How to Handle Emotional Trading (Tagalog)

Ang market ay parang dagat na umaalon pataas at pababa na walang pakialam sa nararamdaman mo.
Siguradong napakasaya mo kapag ang binili mong asset ay pumabor sayo at nag rally paitaas.
At binabalot ka naman ng takot habang ang trend ng market ay hindi umayon sa iyo, habang pababa ng pababa ang value ng pera mo.

Ang nararamdaman mo na ito ay walang kinalaman sa market, kundi mananatili lamang sa loob mo.

At hindi alam ng market na nageexist ang taong katulad mo.  Wala kang magagawa para mabago ito, hindi gusto ng market na masaktan ka. Kaya ang tanging makokontrol mo lamang ay ang iyong sarili.

Ang isang mandaragat ay hindi kayang kontrolin ang dagat kundi ang kanyang sarili lamang.
Kaya nyang pag aralan ang mga weather patterns, at iba’t ibang uri ng technique para maging magaling na mandaragat at magkaroon ng experienced. Alam nya kung kailan sya papalaot at kailan mananatili na lang sa dalampasigan. Ang magaling na mandaragat ay ginagamit ang kanyang utak.

Ang dagat ay kapaki pakinabang, makakakuha ka dito nang makakain tulad ng iba’t ibang uri ng isda, magagamit din ito daanan papunta sa ibang isla. Pero ang dagat ay napaka delikado din, pwede kang malunod dito. Kung rational ang approach mo sa dagat maari mong makuha ang mga gusto mo, pero kapag naapektuhan ka na ng iyong emosyon hindi ka na makakapag focus sa realidad nang isang dagat.

Ang isang trader ay kailangan pag aralan ang trends at mga reversals sa market, tulad din ng pag aaral ng isang mandaragat sa dagat.
Dapat syang magsimula sa maliit na scale, habang pinag aaralan kung paano ihandle ang kanyang account.
Hindi mo pwedeng kontrolin ang market, kundi ang sarili mo lamang.

Kapag ang newbie na trader ay nanalo ng magkakasunod, feeling nya isa na syang professional, na mauuwi sa pag pasok sa mga trade na alanganin hangang masunog ang kanyang account. Sa kabilang banda ang isang baguhan na sunod-sunod na natalo sa mga trade— ay mawawalan ng kompyansa at hindi makakapag place ng order kahit sinasabi na ng system na ginagamit nya na you have to buy it now or sell it.

Kung ganito ang nararamdaman mo sa pag tetrade exited at frightened, hindi mo magagamit ng maayos ang iyong intellect. Kapag ang sobrang kaligayahan ang bumalot sayo, you will make irrational trades and lose.
Kapag naman ang takot ang namayani sayo, you will miss profitable trades.

Ang isang mandaragat na nakasakay sa kanyang bangka kapag natitinag ng malakas na hangin, ay magbabawas lamang ng kanyang layag. Ganito din ang solusyon sa trading kung masyado kang naapektohan ng market. Bawasan mo lang ang account size mo sa pag tetrade.
Mag trade ka nang maliit habang pinag aaralan mo pa lang ang market or kapag nararamdaman mo na stressed  ka.

Ang mga professional na trader ay laging kalmado.

Emotional trading is a luxury that nobody can afford.

Karamihan sa mga tao ay mahilig sa exitement at entertainment. At ang market ang isa sa pinaka entertaining place on earth. But trading with emotion is very risky.

Ang pakiramdam na nakukuha sa emotional trading, ay katulad lamang ng nararamdaman ng mga taong, nagsusugal, tumataya sa mga race track, karera ng kabayo, jockeys etc.

Ang exitement nila ay nag uumapaw habang sila ay nananalo, may mga nagtatalunan, nag yayakapan, nagsisigawan. Kabaliktaran naman kapag sila ay natatalo, may mga umiiyak, nagdadabog at nadedepressed sa pag katalo.

Lahat ng mga yan ay nararanasan ng isang trader, at dahilan din ito kung bakit napakahirap ng trading. Kasi kailangan mo kontrolin ang iyong emosyon. Madaling sabihin, pero mahirap gawin.
Kaya nga sa mga casino libre ang alak na binibigay sa mga Gamblers. Kasi kapag sila ay nalalasing nagiging mas emotional sila at ang tendency lalo sila mag susugal.

How can we overcome our emotions?

It takes time, hindi ito ganoon kadali at kailangan paunti-unti lamang.
Nabangit ko kanina ang isang solusyon ay bawasan ang size ng account. Kasi masyado itong mabigat para sa iyo. Parang sa gym, kung mag uumpisa ka pa lang mag buhat, hindi ka mag uumpisa sa pinaka mabigat na barbell or dumb bell. Mag uumpisa ka sa pinaka magaan.

At habang tumatagal nakakasanayan mo na at unti-unti ka magdadagdag ng bigat.
Ganito din sa trading, mag umpisa ka sa maliit at habang tumatagal at nakakasanayan mo na, maaari ka na mag dag dag. Hindi mo pwede madaliin ang prosesso. Kaya maraming nagfafail sa trading, kasi sumusuko na sila bago pa sila maging successful.

2 thoughts on “How to Handle Emotional Trading (Tagalog)”

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Shopping Cart