Search
Close this search box.

How to Trade Fibonacci (Tagalog)

Altcoinpinoy Fibonacci

Do you remember the first time you heard Fibonacci?

Sounds scary, right?

Well, ganyan din ang akala ko noon. Pero hindi naman pala ito ganoon ka komplikado.

Kung wala ka pang idea about Fibonacci retracement or extension.

Then, this article is for you.

Ang Konsepto lang naman ng Fibonacci sa trading is to act as a support and resistance.
Pero let’s try to dig dipper kung ano ba talaga ito.
Ang salitang Fibonacci ay nangaling sa pangalan ni Leonardo Fibonacci isang kilalang mathemathicians noong 13th century. 
Sya ang gumawa ng Fibonacci sequence.
I will discuss a bit how Fibonacci sequence works, Kahit labag sa loob ko lol.
Ito yung pag kakasunod-sunod ng numero in a consistent basis
Ang paraan kung paano nabubuo ang fibonacci sequence ay sa pamamagitan ng pag aadd ng dalawang mag kasunod na numero.
Let me give you an example of a sequence.
0 + 0 = 0
0 + 1 = 1
1 + 0 = 1
1 + 1 = 2
2 + 1 = 3
3 + 2 = 5
5 + 3 = 8
8 + 5 = 13
13 + 8 = 21
21 + 13 = 34
Yan ang first 10 numbers ng Fibonacci sequence.
Sa totoo lang hindi natin ito kailangan sa trading, 
Pero para maunawaan natin ang  Fibonacci ratios, na ginagamit natin sa trading. Kailangan muna magkaroon tayo ng idea sa Fibonacci sequence of numbers.

Fibonacci ratios.

Sabi nila ang pinaka importanteng Fibonacci ratios ay ang 61.8% na tinatawag din na golden ratio or golden mean. Kasi sa lahat ito ang pinaka reliable na ratio.
Ang 61.8% ratio ay nakukuha by dividing any number galing sa Fibonacci sequence.
Pero regardless or kahit anong number na piliin mo dito ang results ay hindi nalalayo sa average  0.618 or 61.8%
8 divided by 13 = 0.615 = 61.5%
13 divided by 21 = 0.619 = 61.9%
21 divided by 34 = 0.617 = 61.7%
Ang iba pang Fibonacci ratios ay ang 38.2% at 23.6%.
Ang dalawang ito ay may mababang level of success, hindi katulad ng 61.8% ratio.
Ang 38.2% ratio naman ay nakukuha  sa pamamagitan ng pag divide ng kahit anong number sa sequence na makikita two places to the right.
8 divided by 21 = 0.380 = 38.0%
144 divided by 377 = 0.381 = 38.1%
6765 divided by 17,716 = 0.381 = 38.1%
Same process with a 23.6% ratio. nakukuha ito by dividing the number that is three places to the right.
5 divided by 21 = 0.238 = 23.8%
Ngayon may idea na tayo kung paano ito nakukuha, usually nakalatag na itong mga ratios na ito sa mga trading platform. 
In addition, makikita din natin sa retracement levels ang 50% and 100% ratios.

Fibonacci Retracements

Isa sa mga technical analysis na ginagamit ng mga traders to find a support and resistance.
Kapag ang market ay uptrend or paitaas, magagamit mo ang Fibonacci retracement to look for potential support levels.
Kapag ang market naman ay downtrend or paibaba, we can use Fibonacci retracement to find a potential resistance level.

Uptrend 

Fibonacci Altcoinpinoy

Hahanapin natin yung swing low sa ilalim, yan yung letter A na nakikita natin sa image. Ito yung gagawin natin na pivot point—then we will drag it kung nasaan ang swing high ng candles, in this case, yung letter B sa image.

Kung titingnan mong maigi ang example natin, nag bounce ng ilang beses sa 0.38% Fibonacci ratio ang price, bago ito tuluyan tumaas. Kagaya nga ng nasabi ko kanina, Fibonacci retracement can act as a support sa uptrend.

Downtrend

Fibonacci Altcoinpinoy
Dito naman kabaliktaran ng ginawa natin kanina, ang una nating  hahanapin ay yung swing high yung letter A sa image. Then ito yung magiging pivot point natin, at tsaka natin ito idadrag paibaba—papunta sa swing low, yung letter B.

Yung mga nilagyan ko ng circle, sila yung mga nagsisilbing resistance na nag tutulak pa ibaba sa price.

Fibonacci extension

Ang  Fibonacci extension naman ay ginagamit para ma project kung saan possibleng umabot ang price ng asset na maaring tumama sa support and resistance level.
Ang pinaka gamit nito ay para malaman kung saan tayo pwedeng mag take ng profit.

Downtrend

Fibonacci Altcoinpinoy
Gamit ang Fibonacci extension tool, iba ito sa Fibonacci retracement na ginamit natin kanina.
Hahanapin muna natin ang swing high at ito ang gagawin natin na pivot point.

Ngayon we have to drag it on the swing low, katulad ng nakikita natin sa image sa itaas. Pero hindi ito nag tatapos doon, kasi kailangan ulit natin idrag ang tool papunta sa previous retracement ng price.

Uptrend

Kabaliktaran lang naman ito ng ginawa natin kanina, gamit ang Fibonacci extension, hahanapin natin ang swing low, ito ang mag sisilbing pivot point natin—and we will drag it to swing high.

Ngayon hahanapin natin ang previous retrace at doon natin ito idudugtong.
Once we’re done, makikita na natin yung kabuan ng fibonacci at yung mga ratios na nakikita natin ang mag sisilbing possible resistance na pwede tayong mag take ng profit.

Here is another example:

In this image, kapansin pansin na nag bobounce ang price action kapag ito ay tumatama sa Fibonacci levels. At dahil dito, maari natin itong magamit para ma anticipate natin kung saan tayo pwedeng mag take ng profit.

Madali lang diba?

Hindi naman sya ganoon kahirap intindihin, actually maraming traders ang gumagamit nito—at kung alam mo ito gamitin properly, mag kakaroon ka ng advantage kumpara sa ibang traders na hindi gumagamit nito.

3 thoughts on “How to Trade Fibonacci (Tagalog)”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart