Search
Close this search box.

Price Action Trading Strategies | Paano Mag Trade ng Walang Indicators

Have you heard of price action trading?

Kung matagal tagal ka ng nag tetrade, siguro madalas mo ito naririnig.

At kung lagi kang nagbabasa sa Altcoinpinoy, madalas ko itong nababangit.

Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng price action?

May mga pagkakataon kapag sinabi ko na price action, ang tinutukoy ko ay ang galaw ng price sa chart.

Tama naman pero may mas malalim pa na kahulugan ang salitang price action.

Ang price action ay isa ding trading strategy na tinatawag na trading naked.

What do I mean?

Kaya ito tinawag na trading naked, Kasi ang mga price action traders ay nag rerely lang sa chart at walang ginagamit na indicators.

Yes, they don’t use indicators.

Ang paliwanag dito kung iisipin mo, ang mga indicators ay dumedepende lamang sa galaw ng price.

Ibig sabihin hinihintay muna ng mga indicators na gumalaw ang price bago ito makapag bigay impormasyon sa mga traders.

Therefore they lag price.

Samantalang ang mga price action traders, mayroon silang nadevelop na skills para maunawaan ang movement ng price, na mag bibigay sa kanila ng idea kung saan ito maaaring umabot.

Kaya nga they always said, trade what you see not what you think.

Sa madaling salita ang price action trading ay isang strategy na ang pag dedesiyon ay naka base sa price movement ng chart.

Pure price action.

Bago ka maging price action trader, Kailangan malalim ang pang unawa mo sa market structure, candlestick, trendlines, support and resistance, chart patterns, etc.

Naniniwala ang mga price action traders na gumagalaw ang market dahil sa emosyon at iba’t ibang paniniwala ng mga traders fear and greed in the market.

At kung sino man ang dominanteng crowd sa mga paniniwalang ito. Sila ang mangingibabaw sa market.

Price action traders can exploit this, and make it their advantage.

Pero paano nila ito ginagawa?

A proper reading of market structure, gamit ang iba’t ibang uri ng trading patterns na nabubuo sa pag galaw ng price.

Isa sa pinaka popular ay ang pagamit ng support and resistance zones sa chart.

Binabantayan din nila ang candlestick patterns tulad ng bars, pin bars, Doji, inside bar, hammer, etc.

At iba pang mga complicated chart patterns.

Alam nila lahat ito basahin at gamitin sa trade.

Madali lang ba ang price action trading?

I would say not for beginners.

Kasi kailangan mo magkaroon muna nang solid understanding of market mechanics, at maunawaan kung bakit nabubuo ang mga candlestick at ano ang relasyon nito sa iba pang mga candlesticks or bars.

Ang price action trading ay isang uri ng discretionary trading na kinakailangan ng malalim na pang unawa sa trading psychology especially fear and greed.

Example of price action trading

Trend direction

Ang isa sa pinaka madaling paraan kung paano ma identify ang direction ng isang trend gamit lamang ang galaw ng price.

Kailangan makita natin ang mga bagay na ito sa chart.

price action trading

Uptrend

Price making higher high
Price making higher lows

Downtrend

Price making lower high
Price making lower lows

Pero ang price hindi lang palaging paitaas at paibaba. Mas madalas itong gumagalaw side ways or in range.

Support and resistance trading

Kahit sinong professional traders gumagamit ng support and resistance.

Kaya hindi mo dapat ito maliitin.

Ito ang isa sa pinaka foundation ng isang trader.

price action trading

Masasabi natin na support level ang isang area kapag ang price ay nag bounce dito paitaas ng mga ilang ulit. It means maraming buyers sa area ng support.

Kabaliktaran lang ng sa resistance level.

Dito naka pwesto ang mga sellers.  Kapag ang price ay na reject ng mga ilang ulit sa isang price level. It could be consider as a resistance.

Wyckoff price pattern.

price action trading

Ito ang pinaka paborito ng mga pro traders, one of my favorite as well.
Kung nabasa nyo na yung isa kung article about four market cycle. Ganoon lang din yung set up.

Ang example na gagamitin ko ay pang swing trading, pero pwede din ito gamitin sa day trading.

Ang image na ginamit kong example ay chart ng ETH daily time frame.

Sa umpisa nagpapakita ito ng strong bull interest, it means malakas ang buyer side na nagdudulot ng mas marami at mas mahahabang green candlestick.

Nangyari ito pag katapos ng accumulation stage.

Ang 50 day moving average ay medyo malayo ang distansya from the mean, parang overbought na ang dating.

Anyway, sinabi ko kanina na ang price action trader ay hindi gumagamit ng indicator pero may exemption sa moving average. Ginagamit ito para maidentify ang dynamic ng support and resistance level at trend.

Kapag na reach ng price ang high at nag retrace, na nag papakita ng medyo mahabang bear candle, senyales ito nang potential  resistance level sa area.

If you look on the image above. nang ma reach yung linya na red na ginawa ko, agad itong na reject at nag dulot ng mahabang candlestick paibaba.

Mapapansin ito ng mga price action traders and they would look forward to a shorting position.

At kapag nag attempt ulit ang price sa pangalawang pagkakataon at na reject ulit or nag collapse. It is confirmed that there is a resistance level in that area, a shorting opportunity.

Nagbabago na ang trend base sa price action,

Natatandaan nyo ba ang tinitingnan ng mga price action trader para ma identify ang trend direction?

Is the market still making a higher high?  Hindi na diba.

At nag uumpisa na itong bumuo ng lower high.

Imagine kung gagamitin mo ang moving average as an indicator for change direction at hihintayin mo na ang price ay pumailalim pa sa moving average tsaka ka lang mag eexit or mag eenter ng short position. Profitable pa rin, pero nahuli ka na.

That’s it. A simple explanation of price action at ilang strategy na super effective. Maraming price action strategy at ang iba ay naisulat ko na din dito sa site. If you find this article helpful at may natutunan kang bago. I would appreciate it if you can share this with your friends and people who want to know how to trade.

Happy trading!

3 thoughts on “Price Action Trading Strategies | Paano Mag Trade ng Walang Indicators”

  1. Sir altcoin sana gawa kayo video tungkol namn sa price action trading sa ranging market salamat po more power po tagal nako naghaharap nito sir now naunawaan kuna well explain sir

  2. coach thankyou dahil may mga taong kagaya mo, siguro sa mga bago lang dito tulad ko hindi madaling intindihin ang mga patterns, basta maging consitent kalang at step by step sa pag iintindi ma ge gets mo din yan! tiwala lang

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart