digital. Ang bitcoin ang pinaka bago yet pinaka rewarding na investment asset sa panahon natin ngayon. Ito ay isang decentralized digital currency na lumabas noong 2009.
Katulad din ng stock, kumikita dito ang mga traders at investors sa value appreciation.
Pero ang bitcoin ay extremely volatile kumpara sa stock market. Marami nang mga naging milyonaryo sa bitcoin lalo na yung mga unang nag invest dito 9 years ago. Pero keep in mind na kung gaano kabilis tumaas ang value nang isang asset ganoon din ito kabilis bumagsak.
Kaya naman bago mag invest sa bitcoin, kailangan mo ng sapat na kaalaman dito.
Comparison
Profit
Kaya maraming mga millenials na mas gusto mag invest sa bitcoin kaysa sa stock, dahil sa profit.
Sa stock market kinakailangan mo ng mahabang pasensya kasi medyo matagal ang profit dito.
Mag hihintay ka ng mga ilang taon para makita mo ang profit ng iyong invesment.
Unlike, bitcoin dahil sa volatile nature nito. Mas mabilis ang return kaya mong kunin ang profit ng isang taon sa stock sa loob lang ng isang araw or buwan. Sa cryptocurrency market para kang nasa warp zone.
Global reach
Every country mayroon kanya kanyang stock market, although available naman sa international market. Ang problema para makapag participate ka sa international market marami kang pag dadaanan at hindi ito madali para sa mga ordinaryong tao. Bukod pa dito mataas ang trading fees.
Sa kabilang banda karamihan sa mga exchanges sa cryptocurrency market ay global. Sa isang exchanges maraming countries ang supported, at maraming mga traders at investors ang pwedeng mag participate. Bukod pa dito ang mga cryptocurrency exchanges ay open 24/7, 365 days a year.
Unlike PSE( Philippine stock exchange) open lang sila Monday to Friday 9:30 am to 3:30 pm.
Supply
Alam natin na fixed lang ang supply ng bitcoin. Hindi na ito lalagpas ng 21 million.
Habang tumatagal ang awareness ng mga tao sa bitcoin ay tumataas. And it would results to high demand. Kung fixed lang ang supply at marami ang gusto magkaroon nito or gumamit nito. Magdudulot ito sa pag taas ng value ng bitcoin.
That’s why bitcoin is a good investment and consider as a store of value like gold.
Sa kabilang banda there is no limitation imposed in the share market.
Kaya naman it would lead to predictable trend ng demand and supply.
Risk
Sa pag iinvest sa kahit anong asset class mapa bitcoin or stocks laging may kaakibat na risk factor. Hindi mawawala ang risk reward ratio. Although, kinoconsider na mas riskier
ang bitcoin kasi ito ay unregulated at walang gobyerno na sumusuporta dito.
Pero kahit ganoon marami pa rin ang kumikita ng malaki dito. Naka depende na lang ito sa investors at traders on how they manage risk.
Trade
Sa stock market kung gusto mo mag invest at mag trade, may mga bagay na kailangan kang isa alang alang. Katulad ng charges, brokerage charges, taxes etc. Kailangan mo mag hanap ng broker or online broker and then sign up. Ang minimum principal investment ay PHP 5,000 lang naman.
On the other hand, madali lang makabili ng bitcoin sa panahon ngayon, Hindi mo na kailangan mag provide ng mga identification para lang makabili ka nang bitcoin at makapag trade. mababa lang ang transaction fees. Kailangan mo lang gumawa ng bitcoin wallet and you’re good to go.