Naranasan mo na bang pumasok sa isang trade sa pag aakala na mag pupump na ito and then suddenly reversed?
It broke the resistance or the trendline, and you see a bullish candlestick the price is going up, indicators are showing bullish as well.
Kaya naman ang expectation mo ay malaki, na tama ang naging desisyon mo na pag pasok sa trade.
Pero hindi nagtagal bumalik ulit ang price kung saan ka nag enter.
Iniisip mo na temporary pullback lamang ito and the price will continue to go up afterward.
Pero hindi ito ang nangyari and you got stopped out.
You lose the trade.
So what happened here?
Welcome to the bull trap, my friend.
In this article, aalamin natin kung paano ma identify ang bull trap chart pattern, and how we can trade with it.
Ang bull trap chart pattern ay macoconsider natin na bearish signal na nangyayari sa uptrend market.
Kadalasan sa Major resistance level. Kaya as a trader, napakaimportanteng ma identify natin kung nasaan ang major resistance level, before entering a trend.
Ano ano ang nangyayari during bull trap?
Let me give you a quick overview kung bakit nagaganap ang bulltrap.
Nangyayari ito madalas sa bullish market, so and expectation ng mga traders ay pataas, it will go to the moon!
Usually, it will break the resistance level then moved up.
Ngayon, mapapansin ito ng mga breakout traders, and they will jump into a trade. Magdadagdag ito sa power ng bulls para itulak pa paitaas ang price.
Ang tendency yung mga naka sell limit or yung mga naka short position will be triggered, at di mag tatagal they will be stopped out.
Ang mangyayari naman sa power ng bulls ay manghihina at ito ay babalik sa price ng resistance level na pinangalingan nito.
Kapag nangyari ito, traders will put a short position, pati na rin yung mga break out traders na nag jump in sa break out at natalo, will rejoin the short position.
Kaya ito tinawag na bull trap. Because traders are being trapped.
Yung mga naka short position na nastopped out, are being trapped out sa labas ng market. At yung mga naka long position naman ay na trapped sa loob at nag hihintay na mag bounce ang price paitaas.
Bulltrap #1 example
Ang image na nakikita natin sa itaas is a good example of a bull trap. May naghihintay na resitance level above, kaya naman nang tumama ang price dito the first candlestick that break the resistance level, pero sinundan ito ng isang bearish candle stick which is a sign of a reversal.
At kitang kita naman natin kung paano nag reversed ang takbo ng trend.
Bulltrap #2
In this example image, nangyari lamang ito sa iisang candlestick, nang ma hit nito ang resistance level, temporary na break ng price ang resistance, pero hindi nagtagal nag retrace ito at nag results to a bearish candle stick pwedeng shooting star or pin bar. Palantandaan ng mahinang momentum ng bullside. Which is a sign for a reversal.
Hindi tayo pwede pumasok sa trade kapag na hit ng price ang isang major resistance level.
Tnx po sir