Paano Ginagawa ang Bitcoin Mining? – Super Easy For Beginners

 Bitcoin mining

Ngayon alam mo na ang bitcoin at nag hahanap ka nang ibang way para makakuha nito in a way na hindi mo kinakailangan mag invest. Nalaman mo sa kaibigan mo kung paano nagegenerate ang bitcoin sa pamamagitan ng mining, at gusto mo itong subukan. Welcome sa bitcoin mining kapatid!

Pero bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang bitcoin mining.

So what the heck is bitcoin mining?

Ang bitcoin mining ay ginagawa sa mga specialized computers.
Ang mga tao sa likod nito ay tinatawag na miners, sila ang nag bibigay protection sa network at nag poprocess nang lahat ng bitcoin transaction.

Nagiging successful ang bawat transaction kapag na resolved na nang mga miners ang bawat mathematical problem—at ito ay malilista sa ledger or yung tinatawag na blockchain.

Kung mas malakas ang computer power na ginagamit mo mas madali mareresolved ang bawat mathematical problem. Once na makompleto ang transaction ang unang miner na maka resolved ng problem will be rewarded of bitcoin.

Ito na ang pinaka simpleng explanation about bitcoin mining, hindi na natin kailangan ng masyadong technical explanation dito—dahil hindi naman ako developers. At hindi ko isinulat ito para sa mga super techie people.

Ano ang purpose ng bitcoin mining?

Bitcoin mining

We all know that bitcoin is a decentralized network, hindi ito katulad nang ating banking system.
Sa bitcoin makakapag transfer ka nang funds ng walang central authority.
Unlike, our traditional system tulad ng mga banks, sila ang humahawak nang pera mo at sila rin ang nag uupdate ng ledger sa lahat ng transaction.

Dito na papasok ang mga miners, imbes na ang bangko ang mag veverify ng bawat transaction in a centralized system. Ang mga miners naman ang mag sisilbing bankers in a decentralized system.

Ito ang ginagawa ng mga miners:

Security

 Nagiging secure ang bitcoin network sa tulong ng mga miners,  hindi ito basta basta
 kayang ihack or pabagsakin. Walang points of failure ang bitcoin dahil na rin sa decentralized nature.
 Kung mas madaming miners ang nag paparticipate, the more secure the network.

Transaction confirmations

Trabaho ng mga miners na iconfirm ang bawat transaction ng bitcoin. Masasabi lang na secure ang isang transaction at complete kapag ito ay included na sa block.
Kapag nasa block na ang isang transaction, embedded na sya sa bitcoin blockchain.

Ang bitcoin blockchain ay gumagawa nang new block every 10 minutes. Normally, kailangan mo nang 10 confirmations bago ma complete ang transaction, pero more confirmation ay much better lalo na sa mga larger payments.

New Bitcoin

Ang bagong bitcoin ay nakukuha nang mga miners dahil sa reward system every 10 minutes.
Naka set ang issuance rate nito gamit ang isang code. So hindi ito kayang dayain ng mga miner or gumawa na lang ng bagong bitcoin.
Kailangan nila gumamit ng computing power para makapag generate ng bagong bitcoins.

Hindi katulad ng traditional currencies natin, tulad ng Piso at Dolyar ito ay issued galing sa central banks. Kaya nilang gumawa ng bagong pera ano mang oras kung gugustuhin nila.

Bitcoin mining

History of bitcoin mining

Noong nag sisimula pa lang ang bitcoin, wala pang masyadong mga miners. Ang mga nag mimine lang gamit ang kanilang mga personal computers ay si Satoshi nakamoto at ang kanyang kaibigan na si Hal Finney.

Back in 2009 gamit ang CPU (central processing unit) kaya nang mag mine ng bitcoin. Kasi nga mababa pa ang mining dificulty. At habang tumatagal, ang mga tao ay nagsimulang maghanap ng ibang paraan para mapabilis ang pagmimine gamit ang mga powerful equipments.

