Ang inside bar trading strategy ay isa na siguro sa pinaka simpleng price action strategy na kayang gawin nang kahit sinong traders, baguhan man or beterano.
Ang kagandahan lang sa strategy na ito is pure price action, it means ang focus lang ng traders ay sa candlestick formation.
So what is inside bar?
Ito ay binubuo ng dalawang candlestick. Ang nasa unahang candlestick ay tinatawag na mother candlestick, ang sumunod naman na candlestick dito ay tinatawag na inside bar. Dahil ito ay naka paloob sa kabuuan ng mother candlestick.
It is normally a two candlestick formation, pero kapag maraming maliliit na candlestick ang nakapaloob sa mother candlestick, ito ay matatawag na multiple inside bar.
Ang nasa unahang candlestick ay maaring bullish candle or bearish candle. Parehas din ng sa inside bar candle pwedeng bullish at bearish candle.
Bakit nabubuo ang inside bar?
Ito ay dahil ang market ay nasa consolidation phase, it means bumababa ang volatility ng market at halos nagiging patas lang ang lakas ng magkabilang panig. Wala pang nagwawagi sa labanan ng bulls and bears.
Nabubuo din ito dahil sa low trading activity or mababa ang volume. Ang mga speculators ay patuloy na nag mamasid sa paligid at hindi sumasali sa laban ng bulls and bears.
Naghihintay lang sila ng pagkakataon.
Saan natin madalas makikita ang inside bar?
Sa totoo lang, ito ay nabubuo sa kahit anong parte ng chart. Pero ang pag tutuunan lang natin ng pansin kapag ito ay nabuo sa mga importanteng level ng chart tulad ng mga sumusunod.
Support and resistance
Fibonacci levels
Confluence
Trendline
Tulad din ito ng ibang mga reversal candlestick na makakatulong sa atin para malaman kung mayroong possible reversal na magaganap.
At dahil dito, we can put a long or short position, depende kung nasaan nakapwesto ang inside bar.
How to trade inside bar?
Dapat makakita tayo ng trending market uptrend or downtrend.
Ngayon titingnan natin kung may inside bar formation.
Kapag may inside bar we can consider to enter a position.
But wait, paano tayo mag eenter using inside bar?
Papasok lang tayo sa trade, once the price break out the inside bar.
Kapag upward ang break out, we can enter a long position.
Kapag downward naman ang break out, we can enter a short position.
Uptrend inside bar
Downtrend inside bar
Just keep in mind, there is no certainty sa strategy na ito. There is a possibility of false break out, that would result to a loss.
Anyway, hindi pare parehas ang range ng inside bars. May malaki at may maliit na range.
So if you will trade a break out sa inside bar. Mas mainam kapag ang inside bar ay maliit ang range.
Bakit?
Kasi we can put a tighter stop loss, and we can enter a large position.
Kung mali man ang assumption natin, and we got stopped out—that is fine. Because we are only risking a smaller amount of our capital, using a tighter stop loss. Kung tama naman ang ating assumption, we can make a big profit because of a larger position.
Pagdating naman sa target profit, you can set a 1% or 2% target profit, depende sa takbo nang market, if you feel that you are trading on a strong trend. Pwede din tayo gumamit ng trailing stop and let our profits run.
Take note, ang market ay tumatakbo from low volatility to high volatility, at nagkakaroon ng inside bar during consolidation phase and low volatility. Therefore, we can expect for a high volatility, at ang kailangan lang natin malaman if its going up or going down.