How to Identify a Trend (Tagalog)

Trend

Sa pag aaral ng technical analysis kung saan ito ang batayan kung paano malalaman ng maaga ang posibilidad ng pag babago ng trend ng market based on evidence. Importanteng malaman muna natin kung ano ang trend. Kung iisipin napaka dali lang nito ma identify, kung saan and direction ng market ito ay matatawag na trend. Tama nga naman, but let’s try to disect the trend sa article na ito.

Ang principles ng technical analysis ay applicable sa kahit anong time frame, one minute, daily, weekly or even monthly chart.

Bakit kaya?

Dahil ang human nature ay more or less constant. Ang interpretation ay parehas lang sa kada time frame. Ang tanging pag kakaiba lang nila ay mas malawak at malaki ang labanan ng buyers at sellers sa monthly charts kung ikukumpara sa daily charts. Kaya naman ang trend reversal signal sa weekly chart ay di hamak na mas importante kaysa daily chart.

Ang principles at interpretation ng trend sa  10 minute charts ay kaparehas lang ng interpretation sa weekly chart. Kung isa kang long term trader at nakita mo sa 10 minute chart ang possible trend reversal base sa iyong interpretation sa market. Ang isang long term trader ay hindi pwedeng mag initiate ng trade base sa 10 minutes chart. Pero kung ang kaperehong signal na nakita sa 10 minute chart ay lumabas sa weekly chart, ang isang long term trader ay maaring mag desisyon sa time frame na ito.

3 Important Trends

Ang trend ay ang period ng pag galaw ng price in an irregular manner, pero sa iisang direction lamang.
Maraming iba’t ibang uri ng trend sa technical analysis, pero may tatlong pinaka common na trend na ginagamit at pinag babasehan ng mga traders at investors.
Ito yung Primary trend, Intermediate trend at short-term trend.

Ang gagawin nating pag aaral sa mga trend ay guide lamang or yung mga madalas na nangyayari sa history ng charting sa iba’t ibang market. May mga specific na trend na mas mahaba at mas maikli.
Ang gagamitin natin na  basis ay ang stock market kasi bago lang ang cryptocurrency market at wala tayong  masyadong makukuhang data.

Primary Trend

Ang primary trend ay tumatagal ng 9 months to 2 years or higit  pa. Ito yung reflection ng mga investors fundamentally sa market. Kung susumahin natin ang kabuan sa pinag samang bull  market at bear market tatagal ito ng humigit kumulang apat na taon. Normally, mas matagal ang trend  na nangyayari sa bull market kasi mas matagal itong buuin unlike sa bear market na mas mabilis lamang ang pag bagsak(3 years bull market, 1 year bear market).
Importanteng malaman ito ng long term or short term traders, para mag karoon ng idea at mabantayan ang possible reversal.

Intermediate Trend

Sa kahit anong chart ng market walang gumagalaw na price in a straight line.
Ang primary upswing ay laging may interruption na nangyayari sa pag galaw nito may mga several reactions na nagaganap. Ito yung tinatawag na countercyclical trends na nakapaloob sa primary bull market also known as intermediate price movements.
Nag tatagal ito ng 6 weeks or 9 months or higit pa.

Short-term Trend

Normally nag tatagal ito ng 3  to 6 weeks more or less.  Ito naman Yung nag iinterrupt sa intermediate trend price movements.
Ang madalas nakaka influenced ng galaw nito ay yung mga random news events at iba pang mga pangyayari sa market, mas mahirap ma identify ang trend na ito kaysa sa intermidiate at primary.

As a general rule, the longer the time
span of a trend, the easier it is to identify. The shorter the time span,
the more random it is likely to be.

Ang information na ito ay nangaling sa Dow theory, ito yung theory na pinagbabasehan ng halos lahat ng technician. Napaka simple lang nito at sa sobrang simple nito, marami ang hindi nakaka alam. Ito ay isa sa mga basic building blocks ng technical analysis, at bago ka tumalon sa iba’t ibang uri ng strategy, mas mauunawaan mo ang mga ito kung mag uumpisahan mo pag aralan ang pundasyon.

Read more:

10 Stages of Market Cycle
Moving Average

1 thought on “How to Identify a Trend (Tagalog)”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart