Napansin ko lang pag may nag tatanong sa akin na mga novice about trading strategy.
At tatanongin ko naman sila kung anong uri ba ng trading strategy ang ginagamit nila ang laging sagot sa akin ay “Day Trading.” (wow!)
Pero ang tanong bakit karaniwan ng mga newbie, hindi lang sa crypto world pati na rin sa ibang market like stock market ang gusto ay maging day trader?
Siguro may napanood sila na day trader sa Youtube at ipinapakita dito ang masaganang pamumuhay sa pamamagitan ng pag daday trading.
Isipin mo saglit ka lang mag cocomputer and voila! instant $1000 na? Yan ang gusto ng karamihan.
Well, ayon sa aking pag-sasaliksik ito ay dahil sa ating Phsychological and human behaviour.
Normal sa atin na gustong yumaman ng mabilis, yung walang kahirap-hirap yung tipong hindi mo na kailangan gumising ng maaga para mag trabaho.
Ito yung tinatawag na Instant Gratification.
Kaya nga maraming tumataya sa lottery lalo na pag tumataas na ang jackpot price.
Ang isang misconception about day trading ay you will get rich quickly.
Well, Wrong!
Ang day trading ay hindi katulad ng gambling or playing lottery. Statistically speaking, 90 % nang nag-sisimula mag day trading ay natatalo. Napakadaling mag-ubos ng pera sa day trading.
RULE 1: Day trading is not a strategy to get rich quickly.
Ito ang ang pinaka common na paniniwala about day trading lalo na ng mga newbie. Buy low, sell high. That’s it! “Profit na agad.”
Well, kung ganon lang pala kadali edi sana lahat successful trader. Pero hindi, hindi ka yayaman dito agad agad.
In day trading, makikipag kompetensya ka sa mga beterano at matatalas ang isip sa buong mundo.Para kang isang tupa na pumasok sa mundo ng mga leon.
Ang main objective ng day trading is to take money from other traders at ganon din sila sayo. Kaya naman ito ay intellectually intense business.
Hindi ka nag gegenerate ng pera sa market. Ang profit mo na nakukuha ay galing sa ibang traders.
Ang pera na gusto mong makuha sa trading ay galing sa ibang traders at wala silang intention na ibigay ito sayo.
Kaya naman trading is such a hard business.
Rule2: Day trading is not easy. It is a serious business.
Maari kang mag tagumpay sa day trading kung meron kang mental toughness.
At kung seryoso sa ka sa business na pinasok mo. Hindi pwede dito ang masyadong emosyonal. Ito ang numero unong dahilan kung bakit nag fafail ang isang trader.
Kailangan mo ng disiplina sa sarili at depensive money management.
Ang mahuhusay na mga traders ay binabantayan ang kanilang mga kapital katulad ng mga scuba divers na inaantabayanan ang kanilang supply of air.
In day trading, hind pwedeng above average ka lang.
Kailangan mong mangibabaw sa karamihan.
Kailangan mo ng matinding motivation, knowledge, and disipline.
Day trading is a profession parang medisina, law at engineering.
Kailangan mong mag laan ng napakaraming oras upang pag aralan ang ibat ibang trading styles, obserbahan ang mga experienced traders.
Pero kung hindi madali ang day trading and people doesn’t get rich quickly, bakit maraming gusto mag day trading?
Hindi lang ito sa cryptocurrency market, ito ay sa lahat ng market.
What makes day trading attractive is the lifestyle.
Sa bahay lang ang opisina mo, hindi mo na kailangan gumising nang maaga para pumasok sa trabaho, Ilang oras ka lang mag wowork.
Gusto mo mag day off? Anytime!
Mas marami kang oras sa pamilya mo at mga kaibigan.
Kung gusto mo mag bakasyon, hindi mo na kailangan mag file nang leave at ipaapprove sa boss or manager mo.
Kasi ikaw ang Boss!
Sino ba naman ang ayaw sa ganitong pamumuhay?
Hindi lamang ito, sapagkat pag namaster mo ang ganitong profession. pwede kang kumita ng napakalaki.
Daig mo pa ang nag abroad at mga propesional na kumikita ng 104,000 Pesos a day.
Kung gusto mo magtayo ng business, day trading is a simple place to start.
Ikumpara natin sa traditional business.
Sabihin natin mag-oopen ka ng pizza shop or restaurant.
Kailangan mo ng malaking puhunan sa renta, equipment, staff hiring and training, insurance and licenses. At hindi ka pa sigurado kung kikita ka sa business mo.
Sa day trading naman madali lang mag set-up at mag simula. Gawa ka lang ng account ngayon pwede ka na mag simula bukas.
Pero hindi mo pwede gawin yan, kung kakaunti pa lang ang nalalaman mo about day trading.
Kailangan mo ieducate ang sarili mo. Pero kahit ano pa man mas madali itong simulan kumpara sa ibang business and professions.
Pero bakit maraming hindi nag tatagumpay sa day trading?
Ang isa sa mga reason kung bakit hindi sila nagtatagumpay, kasi tinuturing nila itong parang sugal.
Iniisip nilang yumaman sa madaling paraan. Or ang iba naman nag tatrade lang kung kailan nila gusto, sa madaling salita, hindi nila sineseryoso at hindi ito itinuturing na business.
They never commit themselves, they don’t have proper education about day trading.
At para sa akin ang day trading ay hindi para sa lahat.
Nag dedepende ito sa iyong personalidad, kung isa kang emosyonal na tao, well, hindi ito ang tamang profession para sayo.
Kagaya nga nang sinabi ko kanina kailangan mo ng mental toughness.
Sabi nga sa librong way of turtle, kahit ilatag ko ang pinaka the best and proven strategy about trading sa public place marami pa rin ang hindi mag tatagumpay.
Kasi ang bawat tao ay may iba’t ibang emotional at risk tolerance na nakaka apekto sa kanilang desisyon making.
If you want to learn day trading, just go to My Day Trading Strategy.