Maraming pagkakataon na hindi tayo nakakasabay sa trend bago pa man ito mag pump or mag dump. Dahil na rin sa uncertainty ng market. At hindi natin gustong sumakay sa bumubulusok na tren. Ang pinaka magandang gawin is to wait for a pullback.
Ang market ay hindi tatakbo ng isang diretsong linya paitaas o paibaba. Laging may mangyayaring correction or retracement before it will continue to rally.
May dalawang uri lang naman ng pullback
Ang isa ay pullback sa uptrend, at ang isa naman ay pullback sa downtrend.
Ano nga ba ang pullback?
Kapag sinabi na pullback it means temporary reversal ng current trend, upward and downward. Ang chart ay parang alon na umaangat at bumababa.
Ang nangyayari sa uptrend market kahit na ang price ay tumataas may mga pagkakataon na babagsak ang price pero temporary lang bago ito umangat ulit. Ito ang nagdudulot ng higher high sa price action ng market.
Sa down trend naman kabaliktaran lang, bumababa ang price pero may mga pagkakataon na ito ay hihinto at aangat temporarily, bago ulit mag patuloy sa pagbaba.
How to trade pull back?
First, hahanapin natin yung pullback zone at doon tayo mag eenter.
Uptrend pullback
Hindi ka basta basta mag eenter sa trade kapag napansin mo na nag pullback na ang asset.
Hihintayin mo ito mag bounce, kapag naka pwesto na paitaas ang price action, pwede ka na mag enter. And make sure to put a stop loss underneath your entry point.
Downtrend pullback
Nangyayari ang down trend pull back kapag tumaas ang price at bumaba ulit. Syempre it happens sa downtrend market.
Kabaliktaran lang naman ng entry set up natin kanina sa uptrend pullback.
Hihintayin mo mag bounce muna ang price action at yung tipong naka position na ito paibaba, tsaka ka papasok.
Maari din itong magamit sa trading strategy na nadevelop mo, may mga profitable pullback trader na ito lang ang ginagawang basehan para pumasok sa trade. At syempre, may kanya kanya silang diskarte dito.
You can personally customize your strategy, pwede mo ito dagdagan ng ibang mga indicator na sa tinging mo makakatulong sa trading technique mo. Pero this kind of strategy is enough to make a profitable trade.