Dito na sila lumipat sa GPU(Graphics Processing Unit). Gamit ang GPU na nakakabit sa computers kaya nitong mag calculate nang more complex problem.
We all know that GPU is designed for gaming computers, para sa mga games na malalaki ang graphics.

Dahil sa taglay na features nang GPU naging popular ito sa cryptography noong 2011.
At ito na ang ginamit ng mga tao sa pag mimine ng bitcoin. Ang mining power ng GPU ay katumbas ng mining power ng 30 CPU’s.

Nag evolve pa ito sa FPGA mining. Isang hardware components na pwede iconnect sa computer para mag run ng calculations. Pero hindi rin ito nag tagal, kasi mahirap iconfigure kahit na mas mabilis ito sa mga GPU’s.

Bitcoin mining

Noong 2013 dito na naintroduce ang ASIC miner. Asic ibig ang ibig sabihin Application Specific Integrated Circuit, ang purpose ng hardware na ito ay pang mining lang ng bitcoin.
Sa ngayon ang ASIC miner na ang standard na pwedeng gamitin nang mga taong gustong mag mine nang bitcoin. Marami nang ibat-ibang uri ng asic miners na lumabas sa pag lipas nang panahon.

Mining pools

Bitcoin  mining

Dahil nga gusto mo pasukin ang bitcoin mining. Kahit gaano pa kalakas ang miner na nabili mo hindi ka mananalo sa laban kung mag isa ka lang mag mimine sa bahay nyo.
Kailangan mong sumali sa mga mining pools.

Ang purpose ng mining pool ay para pagsama samahin ang mining power ng bawat isa nang sa ganoon makasabay sa mahigpit na kompetisyon ng mining.
Ang reward  na makukuha ay hahati hatiin sa lahat ng  members depende sa lakas ng mining power na ginagamit nila. Sa paraang ito, kahit mga small miners ay pwede sumali at magkaroon ng chance na makakuha ng small amount of bitcoin.

Now you know how bitcoin mining works, siguro tinatanong mo sa sarili mo kung mag kano ang kikitain mo kapag nag mine ka ng bitcoin.

Pero ang tanong profitable pa ba mag mine ng bitcoin sa panahon ngayon?

Well, marami nag sasabi na hindi na ito profitable.
At para malaman mo ito, kailangan mo tingnan ang ilang mga bagay para masabi na profitable pa rin ito.

Ito ang mga sumusunod na kailangan mo tingnan.

Hash rate

Ito ang tawag sa mathematical problem na kailangan isolved ng mga miners. Ito ang basehan ng miner’s performance. Mas mataas ang hash rate mas mainam. Nasusukat ang hash rate by MH(Mega hash per second), GH (giga hash per second), TH/s(terra has per second), at PH/s(peta has per second).

Bitcoin reward per block

Ang bilang ng bitcoin na nagegenerate once na makahanap ng solusyon ang miners sa mathemathical problem. Sa ngayon ang  current number of bitcoin awarded per block ay 12.5 BTC. Ang last halvening ay naganap noong July 2016, nang yayari ito kada apat na taon. Ang susunod na halvening ay sa May 2020.

Mining difficulty

Ang mining difficulty ng bitcoin ay pabago bago kasi ito ay self adjusting, kung malakas ang mining power sa network, mas mahirap makahanap nang solusyon sa problem.
Kaya kung mas maraming miners ang nag paparticipate, mas lalong mahirap makahanap ng solusyon sa mathematical problem na binibigay ng network.

Electricity cost 

Magastos sa kuryente  ang bitcoin mining. Malakas ito mag consume ng electricity.
Asahan mo nang papalo ang kuryente mo kapag nag umpisa ka na ng mining. At kung mas mataas pa ang binabayadan mo sa kuryente kaysa sa kinikita mo sa pag mimining.Alam mo na ang dapat  mong gawin.

Pool fees

Ang mining pool ay hindi libre, at kailangan mong mag bayad ng fees para sa serbisyo nila. Naglalaro ito around 2% lang naman.

