How to Trade Spinning Top Candlestick (tagalog)

Spinning top altcoinpinoy

Ang spinning top ay isang uri ng neutral candlestick na maaring magsilbi din na reversal candlestick, pero it depends kung saan ito naka pwesto.

Nacover ko na ito sa previous article, pero this time, I will try to explain it further.

Alam natin lahat na ang candlestick ay nabubuo dahil sa paglalaban ng bulls and bears, or should I say between buyers and sellers.

Kapag mas malakas ang power ng buyer side, makakakita tayo ng solid green candle stick.

Kapag naman mas malakas ang power ng seller side, makakakita tayo ng solid red candlestick.

May iba’t ibang anyo ang mga candlestick at ang bawat isa ay mag ibig sabihin.

Nandiyan ang doji, morning star, engulfing candles at spinning top.

Ang anyo ng spinning top ay may maliit na body at mas mahahabang wick.

Nangyayari ito dahil sa indecision between buyers and sellers, ibig sabihin patas lang ang labanan at walang nanalo sa dalawa. Kaya ito tinawag din na neutral candlestick.

Kung ito ay isang neutral candlestick paano ito makakatulong sa atin sa trade?

Ano ang kailangan natin makita?

Every candlestick has a story to tell.

We should look for a spinning top na nakapwesto sa major resistance level, major support level, Fibonacci retracement, price channels at chart patterns.

And we can consider this as a possible reversal.

Kapag nakakita tayo ng spinning stop na nabuo sa major resistance level, this is a possible bearish signal. Mas mapagtitibay ang ating assumption kapag lumagpas pababa ang price sa low ng candlestick.

Then, we can consider entering a short position.

Kapag ang spinning top naman ay nangyari sa major support level, it could be a bullish signal.

Kapag na break ang high wick ng spinning top, we can consider putting a long position.

Ganoon lang kasimple ang diskarte, at ang konsepto na ito ay applicable din sa trendlines, Fibonacci retracement levels, price channels at chart patterns.

spinning top reversal

And things to remember, alam natin kapag green candle it means bullish at kapag red candle naman it means bearish. Pero sa spinning top, regardless of the color.

Hindi ibig sabihin kapag nakakita tayo ng green spinning top sa major resistance level ay bullish na ka agad. No!

Depende sa kinalalagyan ng spinning top.

Hindi natin papansinin ang kulay ng spinning top. Kailangan natin pag tuunan ng pansin ay kung saan ba naka pwesto ang spinning top.

Kailangan makita natin ang spinning top sa mga sumusunod

Support and resistance levels
Trendlines
Fibonacci retracements
Price confluence levels

Ngayon, if makakita man tayo ng spinning top na hindi naka pwesto sa nabangit. We can ignore it.

Hindi tayo pwede pumasok sa trade basta basta lang, and only using a spinning top as a confirmation.

Kailangan natin tingnang mabuti ang price action, to check for a possible reversal.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart