Ang multi time frame trading strategy ay mas madaling gawin kung mayroon kang dual monitor.
May mga ibang mga traders na gumagamit ng 3 monitors or even 6 monitors. Those are the big boys of trading.
Pero hindi ko sinasabi na hindi mo ito pwedeng gawin sa laptop or computer.
Possible din naman, mas maganda lang ito gawin kung mas malaki ang monitor. That is based on experience lang naman.
Kaya kung sa cellphone ka lang nagtetrade, medyo mahihirapan ka dito.
Hindi ko pa na try mag trade gamit ang mobile phone or even gumawa ng analysis.
Hindi ko lang feel or masyadong limited ang resources. Maybe some other traders can do that.
Kanya kanya naman kasi yan ng diskarte.
But for me, if you want to be a good trader, then I would suggest that you use a computer.
Anyway, in this article. Pag usapan natin kung paano gawin ang multi timeframe trading technique.
Multi timeframe
Multi timeframe means hindi ka lang mag fofocus sa iisang time frame. Titingnan mo din at iaanalyze ang mga nangyayri sa ibang time frame.
Maraming mga baguhan sa trading ang medyo nahihirapan gawin ang multi timeframe strategy kaya nag fofocus na lang sila sa 15 minute chart or daily chart.
But the thing is, madali lang naman ito kung desidido ka talaga matuto mag trade, or iimprove ang trading style mo.
Sa multi-timeframe ang iaanalyze mo na chart ay hindi lang naka paloob sa iisang time frame.
Kailangan mong ianalyze ang iba pang mga charts.
Ano ba ang mga benefits kapag ginawa mo ito?
Better entries
Trade management
Let say for example may dalawang trader parehas sila ng strategy at parehas nilang sinusubaybayan ang daily chart. Ang isa magfofocus lang sa iisang time frame at ang isa naman gagamit ng multi time frame.
Trader 1 vs trader 2
Sabihin na natin na pumasok si trader 1 sa isang trade, kasi nakita nya na ang price ng BTC ay tumama na sa major support level.
He enter a long position, ibig sabihin nag eexpect sya natataas ang price ng asset.
Nag rely lamang sya sa daily chart and he enters a position at $9609 level.
That is a really good trade if you take a look at the example image sa itaas.
Samantalang itong si trader 2, binabantayan nya rin ang parehas na set up kagaya ni trader 1.
Napansin nya na tumama na ang price action sa isang major support sa daily chart.
Pero hindi katulad ni trader 1, hindi agad sya pumasok sa trade. Ang ginawa nya tiningnan nya muna ang price action na nangyayari sa lower time frame sa 1hr chart.
Hindi muna sya pumasok sa trade at naghintay muna ng any evidence of a reversal. Nakapag enter ng long position si trader 2 sa price level na $9430.
Trader 1 set up is good, but the trader 2 set up is much better and much profitable.
Ano ang lamang ni trader 2 kay trader 1?
Better entry point and much larger profit opportunities.
Kapag ginawa mo ang multi timeframe trading, ang entry point mo ay palaging nasa lower time frame.
Trade management
Ngayon alam na natin na mas maganda ang entry point sa lower time frame. How about sa higher time frame?
Ano ang mapapala natin sa higher time frame?
Sa higher time frame natin makikita ang overall view ng market.
I consider the monthly and weekly charts for this.
Dito natin makikita ang current trend ng market for long term.
Pero hindi natin makikita dito ang mga nangyayari sa lower time frame tulad ng 4 hr chart at 1 hr chart.
May mga trading set up or chart pattern dito na hindi natin nakikita sa higher time frame.
May iba’t ibang approach dito ang mga traders.
Ang ginagawa ko ay yung tinatawag na top down technical analysis.
Bago ako mag trade ang una kung tinitingnan is the monthly chart or weekly chart.
I will check first the trend of the market, I will use some indicators like MACD and trendline, support and resistance, etc.
Ngayon kapag na analyze ko na ang higher time frame, lilipat ako sa daily chart to check any trading opportunities.
Kapag napansin ko na nasa major support level na ang price action na nakikita din sa weekly chart I will consider to put a long position, but before that.
I will jump again to a smaller time frame which is the 4 hr chart or the 1 hr chart for better entries.
Minsan I even go to much lower time frame like 15 minutes chart.
Depende kasi sa takbo ng market at ng coin.
Tips:
You always respect the higher time frame.
You don’t want to go against the higher time frame.
Kung uptrend sa weekly chart, you better go for a long position on a daily chart.
Kung downtrend naman sa weekly chart, you may consider entering a short position.
You can do counter trading kung gusto mo, pero you should be very careful.
Ang strategy na ito ay mas suitable sa mga swing traders, trend traders at position traders. Pero not for scalpers.
This is just a simple trading technique na maari nyong magamit sa inyong trading journey.
Kung may natutunan kayong bago sa article na ito, I would really appreciate if you could share it with your friends. And let them know that you learn it from Altcoinpinoy.
Happy trading!
Read more:
Candlestick chart patterns
Support and resistance
Trendline breakout trading strategy
Pullback trading
Momentum trading
Elliot wave
Fibonacci trading
Pingback: How To Predict a Good Breakout? (Tagalog) – Altcoinpinoy