Bitcoin price

Walang nakakaalam kung ano ang magiging price ng bitcoin in the future.
Kung binabalak mong itabi lang ang mga na mine mo na bitcoin at ipalit ito sa future. Pwedeng malaki ang profit na  makuha mo or pwede ring hindi.

Simple guide how to mine bitcoin

 May mga guide ako na ibibigay para sa mga taong gusto mag simula mag mine ng bitcoin.

Check profitability

Una sa lahat bago ka mag desisyon mag mine ng bitcoin. Kailangan mong mag labas ng pera, medyo magastos kasi mamumuhunan ka sa mining rigs. Icalculate mo muna kung may makukuha ka bang profit sa gagawin mo. Gamitin mo itong Bitcoin mining calculator: 

Hanap ka ng miner

Bago ka bumili ng miners mo mag basa basa ka rin muna ng mga reviews. Para maka pamili ka ng miner na para sa iyo.
Kagaya nga nasabi ko kanina, traditionally ang ginagamit ng mga miners dati ay yung mga GPU na may high powered graphics cards tulad ng Nividia or AMD.

At dahil nga habang tumatagal lumalago ang blockchain lalo ng nagiging complex ang pag mimining ng bitcoin, na nangangailangan ng mas mataas na processing power to solved the algorithms. Kaya naman ang ASIC miners ang pinaka the best na option para dito, dahil ito ay dinesenyo talaga para for bitcoin mining purposes.

Example of miners:

Antminer s9
Asic WhatsMiner M3
AntMiner V9

Bitcoin wallet

Dito mo ilalagay ang mga na mine mo na bitcoin. Maraming uri ng bitcoin wallet katulad ng
cold wallet at hot wallet pwede ka din gumamit ng paper wallet.

Mining pools

Syempre kailangan mo sumali sa mga mining pools. Pero kung gusto mo mag solo pwede din naman.
Punta ka lang sa official Bitcoincore client.
Pero kung sasali ka sa mga mining pools.
May mga bagay na kailangan mo icheck bago ka mag join sa isang mining pools
-Ano ano ang mga fees na kailangan mong bayadan for mining ang withdrawal of funds?
-Status ng mining pool.
-Stable bo ang pool na ito.
-Paano ang reward system nila proprional ba or pay per share etc.
-Madali ba mag withdraw ng funds?
-Gaano kadalas makakuha ng reward block?

Kaya kailanga mo din mag research ng mga reviews about mining pools.
Eto ang list ng pools na pwede mong pamiliian:

Bitminter (Small pool)
Slushpool (Large scale)

P2pool (Completely Decentralized)

KanoCkpool( Medium size)

Mining client/Software

Hindi ito mag tatapos pag naka sali ka na sa mining pool. Kailangan mo din humanap ng mining software. Karamihan sa mga mining pool ay may kanya kanyang mining software, at may ilan din naman na wala.
Just in case, ito ang mga list ng mining software  na baka kailanganin mo.

BFGminer
Easyminer
BItminer
CGminer
Multiminer

After mo ma set up lahat ng kailangan mo pwede ka na mag start mag mine ng bitcoin.
Plug in mo lang yung mining rig mo at make sure na naka connect ito sa computer.
Launch your mining software at ilagay ang mining pool address. Enter your username and password, then your good to go.

Conclusion

Maraming nag sasabi na hindi na profitable mag mine ng bitcoin ngayon kung ikukumpara dati mga 3 years ago. Hindi maitatangi na kailangan mo mag labas ng malaking pera para sa mga hardware equipment na kakailanganin mo sa pag mimine ng bitcoin. Pero depende ito kung paano mo tingnan ang overall outlook ng bitcoin. Kung sa tingin mo ang bitcoin ay aabot ng $1 milyon katulad ni John Mcafee. Umpisahan mo na mag mine ng bitcoin at itabi ito for your future. Pero kung sa tingin mo hindi ito mag tatagal at walang future. Hindi mo na kailangan mag pakahirap pa dito.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart